CHAPTER 51

735 35 3
                                    


Agad akong napabalikwas at lumingon sa likod namin na sasakyan. Nakabukas na ang bintana sa kanang side nito at nakalabas ang baril ng isang bodyguard at sunod-sunod na nagpapaputok sa likod nito.

Mabilis din na nagsibunot ng baril ang mga bodyguards at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Winter sakin. Nilingon ko ito at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Hinaplos ko ang pisngi nito at nginitian. Gusto kong iparamdam dito na wala dapat syang ipag-alala.

Huminto ang kotse na nasa likod namin at kita ko na nagbabaan ang mga ito at nakaumang ang mga baril habang kami ay dire-diretso sa pagtakbo "Teka! Hindi ba tayo hihinto? Mukhang may kaengkwentro yung naka-convoy satin" wika ko na nakatingin sa nagda-drive ng sinasakyan namin. Hindi ito nagsalita hanggang sa naglipat lipat ang tingin ko sa mga nasa loob gayundin kay Winter.

"Mga pipi ba kayo? Hello?" naiinis na sya dahil ni walang sumasagot sa kanya.

"Calm down, Love. They can handle that. Madami sila na nasa paligid. There's nothing to worry about" pagpapakalma nito sa kanya.

Nang makarating sila sa hotel ay agad silang giniya papasok ng hotel. Mas mahirap daw kasi pag nasa open space, hindi masasabi baka may sniper na naka-abang.

Luh? Me ganern? Napapailing nalang sya.

Matiwasay na silang nakapasok pero bigla syang napaatras dahil bago makapasok sa bulwagan ay may scanning machine. Makikita ang baril at kutsilyo nya sa hita gayundin ang nasa pouch nya pag nagkataon. Hindi pwedeng wala syang armas dahil sigurado syang mapapalaban sila.

Mabilis akong luminga sa paligid bago pasimpleng pinindot ang earpiece ko "V's may scanning machine" mahinang bulong ko.

"Diretso ka lang, Wolfy. Ako na bahala" sagot ni Oleander. Napahugot ako ng hinga bago dahan-dahan na humakbang sa machine. Kasabay nito ang ilang segundong pagpigil ko ng hininga bago nakita ko ang staff na sinenyasan na ko na bumaba at pumasok na sa loob.

Kumapit ako sa braso ni Winter at sabay kami naglakad papasok sa bulwagan. Inikot ko ang mata ko at humanga sa laki at gara ng lugar. Sa taas ay ang mga kumikinang na chandeliers sa mataas na kisame. May veranda sa kanan na tanaw ang syudad. May mga tables and tiffany chairs din na glass na lalong nagpasosyal sa lugar. Masasabi mo talagang hindi lang mga basta-bastang mga tao ang dadalo sa pagtitipon na iyon.

Sa kabilang dako ay may bar counters na may nakahilerang cocktail drinks. Marami ng tao at nag-uumpisa na din maglumikot ang mga mata ko. Kailangan kong maging alerto dahil alam kong may maitim na balak ang ama ni Theo. Ang buhay ko at buhay ni Winter ang nasa panganib ngayon.

"Mr. El Grejo!" sabay kaming napalingon ni Winter sa gawi ng tumawag sa kanya. Nabaling ang atensyon ko dito mula sa pagmamasid.

"Mr. Gray, nice to see you" sagot ni Winter at nagkamay ang dalawa. Lumingon ito sakin at ngumiti

"Who's this beautiful lady with you, Mr. El Grejo?" tanong nito. Hindi ko mabasa ang mga tingin nito sakin. Parang may iba kong nararamdaman pero hindi ako sigurado kung ano yun. Panganib ba o kakampi? Hindi sya sigurado.

Naramdaman ko ang paghapit ni Winter sa beywang ko "this is Harleigh, my wife. Love, this is Mr. Gray" maikling pagpapakilala  nito. Malamig na din ang boses nito maging ang tingin sa kausap.

Napataas nanaman ang kilay ko dahil may naalala ako sa apelyido nito. Yung trilogy movie na talaga namang maiinitan ka dahil sa different shades. Simpatiko din ito, matangkad at prominente ang anggulo ng mukha.

Pero merong hindi nakaligtas sa mata ko. Tila ito nagulat ng binanggit ni Winter ang salitang "wife". Pero agad din nabura ang emosyon na iyon at napalitan ng simpatikong ngiti.

"Nice to meet you, Mrs. El Grejo" wika nito sabay lahad ng kamay sa kanya. Nag-aalangan man ay tinanggap nya ito at kinamayan. Ramdam ko ang higpit ng pagkamay nito sakin. Nahihiwagaan talaga ako sa pagkatao nya.

"Likewise" maikling tugon ko at dagling binawi ang kamay ko.

Maya-maya ay may mga lumapit na din na ibang businessman at investors kay Winter kung kaya't sinamantala ko iyon para makapagpaalam na magbabanyo. Pero ang totoo ay mag-iikot ako at magmamanman sya sa paligid.

Gumawi muna sya sa hallway bago pinindot ang earpiece "V's nasan ang mga hidden cameras?"

"Nasa ladies restroom dulong cubicle nasa kisame, Wolfy" sagot ni Amaryllis.

"Copy. Over and out" sabay pindot sa end call at mabilis na naglakad papuntang ladies room.

Pagdating nya sa banyo ay agad nyang sinara ang main door ng CR para walang makapasok at agad na pumasok sa dulong cubicle at tumuntong sa bowl at inabot ang kisame. Agad naman nyang nakapa at hinugot ito.

Nilapag nya ito sa may sink at binuksan. Kinuha nya ang hidden cams at nilagay sa pouch nya. Hinubad nya ang stilletto nya bago sumampa sa ibabaw ng sink at kumuha ng isang cam at ikinabit sa ibabaw ng salamin. Napalingon sya sa pinto ng may marinig syang katok dito.

Mabilis syang tumalon pababa at tinakbo pabalik sa cubicle at iniwan muli ang bag mula sa pinagkunan nya. Palakas na ng palakas ang katok at tila mga naiinis na din dahil hindi sya makapasok.

Isang pag-ayos muna at pagsipat sa sarili sa salamin bago nya tinungo ang pinto at binuksan. Nakangiti nyang binuksan ang pinto pero mga nakabusangot na mukha ng isang babae ang bumungad sakin "why the hell did you close the door?" sigaw nito sa kanya. Mukha itong tipikal na malditang spoiled brat.

P*nyeta! Mukhang mapapalaban nanaman ako ng englishan ah?! Wala pa naman akong baon ngayon, dami-dami ko nang iniisip dadagdag pa tong engliserang kawayan na to! Napaismid sya sa isip nya.

"I'm sorry. Just dropped my smelly bomb inside, Dear. Would you like to check if it still smells?" binigyan nya ito ng nakakalokong ngiti habang tinuturo ang loob ng banyo. Tila naman nandiri ang itsura nito sa sinabi ko.

"Eww! You are so disgusting, B*tch!" maarteng sigaw nito sa kanya kaya lalo nya ito nginisihan

Maka-eww kala mo hindi jumejebs! Inis na angil ng isip nya.

Tinaasan nya lang ang mga ito ng kilay at naglakad na sya para bumalik sa bulwagan habang ito naman ay pumasok na sa loob ng cr. Nang mapatapat sya dito ay nagsalita itong muli habang nakahalukipkip. "You're so yuckie! You should have eaten your own poop nalang. Like that's what is bagay to you!" wika nito habang tumitirik pa ang mata sa pag-irap.

Tumigil ako ng paglakad at dahan-dahan akong pumihit pabalik sa loob. Nasa may sink na ito habang nakaharap sa salamin at pinagtatawanan sya.

"I think, you should be the one to make it subok" nakangisi kong turan habang ginagaya ang maarte nyang pagsasalita. Lumingon ito sakin at binigyan ako ng tawang nang-iinis.

Tumaas naman ang sulok ng labi ko bago ko sinara at ni-lock ang pinto ng cr. Humanda ka sakin!

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon