CHAPTER 16

1K 63 14
                                    

THE VIGILANTE AND HIS MAJESTY

CHAPTER 16

Nang madetonate ang bomba ay isinilid nya ito sa bag na pinaglagyan nito. Sakto at nagising na din ang nakabiting patiwarik na lalaki at nagpupumiglas ito.

Nilapitan ko ito at walang sabi-sabing hiniklas ang duct tape sa bibig nito. Mainit ang ulo ko wala akong paki! Haha

"Urghhh!" reklamo nito sa pagkakahiklas ng tape sa bibig

"Sino nag-utos sa inyo maglagay ng bomba dito? Ano motibo nyo?"

"hindi ko alam!" matapang na sigaw ng lalaki

Ngumisi ako at nilabas sa purse ko ang mga kutsilyo

Umupo ako sa katapat nito at inunat ang mga paa at pinagkrus ito habang hinahagis hagis ang kutsilyo at nakatingin sa kanya

"matagal tagal na ko walang praktis mukhang may mapapagpraktisan ngayon. Kanina pa naman ako badtrip. Ikaw ba gumawa ng punyetang bomba na yun?" asik nya dito

"eh kung ako nga, ano naman ngayon?" pagaasar pa nito sa kanya

"Edi Shing!" wika ko sabay bato ng kutsilyo dito at diretsong tumarak sa balikat nito.

"Arrrgggghh!"

Akmang magsasalita sya ulit ng makarinig ng putok ng baril sa baba ng hotel at ang sigawan.

Dali dali syang tumayo at nilapitan ang lalaki na nakabitin. "tulog ka muna. Dipa ko tapos sayo." Sinipa nya to sa mukha at kagyat nawalan ng malay

Mabilis syang tumakbo palabas ng electrical room.

Habang tumatakbo palabas ay pinindot nya ang relo nya" team, nasa electrical room ang nadetonate na bomba. Nakabitin din patiwarik dun yung lalaking naglagay ng bomba. Pahirapan nyo at paaminin sino ang leader nila at kung sya ang punyetang gumawa ng bomba" may gigil na bilin nya

"copy" wika ng mga ito sa kabilang linya

Pagsilip nya sa baba ay agad hinanap ng mata nya si Winter. Nakita nyang may kapambuno itong nakauniform na pang-waiter at meron ding nakahandusay na katawan sa floor.

Shit! Agad syang tumakbo pababa para daluhan si Winter. Binaril nya ang katunggali nito na agad tumumba ng tamaan sa ulo

Nilingon sya ni Winter at kita nya ang gulat sa mukha nito at bumaba sa kamay nya at hawak na baril ang mata nito at bumalik sa mukha nya.

Agad nyang hinatak ito palabas at mabilis na tinahak ang papunta sa sasakyan. Akmang sasakay sya sa driver's seat ng pigilan sya nito. Hinila nito ang kamay nya at giniya papunta sa passenger's seat..

"I'll drive, Mi Lady" wika nito

Pashnea! Pwede mamaya ka na magpakilig? Nasa gyera tayo oh?!

Mabilis naman ito umikot at lumulan sa driver's seat at mabilis na pinaandar ito.. Napasilip ako sa side mirror at nakita kong may mga kotseng humahabol samin

Lintek!

"Your Majesty, may humahabol satin. Mukhang ikaw ang target ng mga gunggong na yan" wika ko habang kinakargahan ng bala ang baril

Nakita nyang nilingon sya nito at tumango pero matiim ang tingin nito sa kanya

Nang biglang nabasag ang salamin ng kotse sa likod namin dahil pinauulanan nila kami ng bala.. Bwiset!

Pinindot ko ang relo ko "Foxglove, malapit na ba kayo? Kailangan namin ng backup. Pinauulanan kami ng bala ng mga hung hang na toh.." wika ko. Nakita ko ang titig ni Winter sakin pero hindi pa din nagsasalita at binaling ang konsentrasyon sa manibela

"malapit lapit na, Wolfsbane!" sagot ni Foxglove

Muli nanamang umulan ng bala at nagpagewang gewang ang kotse na sinasakyan namin ngunit nabawi naman ulit ni Winter ng kabigin ito.

Lumingon ako sa likod.. Nakita Kong tatlong sasakyan sila at mga nakaumang ang baril pero nasa kabilang side ito sa side ni Winter…

Tinignan ko si Winter at tumitig din ito sakin.. Mukhang na gets nito ang nasa isip ko.. Bigla ako nito hinatak at napaupo sa kandungan nya habang nakaharap dito.. Ang kaliwang kamay nito ay nakaalalay sa beywang ko at ang kanan ay nasa manibela..  My gulay!

Ang awkward! Pero winaksi muna nya ito sa isipan at mabilis na nilabas ang kamay para makipagpalitan ng putok.

Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa balikat ni Winter habang ang kanan ko ang syang nilalabas ko para magpaputok. Nakakiling ako ng konti para makita padin nito ang daan.

Napatingin ako dito at nakita kong mataman itong nakatingin sa dibdib ko

"Your Majesty, eyes on the road wag sa boobs ko. Wala dyan ang daan.. Hindi yan waze" untag ko dito

Nakita kong napalunok ito ng ilang beses at napamura "damn!" wika nito ng mahina

Marupok ke den pele… haha!

Nilabas ko muli ang kamay ko at nagpaputok ngunit nadaplisan ang braso ko ng bala

"Lintek!" mura ko at napasapo sa braso ko. Nakita ko ang pagalala sa mukha ni Winter ng makita ang duguan kong braso

"Fuck! Are you okay?" wika nito

"Chill, Your Majesty. Malayo sa bituka" sagot ko dito at ngumiti para mapawi ang pagaalala nito.

Pero taena mesheket telege sha! Haha!

Sinulyapan sya nito at nagsalita "you are so brave and strong, Mi Lady. Minsan napapaisip ako kung babae ka ba talaga o nagpa-sex change ka lang eh" wika nito sabay ngisi

Aba! Raulo toh ah?!

Sinamaan nya ito ng tingin at nagsalita "isampal ko kaya sayo ang fallopian tube ko?? Kahit ipakilala pa kita sa mga egg cell ko!" gigil nyang turan sabay irap

Nakita nyang nagpipigil ito ng tawa

Hindi nya inaasahan ang biglang pagpreno nito kaya napaliyad sya at napasandal sa manibela at ito naman ay napasubsob sa dibdib ko.. Maya maya pa ay nanlaki ang mata ko ng may maramdaman ako sa pagitan ng hita ko… yung DYNAMITE nya nagising..! Juice colored!

Napabalik kami sa ulirat ng umulan nanaman ng bala… mga istorbo sa moment!

Agad akong umalis sa kandungan nya at bumalik sa passenger's seat..

Maya Maya pa ay Nakita namin na isa isang bumabaliktad at bumabangga sa barrier ang mga humahabol samin. Ayan na ang rescue!

Pinindot ko ang relo ko.. "thank you, Foxy! Good job!" wika nya rito

"Anytime, Wolfy!" sagot nito sa kanya

💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
A/N: SENSYA MGA MI LABS NGAYON LANG NAKA-UPDATE... NABUSY LANG NG BONGGA.. MEDYO KALMA LANG ANG KWENTO NGAYON.. HEHE.. 😁✌️

NEXT OR NEXT? Multiple choice na walang choice 🤣

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon