CHAPTER 10

1K 55 3
                                    


NANG makarating sa opisina ay halos maghapon nanaman subsob ito sa tambak ng papeles. Maya maya ay pinatawag sya nito

"Yes, Boss?"

"Sunduin mo muna si Summer. Maaga daw kasi uwian ngayon. Balikan mo nalang ako" wika nito habang subsob pa din sa binabasa na papeles

Kinuha ko ang susi at nagdrive na papuntang school nito. Nang makababa ay agad akong nagtanong sa guard

"Kuya, ako yung sundo ni Summer El Grejo. Nakalabas na ba sya?"

"Baka nasa loob pa ng classroom nila, Ma'am. Akyatin nyo nalang ho sa 2nd flr ng building na yun" at tinuro ang katapat na building ng guard house.

Mabilis syang umakyat sa second flr at dali daling hinanap ang bata. Wala na halos tao sa hallway at classroom kaya inisa isa nya ang bawat room

Hanggang sa may maulinigan syang bumagsak at mga boses na nagtawanan. Sinundan nya ito at napadako sa pinakadulong classroom.

Pagsilip nya ay merong 3 batang nakatayo habang may nakakalat na lunch box sa sahig at natapon na pagkain.. Hanggang napadako ang mata ko sa batang nakaupo sa sahig katabi ng lunchbox.. Summer!

"Ano? Bat dika lumaban?" wika ng isang batang maputi at mala-anghel ang mukha pero impakta ang ugali

Lumapit na sya bago pa makapanakit ang mga ito

"Eh pano naman sya makakalaban kasi kung tatlo kayo at isa lang sya?" wika nya habang nakasandal sa pinto ng classroom at nakahalukipkip. Lumingon sa kanya si Summer at nanlalaki ang mata.

Kinindatan nya ito to assure her na she's safe now.

"And who are you?" maldita nitong sagot

"you don't know me but I know you, you and you!" wika nya habang isa isang tinuro ang mga batang maldita

"so who are we, then?" pakshet! Mukhang mapapalaban ako ng inglesan ah

"I know who your parents are, girls! So if you don't want to be in trouble you better leave her alone" banta nya sa mga ito. Kahit di naman talaga nya alam kung sino ang mga ito. Ang alam nya lang ang mga nagaaral sa eskwelahan na ito ay mayayaman at makapangyarihan

"What if we don't want to?" Sabi naman ng isa pang bata na nakataas ang kilay. Kabata bata pa mga wala ng modo

"Wanna go viral? I will post on social media on how you bullied her. Do you want me to tag you guys and also your parents?" showing them my phone kahit wala naman talaga akong video.. Haha!

Nakita nyang namutla ang mga ito.. Yeah! The power of social media… Shookt na shookt ang mga malditang bagets

"I think we better leave"wika ng leader ng bully

"Oh not so fast, little brat." wika ko at humarang sa pinto.

Nilingon ko si Summer at sinenyasan na tumayo. Tumalima naman ito at lumapit sakin humawak sa laylayan ng damit ko. Hinaplos ko ang buhok nya at binalikan ng tingin ang mga bullies

"let us pass, okay?" angas pa nito.

"No. Not until you guys apologize to her" pesteng mga bata to.. Dimo alam ano pinaggagawa ng mga magulang at di maturuan ng tamang asal ang mga anak!

"and why do we have to do that?"

"because that's the right thing to do, I guess" Pashnea! Ang galing ko na sa English!

"if you don't apologize to her then I will send the video to the principal and to all the students here in school. I'm gonna make sure you guys gonna go viral. I will tag everyone I can tag" Napatda ang mga ito at nakita nya ang pag transform ng mga ito sa parang maamong tupa

Lumapit ang mga ito kay summer at nag-sorry

"I'm sorry, Sum. Promise we will never bully you again" wika ng mga ito. Maka-Sum naman kala mo talaga close sila…

Then they turned to me at humihingi ng go signal kung makakalabas na sila.

"one more thing, clean up your mess" at tinuro ang nagkalat na pagkain sa sahig.

Bumusangot ang mga mukha ng mga ito.. Brats at its finest talaga ang mga ito.. Kung may contest ng pa-malditahan at pagiging brat gagawin kong pambato ang mga ito.. Kanilang-kanila ang korona…

"Leave it to the cleaners" sagot ng isa at nagtanguan bilang pag sang ayon naman ang dalawa

"No. Clean it now!" sigaw ko sa mga ito at nagdadabog na sumunod.. Diring diri ang mga ito sa pagdampot habang ako ay napapangiti.

Nang matapos ay lumapit sila ulit sakin "Now, learn your lesson, Girls. Bullying in any form is not a good thing. Do you understand?" naks! Maka-advice kala mo hindi din bully haha!

Tumango ang mga ito "before you leave, just wanna make it clear that what happened today should be kept within us only. If you tell this to others aside from us, I'll make sure I'll come back and haunt you. Do I make myself clear?!" banta ko sa mga ito.. Hirap na hirap na ko mag-english.. Punyeta!

Sabay sabay tumango ang ito halata ang takot sa mga mata ng mga ito at nagmamadaling umalis.. Lumuhod ako para magpantay ang mukha namin ni Summer at hinaplos ang buhok nito " you okay, baby?" tanong ko rito

Bigla ako nitong niyakap "thank you, my ate Harl!" sambit nito. Natigilan ako… parang hinaplos ang puso ko.. Haplos na nagpaalala sakin sa kapatid ko.. Tawag din nya sakin ang "My Ate Harl" or minsan ay "my hero ate".. Muli nanamang bumabalik ang sakit na pilit nyang kinakalimutan… Ang pagkabigong iligtas ang kapatid nya..

A/N: HINALUAN KO NA NG KONTING DRAMA MGA LABS.. MALAPIT NA DIN KASI AKO MABALIW KAY HARL! 🤣🤣🤣🤣✌️✌️✌️

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon