CHAPTER 25

1K 59 7
                                    


"MARRY you???Like kasal? Like marriage?" kumukurap kurap nyang tanong dito

Ngumiti si Winter dito.. "Yes, Mi Lady. Not unless you want to marry that Theo guy?" wika nito na biglang nagsalubong ang kilay

"Over my beautiful virgin body!" nagngingitngit nyang turan.

Biglang natigilan sya at tinitigan nya ang mukha ni Winter. Halos hindi sya kumurap. "Anong tingin yan, Mi Lady?" nakaawang din ng bahagya ang mga labi nya

"Seryoso talaga?" luminga linga pa sya sa paligid ng veranda

"Ano nililingon lingon mo?" nagtataka na si Winter sa kinikilos nya

"Ahm..nag-aabang kasi ako ng sisigaw ng 'Issa Prank!' wala ba, Your Majesty?" nanlalaki ang mata na wika nya kay dito.

Tumawa ng malakas si Winter bago nagsalita "Wala, Mi Lady. Im dead-serious. So what's your answer?" wari ba ay naiinip na ito sa isasagot nya

"Pwede mag-isip, Your Majesty?" alanganin ang ngiti nya.

Nampucha! Alukin ka ba naman ng kasal ng isang Winter El Grejo..ewan ko nalang.. Ewan ko nalang talaga!

"Five minutes" sagot nito

"Ha?" maang na tanong nya

"you have five minutes to decide, Mi Lady" sagot nito

"wow ah. Daig pa fast food?" taas kilay nyang turan

"Your clock is ticking" wika nito habang nakatingin sa relo "one minute"

Syete! Seryoso ba talaga tong abnormal na to? Sabagay mas okay naman na tong gwapong abnormal na to kesa dun sa manyak na hinayupak na yun. Shit! Shit! At isa pang shit!

"Uhmm .. Oo, Your Majesty. Magpapakasal ako sayo. Pero sigurado ka ba dito? Kapalit nito kalayaan mo?" hindi pa din sya kumbinsido sa ideya nito

"Kung sayo naman ako makukulong, ayoko ng lumaya" nanunudyo ang mata nito

Juice colored! Ang buhok ko! Parang umabot na sa Mars! Pashnea ka Winter!

Sumingkit ang mata nya. "San mo ba natututunan yang kaabnormalan na yan, Your Majesty?" kunwari hindi sya kinikilig

"Edi sayo!" turo nito sa kanya.

Akmang babatukan nya sana ito ng hulihin nito ang pulsuhan nya at hilahin sya nito palapit at masubsob sa dibdib nito at niyakap sya

"im glad you said yes, Mi lady. Now, you need to prepare. Naghihintay na ang Judge sa baba". Awtomatiko syang napakalas sa pagkakayakap nito at nag-angat ng tingin na halos magkapalit na ng pwesto ang mga kilay sa sobrang pagsalubong

Potah! Ano daw? As in now na???

"Anong sabi mo? Ngayon na? As in ngayon na ngayon na?" hindi sya makapaniwala.

Ngumiti ito at hinawi ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha nya "Yes, Mi Lady. Nasa baba na si Judge"

Napaawang ang labi nya. Hindi padin sya makapaniwala. "Don't give me that look, Mi Lady. Baka hindi ko na mahintay ang kiss the bride" nagbabanta nitong wika na nakatingin sa labi nya

Inirapan nya ito at lumayo. "kinakabahan ako sayo. Para kang nasapian!" naiinis nyang turan. My gosh! Bakit ang landi nito??

Muntik na syang mapasigaw ng walang sabi-sabi itong tumayo at binuhat sya papasok ng kwarto. Marahan sya nitong nilapag sa kama at may kinubang kahon na nakapatong sa lamesa.

"Wear this, Mi Lady. Lalabas lang ako para makapagbihis ka" sabay abot sa kanya ng kahon

Binuksan nya ito at tumambad sa kanya ang isang puting dress na sa tingin nya ay hanggang tuhod nya. Napakaganda nito..at mukhang mamahalin.

Saktong sakto sa kanya ang damit. Parang sinukat..pano kaya nalaman ng lalaking yun ang saktong sukat ng katawan nya? Sinuot nya din ang pares ng sandals na nasa loob ng kahon. Nakakainis kung hindi lang sana namamaga ang isang paa nya ang ganda sana ng fit ng sandals sa paa nya.

Maya maya ay pumasok na si Winter sa silid. Nakita nya ang paghanga sa mga mata nito ng makita sya. O baka feeling ko lang yun? Hays..

"You are so damn gorgeous,  Mi Lady" bulalas nito. Ayown..humanga naman pala .. Haha!

Maya maya ay lumakad ito papasok ng closet at ng lumabas ay dala na nito ang coat nito.

"Let's go" wika nito at binuhat sya pa-bridal style.

"Teka. Baka naman makitaan ako sa pagbuhat mo" reklamo nya. Nasasanay na ko sa buhat nito. Sa totoo lang nagugustuhan na nya ang pagbuhat nito

"I won't let that happen, Mi Lady" sagot nito habang nakatingin sa mukha nya. Parang tumalon ang puso ko! Pakshet!

Nananaginip ba ko? Mukha din naman kasing hindi prank to eh! Pakigising na ko hanggat hindi pa ko masyado umaasa! Hanggat hindi pa gano masakit..

Iba-iba ang reaksyon ng mga tao na nakakakita sa kanila ni Winter. Merong nagugulat pero mas marami ang kinikilig na pinipigil ang impit na tili.

Ramdam nya ang mahigpit na hawak nito sa kanya habang naglalakad na papasok sa isang private room sa loob ng resto ng resort.

Bumungad sa kanila ang nakangiting lalaki sa loob na sa tantya nya ay kaedad ni Winter. Marahan syang ibinaba nito sa Sofa. Lumapit ang lalaki kay Winter at kinamayan sabay tapik sa balikat.

Pagdaka ay tumingin sa kanya "So, there's no wonder why this crazy guy is super atat na ikasal. Im Judge Jarred Javier. You can call me 'J3' for short" nakangiti ito at akmang makikipagkamay ng tabigin ni Winter ang kamay ng lalaki "tama na ang pakamay. Umpisahan mo na" nagbabanta ang mata nito lalaki

Jarred chuckled habang umiiling.

Hindi na nya halos maintindihan ang mga pinagsasabi ng Judge. Parang nalulunod sya sa dami ng mga pangyayari.

Napabalik lang sya sa ulirat ng maramdaman nya ang kamay ni Winter na humawak sa kamay nya. Nilingon nya ito. "Mi Lady, sagutin mo ang tanong ni Judge"

"Ha? Ah anong tanong nya?" bulong  nya kay Winter." sinamaan sya nito ng tingin

Nakangising inulit ng Judge ang tanong.. Syete! Kung saan-saan kasi naglalakbay ang isip nya..

"I do" sagot nya.

"I now pronounce you Husband and Wife. You may now Kiss the Bride" anunsyo ni Judge Javier na may nanunudyong ngiti

Kinabog ako! Shemay! Kiss daw... Ang puso ko nagrarambulan..!

Marahang pumihit si Winter paharap sa kanya at hinawakan ang baba nya. Pumikit sya ng makita na papalapit na ang mukha nito sa kanya.

Para syang nakarating sa kung saang dako ng maramdaman nya ang malambot nitong labi. Dampi lang iyon pero halos maliyo sya sa sarap ng sensasyong dulot nito.

Pagdilat nya ay nakita nya na nakatitig ito sa mukha nya. Ngumiti ito at hinawakan ang pisngi nya "you're now officially Mrs. El Grejo, Mi Lady".

At muli nitong sinakop ang labi nya. Napadilat sila ng sabay nilang narinig ang tikhim ng Judge "Ehem...andito pa ko oh.. Di nyo ba muna ko papakainin?"

kung tititigan ito ay hindi ito mukhang Judge. Napakagwapo kasi nito at mas papasa na modelo. May pagka-isip bata lang base sa kung paano ito umasta sa harap nila.

"Kumain ka kung gusto mo. Wala naman samin ang pagkain" naiinis ang tono ni Winter

"Grabe ka sakin Dude! Pinagdrive mo ko mula Manila hanggang dito tapos gaganituhin mo lang ako?" nakalabi nitong sagot. "Mi Lady, kausapin mo nga yang asawa mo" sumbong nito sa kanya

"Don't call her that!" sigaw nito kay Jarred na akmang lalapitan ni Winter pero tumakbo sa kabilang dako ng kwarto habang nakangisi

"Mi lady, Mi Lady, Mi Lady" pagulit ulit pa nito na lalong kinaasar ng isa

Parang mga batang naghabulan paikot ikot sa kwarto ang mga  ito. Mga siraulo! Pero tawa din naman sya ng tawa.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon