CHAPTER 23

990 51 9
                                    


NILUWA ng pinto ang magkakapatid na El Grejo at ang mag-asawa na nag-aalala sa kanya

“How are you, Iha?” magiliw na tanong ng ginang.

“Maayos naman po ako Madam” tipid nyang sagot

“Ma, mauna na ho kayo bumyahe pauwi. Pagpapahingahin ko lang muna si Harl. Bukas na kami luluwas” wika ni Winter sa ina

“Kuya, I’ll stay, too. Sasamahan ko si Ate Harl.” Wika ni Summer

“Me, too!” segunda ni Spring

“Kami din” wika ni Autumn na tinuro si Monsoon

“No! Sumabay na kayo kila Mom and Dad. Kailangan magpahinga ni Harlene”madiin na wika nito sa mga kapatid

May sumilay na kakaibang ngiti sa mag-asawang El Grejo. Nagtinginan pa ito at ngumiti ng palihim

“Oo nga, mauuna na kami lumuwas, Iho. Nang makapagpahinga muna kayo” wika nito pero may kakaibang hagod ang pagbigkas

Napasimangot nalang ang magkakapatid. “Napakakontrabida ni Kuya” bulong ni Autumn na sinamaan ng tingin ni Winter.

“Your Majesty, mas mabuti pa siguro sumabay na din tayo ng pagluwas” suhestyon nya. Kinakabahan kasi sya baka kung ano pa ang mangyari lalo at dalawa nalang silang maiiwan

Diba landi ka? Ngayon atakot ka naman pala sa Big bird nya? Haha!

“No. We’ll stay, Mi Lady” pinal ang tono ng sagot nito

Paktay ka na cookie monster.. Haha!

Nakaalis na ang mag-asawang El Grejo at mga kapatid nito. Naramdaman nya ang pagbukas ng pintuan tanda na nagbalik na si Winter dahil hinatid nya ang mga ito sa baba.

Bitbit din nito ang bag ng mga damit nya.
“Magli-live in na ba tayo, Your Majesty?” kunot noo nyang tanong na nakatingin sa bag ng mga damit nya na bitbit nito

Napatawa ng mahina si Winter “hindi pa, Mi Lady. Huwag ka mag-suggest ng hindi mo kayang panindigan” malumanay nitong wika pero nakangiti ang mga mata

“Eh bakit dala mo mga damit ko?” nanghahaba ang nguso nyang turan

“dinala ko na dito para may pampalit ka.” Salubong ang kilay nito na nakatingin sa kanya

“Ahh sabi ko nga eh.” Sayang naman.. Umasa pa naman ako.. Char!

Lumapit ito sa kanya at akmang bubuhatin sya. Napasigaw ako “Your Majesty! San tayo pupunta?” kinakabahan nanaman ako..

“wala kang balak maligo, Mi Lady?”

“Hala! Papaliguan mo ko??” namimilog ang mata nya

Tumawa ng malakas si Winter na tila aliw na aliw sa kabaliwan nya “Hindi, Mi Lady. Ihahatid lang kita dun dahil nga namamaga ang paa mo. Pero kung gusto mo naman... Pwed----” hindi nito natapos ang sasabihin ng putulin nya

“No! Kaya ko na po, Your Majesty. Ayokong makita mo ang cookie monster ko!” sigaw nya dito. Pakiramdam nya ay butil butil na pawis ang lumalabas sa kanya..

T*ngina! Sa labanan ni wala syang takot pero dito kay Big Bird kung pag pawisan sya naglalawa! Pashnea!

Halos dumagundong sa buong kwarto ang tawa ni Winter. “What’s with the cookie monster, Mi Lady?” curious nitong tanong

“uhhmm.. Wala yun, Your Majesty. Favorite ko kasi ang sesame Street. Favorite loveteam ko si Big Bird at Cookie Monster” palusot nya..

Mukha naman wala itong idea dahil tumango tango lang ito.. Haha!

KINAGABIHAN naalimpungatan sya at nakita nya si Winter na seryosong nakasubsob sa laptop nito at may mga papel sa ibabaw ng table

Naramdaman yata nito na gising na sya “Are you hungry, Mi Lady?” wika nito na hindi nag-aangat ng mukha mula sa pagtitipa sa laptop

“Naku pasensya na, Your Majesty. Nakatulog nanaman ako. Kumain ka na?” tanong nya dito kahit alam nyang hindi pa ito kumakain dahil kailangan nya muna macheck ang pagkain nito

“Not yet, Mi Lady. Kumain na tayo. Then let’s talk”. Seryoso ang tono nito.

Anyare? Parang nagbago ang ihip ng hangin..

Natapos nalang sila kumain ay naging napakatahimik ni Winter. Hindi nya maintindihan. Dinala sya nito sa veranda. Napakaseryoso ng mukha nito at mukhang may malalim na iniisip

“Anong problema, Your Majesty?” hindi na nya natiis na tanong dito

Umupo ito sa tabi nya at nag Cross legs habang nakahalukipkip. “pinacheck ko ang background mo” wika nito na nilingon sya. Gusto yata makita magiging reaksyon nya.

Nagulat man at kinabahan ay hindi nya pinahalata “then ano ang result ng investigation?” hamon nya dito ng nakatitig sa mata nito

Nakita nya ang paghigit ng hinga nito bago may kinuhang envelope at inabot sa kanya.

Inabot nya ito at dahan-dahang binuksan ang envelope. Nakatingin din ito sa kanya habang hinuhugot nya ang laman. Tinitigan nya ito at nagsalita “Pera o Kahon? Char!” at hinugot ang laman nito

Andun ang mga stolen shots nya.. “in fairness ah.. Ganda ko sa shot na to” nakuha nya pang mag comment sa pictures nya haha!

Binulatlat nya ang isang folder at nandun ang detalye ng tunay nyang pangalan. Pati ng pagkakakilanlan ng buong pamilya nya. “taray! Ano to talambuhay ko?” nakataas kilay nyang turan kay Winter. Hindi ito nagsalita at nanatiling nakamasid lang sa kanya

Sa sumunod na pahina ay ang pagkakakilanlan ng mga kagrupo nya. Ang V Queens.. “sino imbestigador mo? Si Sherlock Holmes?”

Napakadetalyado ng laman ng report maging kung pano nila pinatumba ang Blue Shadow noon. Gayundin ang nagyari sa kapatid nya.

Nanginig ang kamay nya nang mapasahadan ng mata nya ang tungkol sa kapatid nya. Meron ding larawan nito sa bahaging iyon ng report. Humigpit ang hawak nya dito na halos malamukos na ito.

Hindi nya namalayan na tumulo na pala ang luha nya habang nakatunghay sa larawan ng kapatid nya. “Punyeta!” mura nya sa hangin.

“Mi Lady” naramdaman nya ang palad nito na humahaplos sa likod nya

Pumiksi sya at nilingon ito “Huwag kang mag-alala, Mr. El Grejo. I’m resigning. Magpapadala nalang ako ng kapalit ko” wika nya. Mabilis nyang pinahid ang luha at pinilit tumayo.

T*ngina! Ang hirap mag-walk out pag pilay! Grrrr!

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon