CHAPTER 42

818 39 5
                                    

NAGMULAT ako ng mata at inikot ang paningin sa paligid. Napakunot noo ako, bakit parang ang usok? Nasan ba ko?

Shit! So, eto na ba ang langit? Natutop nya ang bibig nya nang maisip ang "langit" dahil napamura pa sya. Baka bigla syang hindi tanggapin at ilaglag sa baba!

"Ate!" napalingon sya at hinanap ang tumawag sa kanya. Pamilyar ang boses nito pero pilit nya pa din inaaninag kung sino para makumpirma.

Lintek naman kasing mga usok toh! Nasa Baguio ba ko? Inis na turan nya. Hindi kasi sya makaaninag.

"Ate!" tawag muli nito.

"Pashnea! Asan ka ba?" sigaw nya na naiinis na.

Maya-maya ay nakita na nya ang bulto nito. Nanlaki ang mata nya ng mapagsino ito. "Hailey?!" bulalas nya

Nakangiti ito na lumapit sa kanya. Napakaganda nito lalo at tila kumikinang. Nag-gluta kaya ito? Naisip nya pero agad din pinilig ang ulo dahil ang korny ng naisip nya.

Tinakbo nya ito at niyakap ng mahigpit. Pumikit sya at ninamnam ang pagkakayakap sa kapatid na matagal nyang inasam. "Hailey ko!" agad namalisbis ang luha sa mata nya habang yakap ito.

Kumalas ito sa kanya at pinunasan ang luha sa mata nya "Ate Harl ko. Namiss kita!" nakangiti itong nakatunghay sa kanya

"Miss na miss din kita, Baby ko! Isasama mo na ba ko?" tanong ko.

Lumabi lang ito at umiling "No, Ate. Kahit gustong-gusto ko na makasama ka pero hindi pa pwede. Marami pa ang may kailangan sayo."

"Tapos naman na ang misyon ko, Hailey. Nailigtas ko naman na din ang mga taong mahalaga sakin kaya pwede na ko sumama sayo" pagpupumilit nya

Matigas ang pag-iling nito "Hindi mo pa oras, Ate ko. Nandito lang ako para sabihin sayo na masaya ako kung nasaan ako at palayain mo na ang sarili mo sa sakit ng nakaraan. Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari dahil wala kang kasalanan dun. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Ate Harl ko" naglandas ang mga luha sa mata nya at tila ba ay may nawalang nakadagan sa dibdib nya na ilang taon din nyang ininda.

"Mahal na mahal din kita, baby ko! Iiwan mo ba ko ulit?" hinawakan nya ito ng mahigpit.

Ngumiti ito sa kanya at tinignan sya sa mata "Magkikita din tayo ulit, Ate ko. Pero hindi pa ngayon. Tandaan mo na palagi lang akong andito nakabantay sayo."

Niyakap nya muli ito ng mahigpit "Ang baby ko. Salamat Hailey!"

"Maging masaya ka, Ate ko. Ipangako mo sakin" kumalas ito ng yakap sa kanya

"Oo baby magiging masaya ako" maya maya ay unti-unti sya nitong tinutulak paatras habang nakangiting nakatunghay sa kanya.

"Uy, baby teka bakit mo ko tinutulak?" hindi kasi nya makita ang nilalakaran nya dahil sa usok. "kala ko ba hindi mo pa ko isasama eh bakit parang papatayin mo ko?" untag ko dito.

"Ibabalik na kita sa mahal mo, Ate ko. Nag-aalala na sya sayo." kumunot ang noo ko.

"Sino?"

Pumalatak ito "Alam mo kung sino ang tinutukoy ko ate, huwag kang painosente dyan" natatawang tudyo nito pero patuloy padin ang pagtulak sa kanya paatras.

Biglang pumasok sa isip nya ang mukha ni Winter. Shit! Mahal ko na nga talaga ang lalaking yun. At tama si Hailey, alam kong hinihintay nito ang pagbabalik ko.

"Hintayin mo ko, Majesty ko" mahinang bulong ko.

"Hanggang sa muli, Ate ko. Mahal kita" wika ni Hailey at hinalikan sya sa pisngi.

"Mahal din ki----" hindi na nya natapos ang sasabihin ng bigla syang tila nahulog sa kung saan. Napapikit nalang sya para abangan ang pagbagsak nya.

Pagmulat nya ay nasilaw ang mga mata nya. Kumurap-kurap pa sya ng ilang ulit bago luminaw ang kanyang paningin. Puro puti ang paligid. Inikot nya ang mga mata sa buong silid. Nasa ospital ako.

Pinilit kong ikilos ang katawan ko ngunit napangiwi ako ng makaramdam ng sakit sa dibdib ko.

"Mi Lady!" parang may kung anong haplos sa puso nya ang boses na yun.

Nakasapo sa dibdib na nilinga nya ito. Tila nagningning ang mga mata nya ng magtagpo ang mga mata nila "Majesty" nanghihina pa ang pakiramdam nya.

"Don't move too much, Mi Lady. Baka bumuka ang sugat mo" nag-aalala ang mukha na dinaluhan sya nito. Itinaas nito ang hospital bed nya para mapaupo sya.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib at nakita ko ang benda dun sa loob ng hospital gown ko. Kaya pala kumikirot. "Ano nangyari sakin?" kahit alam ko na nabaril ako pero hindi ko alam sino ang gumawa nito at ano ang nangyari pagkatapos.

"Nabaril ka, Mi Lady. Binaril ka ni Jenny pero nabaril din sya ng mga army na nag-rescue. Alam mo bang isang linggo ka ng walang malay?" kwento nito sa kanya

"Syempre hindi ko malalaman. Tulog nga ko eh diba?" irap nya dito.

Napatawa ng mahina si Winter "Damn! You are really back, Mi Lady. Nakakapagtaray ka na!" niyakap sya nito at napa-aray naman sya.

"Aray naman!" tinulak nya ito sabay hampas sa braso.

"Sorry, Mi Lady! I am just so glad you are now okay" niyakap syang muli nito ng marahan at hinalikan sya sa buhok.

"Ilan ang tama ko?" at kinapa muli ang sarili.

"Tatlo ang tama mo. Isa sa balikat, isa sa malapit sa dibdib. Pero yung pinaka-fatal na muntik mo ikamatay ay naswertehan na hindi ka napuruhan" wika nito na seryosong nakatingin sa kanya

Kumunot ang noo ko "Pano nangyari na hindi ako napuruhan?"

May dinukot ito sa bulsa at nilabas ang locket nya na may picture ni Hailey. Napatakip ako sa bibig ng makita ang itsura nito.

"Dito tumama ang bala na dapat ay babaon sa dibdib mo at siguradong didiretso sa puso mo, Mi Lady." ang locket nya ay may nakabaon na bala sa pendant nito.

"Hailey" mahinang usal nya habang di namalayan na tumutulo na ang luha nya.

"Shhh... Stop crying, Mi Lady. Everything is okay now" hinahagod nito ang likod nya at panaka-nakang hinahalikan ang buhok.

Hindi talaga ako ang superhero mo, Baby. Ikaw ang totoong superhero ni Ate.

LUMIPAS ang isang linggo at nakatakda na syang lumabas kinabukasan.

Maayos na ang pakiramdam nya. Hindi na din masyado nakirot ang sugat nya.

Napalingon sya sa bedside table ng tumunog ang message alert tone nya. Dahan-dahan nya itong inabot at tinignan kung sino ang sender pero unknown number.

Halos mabitawan nya ang hawak na cellphone ng mabasa ang mensahe. "Hawak ko ang V Queens. Alam ko naman na hindi mo hahayaan na mamatay nalang sila ng wala kang ginagawa gaya ng pagbabaya mo sa kapatid mo. I'll send the address later. I'm excited to see you!"

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon