CHAPTER 38

784 41 10
                                    


WARNING! MAY MGA SENSITIBONG PAGLALARAWAN SA KABANATA NA ITO. SKIP NALANG PAG DI KERI.. AWABYU! ❤️

"ALAS OTSO ng gabi nagpapalit ng bantay kaya may limang minuto tayo para makapasok sa tarangkahan." wika ni Amaryllis

"Ang mga back-up nakapwesto na ba? Nabriefing ba sila na umalerto lalo at sila ang kukuha sa mga batang mare-rescue?" wika ko habang sinusukbit ang mga baril sa aking beywang matapos i-load ang mga bala.

"Yes, Commander. Nakapwesto na sila"

"Ang ambulansya at mga doktor san sila nakastandby?" paninigurado ko. Alam kong kakailanganin namin sila sa misyon na ito.

"May limang ambulansya na nakastandby, Commander. Bawat ambulansya ay may isang doktor at tatlong medical staff. Kumpleto na din ang gamit nila mula sa first aid hanggang sa pang-surgery kung kinakailangan." imporma ni Larkspur.

"Good." wika ko habang tumatango tango at sinusuot ang bullet proof vest. Bago sinukbit ang armalite sa katawan. Sinuot na din nya ang backpack sa likod na may mga armas at granada.

"Oleander, pa-connect ng camera ng drone sa goggles namin. Activate na din ang night vision bago kami lumusob" utos ko dito.

"Copy" sabay tango ni Oleander at pagsundot ng gitna ng eyesglasses nito para hindi mahulog

Tumayo na ko at lumapit sa gitna at inumang ang aking kamay. Agad din naman nagsilapitan ang mga ito at ipinatong din isa-isa ang kanilang mga kamay at sabay-sabay sumigaw ng "V Queens!"

Konting lakas pa baka mabulabog na yung mga susugurin namin. Mga bunganga talaga! Wala naman ako sinabing sumigaw.

"Tapusin na natin toh.. Para magka-after glow na din ako!" birit naman ng Amaryllis habang nagsusuot ng gwantes at kumikisay kisay.

Marahas ko itong nilingon "Haliparot!" angil ko dito. Inirapan naman ako at sinukbit na ang mga baril sa beywang at hita nito. May pag-flip pa ng hair ang bruha. "Kala mo naman kinaganda mo yan!" pahabol kong asik dito.

Nilabas nito ang dila at nilagay ang kamay sa magkabilang gilid ng tenga "Bleh! Hindi ako papayag na ikaw lang ang maka-home run at magka-after glow!" at tumingkayad na ito papunta sa entrada ng tarangkahan.

Naiiling nalang syang sumunod dito habang nasa likod naman nya si Foxglove.

Maingat kaming umakyat sa pader ng tarangkahan. Tila kami mga alamid sa gabi na nagpapalambitin sa pader at tatalon mula sa puno. Maingat ang bawat kilos at iniiwasan makagawa ng anumang ingay na makakabulabog sa katahimikan ng gabi.

Naghiwalay kaming tatlo ng ruta. Ako sa underground. Si Larks ay sa pangalawang palapag at si Amaryllis ay sa pangatlo . Luminga ako sa paligid. Kita ko din ang mga sharp shooters na nasa taas na ng puno at meron din sa bubong ng hideout. Malaking tulong ang night vision glasses.

Agad kong binunot ang baril kong may silencer at nagsimulang tahakin ang makipot na hagdan pababa ng underground. Maingat akong humahakbang pababa at unti unti ay sumasangsang ang aking naaamoy. Isang pamilyar na amoy na matagal na nyang kinakalimutan.

Sa mga sumunod kong hakbang ay tila nagiging malagkit ang aking naaapakan. Niyuko ko ito at tinapatan ng night vision glasses. Muntik nako mapamura ng makita kong mga patak ng dugo ang naaapakan ko.

Mga sariwang dugo na halos matutuyo na. Habang palapit sya ng palapit sa baba ay palala ng palala ang amoy. Parang nabubulok na hindi mo mawari.

Maya maya ay narating nya ang dulo ng hagdan at nasa harap nya ay isang pinto. Halos bumabaliktad na ang sikmura nya sa amoy ngunit mas pinili pa din nya na pasukin at alamin ano ang meron sa loob.

Dahan-dahan nyang pinihit ang seradura at tinulak ito. Halos panawan sya ng ulirat sa tumambad sa kanya. Mga bangkay! Patong-patong at halos nabubulok na ang iba. Tumakbo sya sa gilid at sumuka. Hindi nya maatim ang itsura at amoy. P*tangina!

Maya-maya ay napaangat sya ng tingin dahil may yabag syang naririnig na pababa mula sa hagdanan. Kaagad syang nagtago sa sulok na natatakpan ng patong-patong na bangkay. Bumabaliktad man ang sikmura nya ay pilit nyang huwag indahin.

"T*ngina, Pre! Sayang tong isang to. Ayaw mo ba talagang pakinabangan natin? Makinis na maputi pa" dinig nyang wika ng isang lalaki sa kasama nito habang bitbit sa magkabilang dulo ang bag na marahil ay bangkay nanaman

"G*go ka ba? Kaya mo talagang gahasain yan sa ganyang itsura?" dinig sa tono nito ang pandidiri

Mga p*tanginang toh! Pinatay na nga bababuyin pa! Mga hayop! Galaiti nya

Tumaas ang sulok ng kanyang labi sa naisip. "Tulungan mo ko" wika nya sa mahina at nakakakilabot na tono

Sabay natigilan ang dalawa na tila nanigas sa kinatatayuan "Narinig mo yun?" nagkatinginan pa sila na tanging flashlight lang ang hawak parehas.

"Tulungan nyo ko" ulit nya. Mas lamang na tila ito daing kesa sa salita. Gusto nyang kamayan ang sarili nya. Magau-audition na talaga syang artista. Feeling ko may future ako dito.

Kita ko ang paggapang ng kilabot sa mukha ng mga ito at ang pamumuo ng pawis sa kanilang mga noo. Salamat sa night vision glasses at maliwanag nyang nakikita ang reaksyon ng mga ito.

"Papatayin ko kayo! Isasama ko kayo sa hukay!" pagsegunda naman nya at pinabangis naman ang tono.

Sumagot ang isa habang kumukumpas ang kamay na may flashlight "Hindi kami naparito para makipag-away!" sigaw nito.

Feeling paranormal expert ang potah!

Tumayo na ko at naglakad kaya narinig nila ang yabag ko "Papatayin ko kayo!" mahina pero may hatid na kilabot sa makakarinig. Yung tipong papunta na sa mga killer ng horror movie ang peg ko.

Dagling nataranta ang mga ito at walang pakundangan na lamang hinagis ang hawak na bag na may bangkay at akma ng lalabas ngunit bago pa man makahakbang papalabas ang mga ito ay pinaputukan ko na ng baril na nakasilencer ang mga hita ng mga ito. "Arrggghhhh!" sabay na pag-igik ng dalawa at napaupo sa sahig

Dahan-dahan akong lumapit. Pinipigilan ang sarili na gilitan ng leeg ang mga hayop na to. Madilim ang buong lugar dahil tanging flashlight lang ang hawak ng mga ito na ngayon ay tumilapon na sa sahig at napatapat sa mukha ng isang bangkay.

"S-sino ka?" sigaw ng isa ng maramdaman ng tuluyan ang presensya ko.

Ngumisi ako dahil kita ko ang panginginig ng mga ito at pangangatal ng labi. "Ako ang inyong sundo!"

"G*go! Gusto mo bang patayin ka din namin?" sigaw din ng isa habang hawak ang mga binti na may tama ng baril

"T*ngina, Pre! Pano mo papatayin yan eh patay na nga yata yan!" sagot naman ng kasama nito

"Ano double dead? Ginawa nyo pa kong botcha na baboy?! Mga g*go!" gigil nya sa mga ito

"Eh sino ka ba kasi?"

"Mamamatay ka pag nalaman mo" banta ko dito

"Teka! Huwag mong sabihing ikaw ang kinukwento ng mga kasamahan namin na kilabot ng gang na si Wolfsbane?!" sigaw naman ng isa.

"Edi hindi ko sasabihin" ngumisi ako at bumuntong hininga bago muling pinaputukan ang magkabila nilang hita. Sabay nanaman napahiyaw ang mga ito. Nilingon ko sila bago muling nagsalita "Binalaan ko na kayo. Ngayon hintayin nyo ang kamatayan nyo!"

Agad kong pinindot ang earpiece ko. "Team, record this area. Parte ng ebidensya ng kahayupan nila" wika ko at naglakad na palabas at bumalik paakyat sa hagdan.

"Everything has been recorded, Commander" wika ni Oleander.

Tinignan ko ang body system ni Summer at Winter sa tracking device. Normal pa naman ang heart rate nila. Nang makarating sa 1st floor ay agad akong umalerto at naghanda sa paghalughog at posibleng engkwentro.

A/N: BAKBAKAN TAYO HANGGANG SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS MGA MI LABS.. AWABYU! 😘❤️

Love,

Baliw na Author 💋

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon