CHAPTER 37

854 43 4
                                    


NANG marating nya ang hideout ay agad na pinuntahan ang grupo nya. Agad naman syang nilapitan ng mga ito

"Nakahanda na ba ang lahat para sa pagsalakay?" agad na tanong ko.

Nakatingin ang mga ito sa mukha ko. Agad ako naconcious dahil baka namamaga pa ang mata ko dahil sa pag-iyak. "Bakit ganyan tingin nyo sakin?" pagsusungit ko para pagtakpan ang pagka-concious ko

Si Oleander ang sumagot. Inangat nito ng isang daliri ang salamin sa mata habang sinisipat sya "bukod sa namamagang mata mo ay hindi padin maitago ang pag-goglow ng mukha mo, Wolfsbane" mataman itong nakatingin sa mukha nya

Napahawak sya sa pisngi nya. Ano ba yung glow na yun? Kanina pa tong mga toh ah?! Kanina si Aries ang nagsabi ngayon naman itong mga hayp na to.

"They usually call it "an after sex glow" si Oleander pa din.

Marahas akong napalingon dito at tinaliman ng tingin. P*nyeta tong Oleander na toh! Wala talagang preno??

"Anong sinasabe mo, Oleander? Anong after sex glow?" pagalit ang tono na tanong ko.

Tila hindi naman ito nahintakutan at tinaasan lamang ako ng sulok ng labi.

Nagpatuloy pa sa paglitanya si Oleander. Tila ito isang Propesora na naglelecture sa klase. "Let me define the after sex glow thing to you, Wolfsbane. During sexual intercourse, nagkakaron ng mataas na pagragasa ng blood sa buong katawan mo. Meaning, blood cells carrying oxygen can reach your face. Kapag nag-open or naging wider ang blood vessels , that's where you get that rosy flushed look and it also stimulates collagen production" seryoso talaga ito sa paglilitanya habang palakad lakad na tumuturo turo sa hangin ang isang kamay at nakaipit sa kili kili ang isa.

"Wow! True yan, Oleander? Gosh! Mukhang kailangan ko na din nyan. Masyado na kong na-dry sa pagmamanman dito! Chukchak lang pala ang sagot! Makahanap nga.." wika ni Amaryllis habang pumipitik pa sa hangin.

Dinampot ko ang maliit na bato at binato kay Amaryllis. Tinamaan ito sa balikat "Aray naman, Wolfsbane! Bat ka ba nambabato?!" nakalabi nitong maktol habang hinihimas ang balikat

"Yung bunganga mo!" gigil kong duro dito habang nakalabi pa din at pumapadyak

Nagtawanan naman ang iba pa nyang kasama maliban kay Oleander na tila nag-iisip habang nakalagay sa ilalim ng labi ang daliri.

"So, that also explains why ambilis ng heart rate mo kahit hindi ka naman naalis sa kinalalagyan mo nung gabi na yun na hindi ka makontak" maintriga itong tumingin sa kanya habang nakangisi naman sila Foxglove, Larkspur at Amaryllis. Hindi pa din ito tapos sa pagprofile sa kanya at sa nangyari. Juice colored! Ang hirap ng may kasamang matalino!

"Mga anak ng Leche Flan kayo! Tigilan nyo ko kakaintriga! Atupagin nyo yung misyon natin!" tumalikod ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Napapikit ako ng mariin.

Pashnea ng isandaang beses! Nakalimutan kong profiler nga pala ang hayop na Oleander! Kuuuuu, pwede bang lamunin nalang muna ko ng lupa!?

"Maayos ka pa naman nakakalakad, Wolfy?" si Amaryllis na nanunukso pa din.

Binunot ko ang baril ko at nakatiim ang ngipin na tila nanggigigil "Eh kung ikaw kaya lumpuhin ko ngayon para tuluyan ka na hindi makalakad? pag di nyo ko tinigilan tatadtarin ko kayo ng bala para manahimik kayo dyan. Hindi ito ang tamang oras sa mga ganyang bagay!"

"Hindi din naman tama ang oras na iyon hindi ba?" patutsada pa ni Foxglove na tumaas baba pa ang dalawang kilay. Gatongera din tong hayp na to eh!

Pinaputok ko ang baril ko na nakasilencer sa lupa tanda na naiinis na ko. Sabay sabay naman sa pagkumahog sa pagbalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga ito. Kilala nila ako magalit kaya naghulasan ang mga impaktang pinaglihi kay Boy Abunda kung makaintriga.

"Kumilos na tayo. Bago pa magdilim paningin ko sa inyo." wika nya sa seryosong tono at nagsitango naman ang mga ito.

Agad nilatag ang plano at pinag-aralan ang bawat sulok ng hideout. Matagal tagal na din nila itong minamanmanan.

"Dumating na ba ang mga backup natin?" tanong ko

"Parating na sila at nakalaarma na din." sagot ni Amaryllis

"Good. Papasukin natin ang hideout sa pagkagat ng dilim. Larks, tutukan mo ang mga database nila at mga cctv cameras para hindi nila makita ang pagsalakay natin. Kami ni Amaryllis at Foxglove ang papasok. Oleander, yung exit plans at escape plans ikaw ang mag-guide samin pag nagkagipitan"

"Copy, Commander" sabay sabay sumaludo ang mga ito at bumalik sa paghahanda sa pagsalakay mamaya.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon