CHAPTER 40

819 41 7
                                    


Nag-umpisa na syang ilapat ang scalpel sa tyan nito ngunit dagli din natigilan ng marahas na bumukas ang pinto at pumasok ang mga backup nila mula sa Army. Matapos nito ay ang pagyanig na dulot ng sunod sunod na pagsabog at ang pagpapalitan ng putok.

"Commander, nagkakagulo na sa labas. Kailangan na natin kumilos" wika ng leader ng army ng makalapit sa akin. Hinawakan nito ang braso ko na may hawak na scalpel habang nakatingin sa mukha ko.

Pakshet! Ang gwapo ng hayp na toh...malapad ang dibdib at halatang batak sa workout ang mga braso. Yung pag kinulong ka sa bisig parang gusto mo nalang malunod! Umakyat sa mukha nito ang tingin nya at pansin na pansin ang  matangos nitong ilong at manipis na labi. Lintek! Mukhang magkakasala pa yata ako netoh... Sorry Your Majesty!

Bumaba ang mata ko sa kamay nito na nasa braso ko at bumalik sa mukha nya. Ngumiti ito ng magtama ang mata namin na tinaasan ko lamang ng kilay. Sarap sugatan ng mukha para mabawasan ang kagwapuhan!

Inabot ko ng isang kamay ang braso nya na nakahawak sa kamay ko at dahan-dahan inalis habang nakatingin sa mukha nya. Hinayaan naman nya na tanggalin ko ito. Nang maibaba na nya ang kamay nito ay walang pasabi kong tinarak sa braso ng Doctor Quack Quack ang scalpel nang hindi tumitingin dito.

Kita ko ang gulat hindi lang sa mukha ng gwapong Army gayundin sa lahat ng mga nasa loob ng laboratoryo. Napaatras sila lahat ng ngumisi ako at nagsimulang maglakad palayo sa doktor. Habang si Doktor Quack Quack naman ay walang tigil sa pagpalahaw. 

Takot na takot ang peg??? Oh ngayon ka lumandi sakin, Mr. Army! Mukhang biglang umatras pati dragon balls mo!

Nang makitang walang kumikilos sa mga ito ay binagsak ko ang tray na may mga tools at nagkalansingan ito. Dagli din nagbalik sa ulirat ang mga ito at nagumpisa ng kumilos at mataranta.

Akmang palabas na din ako ng mabalingan ko muli ang pinto sa dulong pasilyo at agad na tinakbo iyon. Nagkurap kurap na ang ilaw sa laboratoryo sanhi marahil ng sunod sunod na pagyanig dahil sa pagsabog.

Nang marating ko ito  ay agad kong sinilip bago itinulak para buksan. Sinilip ko ang bawat operating table baka may naiwang bata ngunit wala. Akmang palabas na ako muli ng makarinig ng kalabog sa nakapinid na pinto. Bumaling sya at naglakad papunta dito.

"May tao ba dito?" katok nya sa pinto. Ngunit wala namang sumagot. Isa muling kalabog ang narinig nya bago buksan ang pinto at dagling napaawang ang mga labi nya. "Summer!" nasa tub ito salamat naman at wala itong tubig. Nakatali ang kamay at paa nito. May busal din ang bibig. Hinagis nito ang mga bagay na nasa cr ng makarinig ng tao.

Mabilis ko itong kinalagan at maya-maya ay kumurap nanaman ang ilaw dahil sa isa nanamang malakas na pagsabog. "Ate Harl ko! Dumating ka!" sigaw nito matapos nyang matanggal ang busal sa bibig nito at makalagan. Agad itong yumakap sa kanya at umiyak.

Natulos ako sa pagkakayuko sa tub. Ganitong-ganito din kasi ang binanggit ni Hailey nung makita sya. "Thank you, my Ate Harl! Ikaw ang superhero ko!" sambit nito at hinalikan sya sa pisngi.

"Ate Harl, why are you crying?" mga maliit na daliri ni Summer na pinupunasan ang aking mga mata ang nagpabalik ng huwisyo ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad kong niyakap ng mahigpit si Summer "Salamat at ligtas ka, Baby!" hinalikan nya ito sa noo bago kumalas ng yakap.

Hinubad ko ang bullet proof vest ko at sinuot kay Summer. Dahil alam kong nagkakapalitan na ng putok mas kailangan ko masiguro ang kaligtasan ni Summer.

Nang marating namin ang area kung saan dinadala ang mga rescue ay ibinilin ko si Summer kay Amaryllis na huwag iiwanan mag-isa. Kailangan ko bumalik para hanapin si Winter.

Sa pagitan ng mga putukan ay sumuong ako para iligtas si Winter. Tinignan ko ang tracking device nito. Kumikilos ito at tila tumatakbo o naglalakad dahil tumataas ang heart rate nito.

Pinindot ko ang earpiece ko "Larks, pa-connect nga sa system ang cctv sa may olympic pool"

"Copy, Commander" maya-maya pa ay kumonekta na ang cctv footage sa salamin nya. Tama ang hinala ko nandun si Winter! Nakatali ang mga kamay patalikod habang tinutulak papunta sa gilid ng pool. Napabagal ang lakad nya dahil pilit nyang iniintindi ano ginagawa ng mga ito.

May nilagay silang upuan sa diving board dun sya itinali. Ang lalong kinakunot ng noo nya ay merong itinali sa paanan ng upuan na sako ng semento sa magkabilang paa.

"T*ngina!" malakas na mura nya ng mapagtanto na ang gustong mangyari ng mga hayop. Mabilis ang kilos nya at halos liparin ang papunta sa olympic pool para iligtas si Winter.

Nang marating nya ang pool ay naabutan nya na nasa taas pa ng diving board si Winter. Tila nanghihina ito. Nang mag-angat ng mukha ito ay lalong kumulo ang dugo nya dahil may dugo ang gilid ng labi nito at may pasa sa mukha. Mga p*nyeta! Walang may karapatang gawing Panda ang Majesty ko! Kinuyom ko ang kamao ko at nagtangis ang ngipin.

Hindi na ko nagulat ng may bumungad na mga lalaki na armado sa harap ko. Pero hindi ako handa sa babaeng biglang sumulpot kasunod ng mga ito. Ang babaeng higad na si Jenny! Sinasabi ko na nga ba!

"Hi, Harl! Long time no see!" wika ng babaeng higad

"Parang mas okay na nga na hindi nalang kita nakita. Naaalibadbaran ako sa mukha mo!" ngisi ko dito.

Agad naman narinig ko ang pagkasa ng baril ng mga kasama nito.

"Oh ano? Matapang ka dahil madami kang bataan? Lumaban ka ng patas" hamon ko dito

Agad naman nitong sinenyasan ang mga bataan nito at lumayo.

Ibinaba nya ang mga baril nya at nagumpisa ng pumwesto. "Pag nanalo ako pakawalan mo na si Winter" wika ko dito.

"Call. Pero pag natalo ka?" Tanong nito

"Magpapakasal sya sakin" sabay silang napalingon sa nagsalita.

"Theo, Love. Anong sinasabe mo?" maang na tanong ni Jenny sa lalaki

"Sorry, Jenny." wika nito "Hi future wife!" wika ni Theo sa kanya ng binalingan sya.

"Magpapakasal because?" wika nya sa tono ni Krissy

"Because you are my future!" pabibong sagot naman ng lalaki habang nakahalukipkip

Gusto nyang sumuka sa tinuran nito. "Over my voluptuous body! Yak! Hindi ko papangarapin maging asawa ka at maging myembro ng pamilya nyo." wika nya sa nandidiring tono.

Bumangis ang mukha nito "Sorry, Wifey. What Theo wants, Theo gets" pinal ang tono nito.

"Sorry ka nalang din. What Harl don't want, edi don't! Char!" habang ginagaya ang tono ni Bimby.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon