CHAPTER 34

881 40 3
                                    


Habang tumatakbo ako papunta sa bahay nila Nanay Karing at Tatay Lando ay naulinigan ko ang pakikiusap ni Tatay Lando

"Iho, wala talaga kaming nakitang batang babae dito. Kami lamang ng asawa ko dito" nagtago muna ako sa likod ng puno at tinignan kung ilan ang kalaban.

Dalawang lalaking armado ng mahahabang baril na nakasukbit sa mga balikat nito habang mayabang na nakikipagusap sa dalawang matanda. Kita ko na nakayakap si Tatay Lando kay Nanay Karing at pilit itong pinapakalma.

Maya-maya ay may lumabas galing sa bahay ng mag-asawa na isa pang lalaki. Marahil ay naghalughog ito. Kapansin pansin ang tattoo ng mga ito sa may bandang leeg na asul na imahe.

Nang akmang maglalakad na ko palapit ay naagaw ang atensyon ko ng isang pigura na nagtatago sa may likod ng malaking bato. Nakadapa ito at nakasilip sa kinaroroonan ng mga armadong lalaki. Ito marahil ang hinahanap ng mga ito.

Isang batang babae na sa tantya nya ay fifteen or sixteen years old. Kita ko ang takot sa mga mata nito. Madumi na din ang suot nitong tshirt at short. Wala na din itong suot na sapin sa paa.

Napalingon ito sakin at nanlaki ang mga mata. Agad kong nilagay ang daliri ko sa labi ko sumesenyas na wag sya maingay at manatili syang nakadapa. Nakita ko ang paghinga nito ng malalim na tila ba muntik na iyon mapatid.

Tinago ko ang baril ko sa likuran ko. Bago painosente ang mukha na lumabas sa pagkakatago sa puno at lumapit sa dalawang matanda

"Nay, Tay, ano ho nangyayari dito?" gagamitin ko muna pagiging best actress ko. Yung di makabasag pinggan na itsura.

Agad silang lumingon sakin at kita ko ang pagiiba ng tingin ng mga ito pagkakita sakin. "Masarap na putahe" bulong ng isang lalaki na wala na yatang puting itinago. Simula ulo hanggang paa ay maitim, hanggang ulo sa baba ay marahil maitim din. Maging budhi nito malamang walang kasing-itim. Ngumiti ito at kita ko na kumakaway ang mga tar-tar sa ngipin nito. Gustong bumaliktad ng sikmura ko imaginin ko palang na ito makakahalikan ko. T*ngina! Suicide nalang..inom lason.. Ganern! Haha!

Kita ko ang pagdila nito sa labi nito na kala mo nakipaglips to lips sa mauling na kaldero sa sobrang itim. Yummy yern?? Pakshet na toh! Penge ngang atchara...nauumay ako sa mukha netoh! Char!

Ngumiti ako ng pamatay "Mga Kuya, ano ho ba ang kailangan ninyo sa Nanay at Tatay ko?" Naramdaman ko ang kamay ni Nanay Karing sa braso ko. Dama ko din ang nginig nun at panlalamig. Mga hayop na mga toh.. Mga matatanda at walang kalaban laban lang ang kaya.. Sarap pitpitin ng mga dragon balls!

"Wala naman Miss na maganda." lumapit ito sa akin at nilapit ang mukha sa mukha ko at muling nagsalita "ang kinis kinis mo. Nakakapang-init"

Gusto nyang takpan ang ilong nya dahil naamoy nya ang mabahong hininga nito. T*ngina! Amoy tae!

Ngumiti ako ng pilit "Inidoro ba yang bibig mo? Uso din magtoothbrush minsan" wika ko habang pinapaypay ang kamay sa tapat ng ilong ko.

Nakita ko na tumawa ang dalawang kasama nito at nang tila napahiya ay umakmang sasampalin ako. "Hep! Hindi ka dapat manampal ng taong walang laban. Kung gusto mo maging patas, ibaba mo ang baril mo at magmano-mano tayo" hamon ko dito.

"Matapang kang babae ka ah. Pero sige pagbibigyan kita. Pag natalo ka ikakama kita" malademonyo ang ngisi nito

"May kama dun sa gubat? Akala ko sa puno ka nakatira" pang-aasar ko pa dito.

Nagtangis ang ngipin nito pero ngumisi "lulumpuhin ka namin at pagpapasa-pasahan p*nyeta ka! " banta nito.

"Ayyy...scary!" nilagay nya pa sa dibdib nya ang isang kamay at pinasingkit ang mga mata.

Nang makakuha ng pagkakataon ay mabilis nyang binulungan ang dalawang matanda "Nay, Tay, yung bata po ay nasa likod ng bato sa tabi ng manukan. Isama nyo ho sya at magtago kayo."

"anak, pero pano ka?" wika ni Nanay Karing

"Huwag nyo ho ako alalahanin. Kaya ko ho ang sarili ko. Pangako po hindi ako mapapahamak"

Nilayo ko ang tatlong goons sa kinaroroonan ng bahay nila Nanay Karing at Tatay Lando para magkaron sila ng pagkakataon na makapagtago.

At dahil madaya ako at masakit pa ang cookie monster ko, nilabas ko ang baril ko na nakasilencer at walang babalang pinaputukan ang magkabilang binti ng mga ito "Arrgggggh T*ngina kang babae ka! Napakadaya mo!" sigaw ng inidoro..este..ng lalaking maitim.

"Wala namang patas sa mundo. Una-unahan lang yan" sagot ko dito bago pinaghahampas ng baril sa ulo ang mga ito para makatulog at mabilis na itinali sa puno.

"V's, padala kayo ng tao dito sa area ako. Nakatali sa puno ang tatlong demonyo."

"Mga myembro ng Blue Shadow ang mga ito base sa tattoo na nasa leeg ng mga ito. Kailangan ko lang muna makausap yung dalagitang hinahabol nila kung ano ang pakay ng mga iyon sa kanya." dagdag nyang wika sa mga kagrupo.

"Wolfsbane, ang daming bata na bagong dating sa hideout ng blue shadow. Mukhang namamayagpag pa din ang bentahan nila ng organs" pagimporma ni Foxglove

"Alamin nyo ang pasikot sikot ng hideout para maging madali pag-rescue natin. Alarmahin din ang mga partner agencies natin para sa backup kung kinakailangan" utos ko sa mga ito

"Copy, Wolfy. Over and out"

"Mga hayop kayo! Mga walang muwang na bata pinagdidiskitahan nyo." gigil na bulong ko habang pabalik para tignan ang mag-asawang matanda at ang dalagitang nagtatago sa puno kanina.

Napatakbo ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa di kalayuan. Shit!

A/N: WEW! GYERA GYERA MUNA TAYO... WALA MUNANG WASAKAN NG COOKIE MONSTER 😂😂😂 AWABYU! 😘❤️

Love,

Baliw na Author ❤️🤫

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon