CHAPTER 21

1K 54 5
                                    

NANG makaakyat ng yate ay marahan syang nilapag ni Winter sa may sofa at nagpaalam saglit para umakyat sa upper deck. Maya maya ay nakita nyang may bumaba na isang lalaki na tumango sa kanya at bumati bago tuluyang bumaba ng yate.

Kasunod nito ay ang pagbaba na din ni Winter. May dala na itong ice pack at binuksan ang pinto papasok sa yate. Bumalik ito at marahan syang binuhat. Kumapit sya sa leeg nito.. Feel na feel nya ang pa-bridal style na pagbuhat nito sa kanya.. Honeymoon??? Haha! T*ngina ka Harl! Anlandi mo! Sita nya sa sarili

Nilapag sya nito sa kama. Kinabahan ako! Baka gahasain nya ko dito!...tapos.. tapos... hindi ako manlalaban.. Buka agad! Char! Haha!

Maingat nitong nilapat ang ice pack sa namamaga nyang paa. Medyo nabawasan ang kirot nito.

“Your Majesty, kaya ko na po. Magpahinga na po muna kayo” wika ko at akmang aagawin ko ang ice pack sa kamay nito pero hinawakan nya ang kamay ko para pigilan

“Let me, Mi Lady. Ikaw ang magpahinga. And wag mo muna ito ilalakad. Para hindi mamaga lalo” tumayo ito at binuhat sya para makasandal sa headboard ng kama at binalik ang yelo sa paa nya. Naupo ito sa gilid ng kama

“kumportable ka ba sa ganyan or gusto mong humiga, Mi Lady?”

“Okay lang muna ako sa ganito, Your Majesty. Mamaya pwede naman akong magslide nalang para makahiga”

Narinig nya ang malakas na buntong hininga nito bago tumayo mula sa kama “dun muna ko sa labas. Magpahinga ka na muna. Tawagin mo nalang ako pag may kailangan ka”

Ikaw ang kailangan ko.. Pwede ba?? Chos!

“Yes po. Salamat, Your Majesty,”. Nang makalabas si Winter ay pinatong nya ang ice pack sa paa nya at nagslide para makahiga.. Maya maya ay tuluyan na syang nilamon ng antok at nakatulog.

NANG magising sya ay luminga sya. Hindi na ito ang kwarto sa yate.. Hindi din ito ang kwarto nila ni Spring at Summer sa resort.. Nakakunot noo sya habang nililibot ang mata sa loob ng silid..

Nagitla sya ng biglang bumukas ang pinto ng CR at niluwa si machete... este.. Si Winter... Tangna juice! Nakatapis lang ng tuwalya ang hudyo... Bagong ligo...juice colored! Bakat ang dinamita nito... Gustong kumaway ng tinggelbells ko at makipagkilala sa dinamita nya!

“Mi Lady, kamusta pakiramdam mo?” tanong nito ng makitang gising na sya

“Nag-iinit po” wala sa loob na sagot nya habang nakatingin sa makasalanang katawan nito.

Konti nalang sisigaw na ko.. Enter me, Your Majesty! Cheret!

“What did you say?” kunot noo nitong tanong habang nagpupunas ng buhok.

Gwapo mo sana bungol ka lang! Naiinis nyang bulong sa sarili. Naglakad pa ito palapit sa kanya para sipatin ang paa nya.

“Your Majesty, kaswal lang talaga na rumampa rampa ka ng ganyan sa harap ko?” sita nya dito at nakabusangot ang mukha

Mula sa pagkakakunot ng noo ni Winter ay napalitan ito ng pag ngisi at amused na itsura habang nakatingin sa kanya at nagpupunas ng buhok. “Why, Mi Lady? Hindi ka ba na-entertained sa view?” nanunudyo ito

“entertained? Hindi po. Pero kung sasayaw ka baka magbago isip ko” ganting asar nya na pinagkrus sa dibdib ang braso nya at ngumisi na din

Ewan ba nya pero ang kumportable na batuhan ng kahalayan ang lalaking toh.. Tapos jackpot nalang pag bumigay.. Haha!

Winter pouted his lips.. Potah! Pacute yern??

Napalunok sya ng ibaba nito ang hawak na tuwalya na pantuyo ng buhok at nameywang sa harap nya. Ano kaya itsura ng dinamita nito? Pilyang tanong ng isip nya. Sarap sumigaw ng “take it off! Take it off!” haha!

“Don’t dare me, Mi Lady. Baka magsisi ka” banta nito sa kanya pero nakangiti ang mata

“I dare you! Char!” sagot nya. Kinakabahan sya baka lumabas syang hindi na virgin sa kwarto na to pag nagkataon.. Kakaiba na ang pakiramdam nya.. Sigurado syang isang kalabit lang bigay agad sya.. Rupok to eh?! Haha!

“magbibihis ka ba o magbibihis ka?” wika nya. Para basagin ang namumuong kakaibang pakiramdam sa kanya.

Nakangisi naman itong tumalikod at pumasok sa closet. Maya maya ay lumabas na itong naka-white vneck t-shirt at boxers. Tinitigan nya ang kabuuan nito. Bakat ang matipuno nitong braso sa t-shirt gayundin ang abs nito. Bumaba pa ang mata nya sa boxers nito... “Hi Big Bird! Hanap ka ng cookie monster ko..” Mahinang usal nya habang nakatingin sa pagitan ng hita nito.. Haha!

Nakailang lunok na ba ko? Parang nauhaw ako.. Pashnea! Hayop na lalaki to eh... Ang sherep keshe!

“Stop staring, Mi Lady” nagbabanta ang mata nito

“At sa anong artikulo ng batas nasusulat na bawal ang tumitig?” nakataas kilay nyang wika
Napapailing nalang ito “dami mong alam. Dito kalang kukuha ako ng pagkain natin. Ang haba ng tulog mo, sleeping beauty” ngisi nito sa kanya

Oh shocks! Napahaba ba ang tulog nya? “anong oras na ba?”

“3pm”

Pakshet! Ganun katagal ang tulog ko?

“kumain ka na ba, Your Majesty?”

“Hindi pa. Eh tulog pa yung magche-check ng food ko eh” nakalabi nitong sagot. Pabebe din to minsan eh..

“Hala! Sorry, Your Majesty. Hindi ko naasikaso ang pagkain mo” nahihiya nyang turan

Ngumiti ito at umupo sa gilid ng kama at tinitigan sya “it’s okay, Mi Lady. Injured ka oh..at bawal ka pa maglakad lakad. Iaakyat ko nalang ang pagkain natin”

“sige po. Babawi nalang po ako pag nagokay na ang paa ko” pangako nya dito

“dapat lang, Mi Lady. Sisingilin kita” nakangiti ito na abot hanggang mata

“juice colored! Baka wala akong ipambayad! Pwede ba yung puri ko nalang?” biro nya dito pero pwede din naman totohanin haha!

Tumawa ito ng mahina “pagiisipan ko” ganti nito “sige na bababa na muna ako bago pa kung san mapunta ang usapang bayaran natin, Mi Lady”  tumayo na ito at naglakad palabas ng kwarto

“choosy ka pa nyan??” mahinang maktol nya ng makalabas na ng silid si Winter.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon