CHAPTER 35

814 38 4
                                    


NANG makarating siya sa pinanggalingan ng sigaw ay nakita nya na hinahabol ni Tatay Lando ang van.

"Ano ho nangyari?" tanong ko kay Nanay Karing

"Kinuha nila ang asawa mo, Iha. Sinakay nila sa sasakyan na iyon" wika ng matanda at tinuro ang papalayong sasakyan na puno ng pag-aalala

Shit! Sigaw ng isip nya. At mabilis na binunot ang baril nya at pinaputukan ang sasakyan ngunit hindi na nya tinamaan ito dahil matulin itong nakalayo.

"T*ngina!" malakas na sigaw nya dahil sa inis at hindi nya nahabol ito. Wala na syang ibang masabi kundi ang mapamura nalang ng paulit ulit habang sinisipa ang puno

Binalingan ko ang babaeng hinahabol ng mga lalaki kanina "Ikaw, ano ang kailangan sayo ng mga armadong lalaki na yon?" pagalit ang tono nya kaya nakita nya na nahintakutan ang mukha nito.

"K-kinidnap po nila ako" nautal nitong sagot "nakatakas lang po ako sa kanila. Marami pa pong mga bata ang nandun." halos naiiyak na ito habang nagkukwento at pinaglalaruan ang daliri ng kamay at nakayuko

Lumambot ang emosyon ko sa nakita at nagtanong muli ng mahinahon "Pano ka nakatakas?"

"P-pinagtangkaan po nila ako gahasain." nangilid ang luha sa mga mata nito at banaag ang panginginig ng labi
"sabi po nila ay papakinabangan daw po muna nila ako at pagsasawaan bago kunin ang mga organs ko at ibenta" tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha nito. Agad lumapit si Nanay Karing sa bata at hinaplos ang likod nito

"Nagkaron lang po ako ng pagkakataon na makatakas ng may biglang dumating at pinatawag po sila. Sa pagmamadali po nila ay nakalimutan po nila na isarado ang pintuan na pinagdalhan sakin kaya kinuha ko po ang pagkakataon na yun para makatakas"

"Mga p*tangina talaga ng mga hayop na yon!" galaiti ko. "sarap gilitan ng leeg isa-isa at panuoring mamatay ng paunti-unti!" naikuyom ko ang mga kamao ko.

Binalingan ko muli ang bata "Dumito ka muna kila Nanay Karing at Tatay Lando. Magiging ligtas ka dito." tinignan ko din ang mag-asawang matanda "Nay, Tay, huwag ho kayo mag-alala. Nagpadala na ho ako ng tao para magbantay sa inyo"

Alam kong madaming katanungan sa mga mata ng mag-asawa ngunit nanatili nalang na tahimik at tumango "Mag-iingat ka anak. Sana ligtas din ang iyong asawa"

"Salamat ho." parang pinipiga ang sikmura ko sa tindi ng pag-aalala. Hindi lang para kay Winter kundi pati na din kay Summer. Alam na alam kong walang kaluluwa ang mga hayop na yun.

Pumikit sya ng mariin para pigilan ang paglukob sa kanya ng sakit ng nakaraan. "Hindi ako papayag na maulit iyon" mahinang bulong nya sa sarili habang matigas na umiiling at matiim na pinaglapat ang mga ngipin.

Maya maya ay dumating na ang isa sa mga backup nila at dala ang big bike nya. "Commander, eto na ang big bike mo at yung mga armas na kailangan mo. Naka-connect na din sa system ang tracking device ni Mr. El Grejo."

"Salamat, Aries" nilapitan nya ito at tinapik sa balikat. Tila pa ito naestatwa sa paglapit at pagtapik ko dito.

"B-basta ikaw, Commander" sagot nito at sumaludo.

"Maiwan kayo ng mga tauhan mo dito at bantayan sila. Maaring balikan nila ang bata" pagbilin ko dito

Tumango ito habang walang patid ang pagtitig sa mukha ko. "Bat ganyan ka tumingin sakin?" kunot noo nyang tanong

Agad naman ito yumuko at namula "Sorry po Commander. Na-starstruck lang po ako. Nag-goglow po kasi ang mukha nyo"

Wala sa loob na napahawak ako sa mukha ko "G*go ka! Ano ko alitaptap?" sinuntok ko ang braso nito

Hinawakan nito ang brasong sinuntok ko habang nahihiyang ngumiti "isa pong karangalan ang masuntok nyo, Commander"

Napatawa sya ng nakakaloko "pag dika tumigil hindi lang suntok aabutin mo. Nangangati ang kamay ko butasin yang katawan mo ng bala!" banta nya dito

Umiling ito habang natatawa "huwag ho kayo mag-alala, Commander. Crush lang ho kita pero mga bomb expert ang tipo ko" wika nito habang kumakamot sa likod ng ulo at alanganin ang ngiti na tumingin sa kanya

Bumuntong hininga sya habang naiiling na natatawa at nagsimula ng lumapit sa big bike nya bago panandaliang lumingon sa kausap "huwag mong aasahan na ilalakad kita kay Amaryllis. Baka pati ako pasabugin nun pag niloko mo sya" nginisihan ko sya at kinindatan.

Nanlaki ang mga mata nito sabay kakamot kamot lang ito sa batok habang namumula.

Nang makalulan sa big bike ay nagpaalam na sya sa magasawa at pinaharurot na nya ito. Tinahak nya ang daan papunta sa hideout ng Blue Shadow.

Habang nasa daan ay okupado ang isip nya ng maraming alalahanin. At muling nagbalik ang bangungot ng kanyang kahapon

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon