CHAPTER 44

781 45 4
                                    

Mabilis nyang sinukat ang loader at ang kinalalagyan ng V Queens, bahala na! Ang importante ay makawala sila sa pagkakalambitin. Nakipag-usap sya sa mga ito gamit ang mata at kita ko ang marahang pagtango ng mga ito.

Kinabit ko ang silencer ng baril ko. Alam kong makakaagaw pa din ng pansin ang gagawin ko pero atleast ay hindi ganun ka-eskandaloso. Agad kong pinuntirya ang mga tali nila para pabagsakin sa loader. Hindi naman sila ganong masasaktan siguro. Besides, sanay naman din silang masaktan. Ano daw?

Isa-isa silang bumagsak sa loader at kita ko ang pag-igik nila dahil buong bigat nila ang bumagsak at una pa ang mukha nila. Nagkibit-balikat nalang ako. Mahalaga makawala sila.

Maingat akong lumapit sa kanila at nilabas ang kutsilyo para kalagin ang mga tali nila. Tinignan ko sila at gusto kong matawa sa mga mukha nila. Namumula ang ilang parte nito sanhi ng pagbagsak. Nang matanggal ang mga tali nila ay hinagis ko ang bag sa kanila para sa armas.

"Tumakas na kayo. Kunin nyo na ang pagkakataon hanggat abala pa sila at hindi nakalahalata."

"Pano ka?"wika ni Amaryllis habang sinusukbit ang isang baril sa beywang

"Kaya ko na sarili ko. Ako ang tatapos sa mag-amang yan. Hindi nila ko sasaktan dahil kailangan pa nila ko para mapasakanila ang kumpanya ng mga magulang ko. At yung isa naman ay papakisamahan ko hanggang sumapit ang paglilipat ng posisyon sa susunod na tagapagmana ng empire." tinapik ko sa balikat si Amaryllis

"Sigurado ka, Wolfy?" si Foxglove

"Ay hindi, joke lang to!" irap ko dito. "Syempre seryoso! I have everything planned. Umalarma lang kayo dahil baka mangailangan ako ng tulong nyo sa mga susunod na araw. Mamomonitor nyo naman ako at alam ko hindi nyo ko pababayaan pag kinailangan ko kayo" nginitian ko sila

"Potah! Kinakabahan ako sayo, Wolfsbane! Hindi ako sanay na mabait ka, baka kunin ka ng maaga!" bulalas ni Larkspur

Tinignan ko ito ng masama "baka gusto mong ikaw ang kunin ng maaga?" sabay tutok ng baril dito.

"Etoh naman! Hindi na mabiro! Aalis na kami. Mag-iingat ka dito!" sabay nagkukumahog na tumalon ito pababa sa loader

"Walang bantay sa kanlurang bahagi nitong gusali. Pwede kayong umakyat sa pader, nandun ang big bike ko. Bahala na kayo kung pano kayo magkakasya dun" tumango ang mga ito at dahan-dahan na din kumilos pababa ng loader.

Ngunit pag-tapak pa lang namin sa sahig ay may narinig kaming kasa ng baril. Agad akong naging alerto at pinayuko ang mga kaibigan ko. Sumenyas ako na gumapang sila dahan-dahan. Alam kong nakaramdam na ang mga ito at napansin na wala na sa kisame ang V Queens.

Nagmwestra ako na dalian na nila ang kilos habang hindi pa sila nakikita. Dali-dali silang gumapang, ngunit nanlaki ang mata ko ng makita ko na papunta sa diresyon nila ang isang tauhan ni Theo.

Agad ko itong pinuntirya at binaril ito. Nakasilencer ako kaya walang ingay na nilikha. Agad itong humandusay sa sahig at sinenyasan sila na dalian ang pagkilos.

Nang makalayo ang V Queens ay pumihit ako paikot pero sakto pag-ikot ko ay ang pagbangga ko sa isang malaking bulto at ang biglang pagdilim ng paligid ko.

Nagising ako na tila parang napupunit ang mga braso ko at namamanhid ang likod. Pagmulat ko ay mga nakangising mga demonyo ang nabungaran ko. Ke-papangit! Hindi nakaka-inspire gumising!

Saglit pa syang pumikit ng mariin at muling minulat ang mga mata. Ngunit ganun pa din ang nakita nya. Tsk!

Pinasadahan nya ng tingin ang nasa harap nya, merong limang lalaking armado, ang dalawa ay nakaupo sa silya at tila umiinom ng kape. Ang isa ay nakaupo sa lamesa at nakapatong ang isang paa sa silya habang nakasukbit ang mahabang baril. Ang dalawa ay nakasandal sa may pinto.

Napagtanto ko na kaya pala ang sakit ng braso ko ay dahil nakatayo ako at naka-kadena pataas ang dalawang kamay ko. Nabanat masyado ang sugat ko. Shit! Wag naman sana dumugo at bumuka ang tahi. Pati ang paa nya ay naka-kadena din.

Sabay-sabay kaming napalingon ng marahas na bumukas ang pinto at niluwa si Satanas este si Theo pala. "Wifey!"

Binigyan ko ito ng nakamamatay na tingin "Ulol!" angil nya dito.

Ngumisi ito at umiiling na lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang baba nya at inangat ang mukha pero pilit nyang iwinawaksi ito. "Kung magiging mabait ka lang at susunod sa gusto ko hindi ka masasaktan at walang magiging gulo, Wifey" mahinahon nitong wika.

Ngumisi din ako at tumingin sa mukha nito. Tunay na napakaamo ng mukha nito at hindi mo aakalain na halang ang kaluluwa nito. Tila hindi makabasag pinggan pero mamatay tao sa totoong buhay.

Inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Hindi sya umiwas at nakita ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito. Nang lumapit pa ito ay alam ko ng ang labi ko ang puntirya nito. "Did you know that I really dreamed of having  you as my wife? And now magkakatotoo na. I can't wait to sleep every night with you by my side and to wake up every morning seeing your beautiful face. Gusto kong marinig ang ungol mo and how you scream my name as we make love" tila ito nagda-daydream habang naglilitanya.

Hindi naman lingid sa kanya noon na gusto sya ni Theo. Ang totoo nito, palagi itong nakaalalay sa kanya noon at tila sya isang prinsesa kung protektahan nito. Pero wala talaga syang maramdaman na espesyal dito marahil ay naamoy kasi nya ang umaalingasaw na itim na budhi nito.

Pumalatak sya at tumawa ng pagak "First of all, did you know na wala akong paki sa dream mo? Secondly, kung uungol man ako at isisigaw ang pangalan mo yun ay dahil binabangungot ako dahil ikaw ang katabi ko" nagbabanggan ang nagngingitngit na ngipin nya habang mahinang nagsasalita. Hindi nya kailangan sumigaw dahil halos magdikit na ang mukha nilang dalawa.

Nakita ko ang sakit na dumaan sa ekspresyon nito pero dagli din na nawala at bumangis ang mukha. "Whether you like it or not, you will be my wife."  idiniin nito ang isang kamay sa magkabilang pisngi nya. Napapikit ako sa sakit hanggang sa marahas din ako nitong bitawan.

"Alam mo, hindi mo talaga ko gusto. Hindi lang matanggap ng ego mo" panggagatong nya pa dito. Tignan natin hanggang saan ang pisi nito.

Agad nagdilim ang mukha nito. Binalingan nya ang mga tauhan nito at sumigaw "Get out!" agad naman nagsilabasan ang mga ito.

Nang makalabas ang mga ito ay muling bumaling sa kanya. Tila ito isang leon na handang lapain ang kanyang biktima. Bigla itong nagpalit ng anyo. Super saiyan yern?

Mabilis nito sya nitong nilapitan habang tila nagbabaga ang mga mata. "Teka!" sigaw ko dito. At natigil ito sa paglapit sa kanya pero hindi nawawala ang dilim ng awra nito.

"What?!" angil nito.

"Gagahasain mo ba ko?" tahasang tanong ko. Biglang ngumisi ito at muling itinuloy ang paglapit sa kanya habang hinuhubad ang jacket nito. Pajacket-jacket pa kasi feeling action star! Init-init ng panahon!

"Ano sa tingin mo?" malayong malayo ang hindi makabasag pinggan na itsura nito kanina sa nakikita ko ngayon.

"Kino-confirm ko lang. Para ready ako" binigyan ko sya ng alanganing ngiti.

T*ngina! Hindi pwede! Pag-aari lang ni Big Bird ang cookie monster ko! Kailangan ko makaisip ng paraan!

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon