CHAPTER 6

1K 59 5
                                    


Mabilis nyang sinundan si Winter sa paglalakad papasok ng building. Halos lahat ng mata ay nasa amin… ayyy sa kanya lang pala.. Lahat ng makasalubong namin ay bumabati at yumuyukod.. Iba dennn talaga ang isang Winter El Grejo…

"Mi Lady, come closer to me" untag nito sa kanya ng lingunin sya

Ayyy shet! Bakit nagrarambulan ang puso ko?!

"Gano ka-close, Sir?" wika nya na lumapit pa dito

Nakita nyang sinamaan sya ng tingin nito at bumulong ng  "crazy!"

Inikot nya ang mata sa kabuuan ng building. Napakalaki at elegante nito. Dagli pang lumipad ang isip nya hanggang narinig nya ang pagtikhim nito. Hindi nya kasi namalayan na nakasakay na pala ito sa kanyang private elevator "sasakay ka ba o sasakay ka?" pukaw nito sa kanya

"Ayy Bossing sa pang employee nalang ako sasakay. Exclusive yata sayo yan" wika ko. Nakita ko kasi ang nakapaskil na "CEO'S PRIVATE ELEVATOR"

"What? Hindi ba dapat hindi ka nahiwalay sakin? Remember you are my personal assistant" nakakunot noo ito

"Sabi ko nga P.A mo ko.. P.A mo lang ako!" litanya nya na ikinailing nalang ni Wint.

"sasakay ka ba o paghahagdanin kita hanggang 40th flr?" nakapameywang na ito at nauubusan na ng pasensya

"eto na nga po oh sasakay na" Mabilis pa sa alas kuwatro na humakbang sya papasok ng elevator at tinikom na ang bibig. . Mahirap na.. Ayoko maghagdan hanggang 40th flr…!

"Pano nga pala tayo nakarating dito in 25 minutes drive only?" basag nito sa katahimikan.. Tagal naman kasi huminto ng elevator.. Baka lumagpas na kami ng langit sa sobrang taas

Ngumisi sya bago sumagot "yan ang napapala ng mga pa-tulog tulog. You've missed the action, your Majesty" pangaasar nya dito

Pumalatak ito at nagsalita "sasabihin mo ba o hahalikan nalang kita?" habang mataman itong nakatingin sa kanya at nakataas ang sulok ng labi habang nakahalukipkip

pwede both?? Charot!

"Sabi ko nga ikukwento ko na sayo eh.. San mo gusto magumpisa?"

Sinamaan sya ng tingin at akmang lalapit sa kanya

"Oo na.. Eto na.. To naman..! Nagshort cut lang ako sa mga eskinita.. Pag edsa kasi aabutin tayo ng 48 years dun dahil sa traffic. Happy?" wika nya sabay irap. Sakto tumunog na at bumukas ang elevator. Nilingon nya ito at alam nyang hindi ito satisfied sa sagot nya base sa itsura nito ngunit hindi na din nagsalita at humakbang na palabas

Hayyy salamat.. Bwisit na Mr. Beer eyes na toh.. Nakakapalpitate pag malapit! Syempre hindi nya sasabihin na ginawa nyang race track ang kalsada kanina sa bilis ng takbo at pagovertake nya na halos magtabihan ang mga sasakyan sa kalsada. WOLFSBANE LANG MALAKAS! haha!

"Wait for me here. May meeting ako sa labas mamaya" wika nito bago ito pumasok sa loob ng opisina na tinanguan lang nya

Naglibot libot muna sya at nakita nya ang mga empleyado. Napansin nya na nakaismid ang mga ito sa akin.. Inaano ko ba sila? Sabi ng isip nya

Maya maya pa ay tumunog ang elevator at niluwa ang isang babae.. Matangkad ito at balingkinitan. Nakasuot ito ng Black and white stripes na pahaba na hanggang tuhod ang haba at spaghetti strap. Naglakad ito ng pakendeng kendeng papunta sa area ng  isang empleyado.

Nakita ko ang pagkataranta at pagkaaligaga ng mga ito sa pagdating ng babae. Yung babae na empleyado sa unahan na marahil ang sekretarya ni Wint ang syang nakipagusap.

Nagulat sya ng bigla itong sumigaw at sinampal ang babaeng empleyado.. Napatayo sya at lumapit papunta sa area ng iba pang empleyado para makiusyoso..

"Papasukin nyo ko sa opisina nya! Alam kong nandyan si Winter! Pinagtataguan ako nyan at hindi sinasagot ang mga tawag ko!" pag sigaw ng babaeng bruha.

"Ma'am, busy po si Sir ngayon. Hindi po sya pwedeng istorbohin" wika ng empleyado na kita ang takot sa mata

"umalis ka sa harapan ko at padaanin mo ko!" halos magwala na ito

Lumapit sya sa isang empleyado at nagtanong "Miss, sino yang bruha na yan?"

"naku, yan yung habol ng habol kay Sir Winter at pinangangalandakan na boyfriend nya daw eh ni ayaw nga ni sir na makita sya"

"desperada si ate?" tanong ko dito ng pabulong. Itsura ko sa eksena na to ay mukhang tsismosang kapitbahay haha!

Tumango tango ito at nilagay ang daliri sa labi nito sinesenyasan ako na tumahimik

Nagulat kami ng bigla nitong sampalin ulit ang empleyadang kausap at itinulak.

"Mga empleyado lang kayo dito! Mga hampaslupa!"  sigaw nito habang dinuduro ang empleyado na napaupo sa sahig dahil sa pagtulak nito habang nakasapo sa pisngi nito

Akmang maglalakad na ito papunta sa pinto ng opisina ni Winter ng humarang ako.

"Girl, taray ng mga linyahan mo ah.. Fan ka ng telenovela?" wika ko habang nakapamulsa. Hindi na natiis ang komosyon. Nangati bigla ang kamay ko at gusto kong pumatol

"Sino ka naman?" wika nito na umarko ang kilay at nag-Cross arms

"ako ang tunay mong ina" wika nya.

"baliw ka ba?"

"Oo. Sa katunayan, kakalabas ko lang ng mental. Hinahanap ko kasi si Basilio at Crispin. Nakita mo ba sila?" dagdag pangaasar ko. Naririnig nya din ang mahinang hagikgikan ng ibang empleyado

"You're wasting my time, Bitch!" at umigkas nanaman ang kamay nito.

Dagli kong sinalubong ang kamay nito at hinawakan ang pulsuhan. Nakataas pa din sa ere ang kamay nito habang hawak ko at itinaas pa ng konti at nagsalita "sana bago ka sumugod dito at nagsuot ng spaghetti strap ay nagpa-wax ka muna ng kili kili mo" sabay taas ng kamay nito. 

Agad nitong binawi ang kamay at wala sa loob na chineck nito ang kili kili nya. Haha! Umuusok sa galit na bumaling muli ang tingin sakin at akmang susugurin ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas Si Winter.

"What are you doing here, Ms. Santiago?" nakakunot noong tanong ni Winter

"Wint baby, pinuntahan lang naman kita para dalawin hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko. Kaya lang pinagkakaisahan ako ng mga empleyado mo" sumbong nito na kala mo maamong tupa

"Ms. Santiago, marami akong ginagawa at please huwag mo na ko pupuntahan dito at sa susunod na manakit ka ng empleyado ko ipapa-ban kita dito sa building ko. Naiintindihan mo?" madiin nitong turan sa babae

Tumango ito na kala mo di makabasag pinggan

"Now leave!" malamig pa sa yelo nitong turan. Winter nga kasi.. Haha! At tinalikuran na nito ang babae at pumasok pabalik sa opisina

Sinamaan ako nito ng tingin at nagsalita habang nakaturo ang daliri sakin "may araw ka rin!" at akmang tatalikod na ito ng sumagot ako

"samahan mo na din ng buwan para masaya!" sagot ko ng nakangisi.. "nga pala, di ko alam na hindi lang pala tinatawiran ang Pedestrian Lane ngayon… sinusuot na din… Ingat ka Girl baka may tumawid sayo bigla sa daan" narinig nyang nagtawanan ang mga tao sa paligid

Nagsisigaw sa galit nitong tinungo ang elevator at umuusok na nilisan ang opisina.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon