CHAPTER 43

860 35 7
                                    

"ARIES, report to me what happened after the shooting incident on our rescue operation against blue shadow" agad nyang tinawagan ang tauhan para sa dagdag detalye. Gusto nyang kumpirmahin ang hinala nya sa misteryosong nagpadala ng mensahe sa kanya.

Natuklasan nya na nakatakas si Theo at mga tauhan nito.

"Shit ka, Theo. Alam kong ikaw tong nambubwisit sakin. Hindi ako papayag na makatakas ka at mas lalong hindi ako papayag na saktan mo ang mga kaibigan ko." nagngingitngit nyang wika sa sarili.

Kaya pala ni walang paramdam ang grupo nya. Bakit nga ba nawala sa isip ko yun?! F*ck!

Agad syang nagtipa ng sagot dito "Pag nagkasugat ni galos ang isa sa mga kagrupo ko, pinapangako ko, ipapaubos ko sa katawan mo ang lahat ng bala na meron ako!" banta nya dito

Gusto nyang ibato ang cellphone na hawak sa gigil nya kay Theo. "G*go!" mura nya sa screen ng cellphone. At hinampas ang isang kamay sa hospital bed.

Wala syang sinayang na oras. Agad nyang hinugot ang karayom na nakakabit sa kamay nya na dinadaluyan ng dextrose at balewalang nilagyan ng patches na nasa table ang pinaghugutan nito para hindi dumugo.

Wala si Winter ngayon at nagpaalam na babalik pa ng alas nuebe ng gabi kaya't wala syang kasama ngayon. Ayaw nya din magpaalam dito dahil alam nyang hindi din ito papayag at ayaw na din nya itong idamay pa gaya nung nangyari ng nakaraan. Alam kong isa din si Winter sa mga pakay ng Blue Shadow pero hindi ako papayag na may mangyari dito. Mamamatay muna ko bago nila magawa yun. Lalakad sya mag-isa at ililigtas ang grupo nya.

Mabilis nyang kinuha ang jacket nya, dinampot ang bag at dire-diretsong lumabas.

Maya-maya ay tumunog muli ang message alert tone ng cellphone nya. "San Nicholas St. Burgos Building. Hindi na ko makapaghintay na makita ka! Reminder: Just you or else they will die"

Humigpit ang hawak nya sa cellphone at naglapat ang mga labi nya "Humanda kayo sakin ng tatay mo. Ako mismo ang tatapos sa inyo!" mahinang ngitngit nya habang palabas ng ospital.

Agad syang dumiretso sa hideout para kumuha ng mga gamit na kakailanganin nya. Pagpasok nya sa hideout ay napakatahimik. Nakakapanibago. Bumabalot ang galit at lungkot sa kanya. Bumuga sya ng hangin ng ilang beses para pakalmahin ang kumukulo nyang dugo. Pinakialaman nya ang computer ni Larkspur para i-check ang vitals ng mga ito. Agad naman nyang nakita na stable pa ang mga vitals kaya nakahinga sya ng maluwag kahit papano.

Ni-locate nya din ang address na binigay ni Theo para pag-aralan ang lugar. Hindi pwedeng basta na lang sya sumugod na walang kaalam-alam. Masyadong tuso ang hayop na yun. Hindi ako papayag maisahan.

Matapos makuha ang lahat ng kailangan at detalye ay lumabas na sya bitbit ang bag na puno ng armas at bala. Agad syang sumakay sa motorbike at matulin na pinaharurot ito papunta sa address na sinend ni Theo.

Humimpil sya sa isang abandonadong building na nasa talahiban. Pinagala nya ang mga mata sa paligid, kailangan nya maging alerto.

Nakapadlock ang tarangkahan papasok kaya kailangan nyang akyatin ang bakod para makatalon sa kabila. Sinukbit nya ang bag sa katawan at nagsimula na syang maglambitin paakyat sa pader. Ngunit muntik na sya makabitaw ng biglang kumirot ang sugat nya dahil sa pagkakapuwersa nito.

Shit! Mukhang magiging limitado ang galaw ko. Hindi ko pa nababawi ang lakas ko. Bumuga sya ng hangin para pawiin ang pagkadismaya na nararamdaman. Nang makatalon sa bakod ay panandalian syang humugot ng malalim na hinga habang hinihimas ang nakabendang mga sugat.

Nang makabawi ay agad syang naglakad papunta sa nakapinid na malaking pinto papasok ng gusali. Nang maitulak nya pabukas ang pinto ay napaawang ang labi nya sa nakita.

"P*tangina ng isandaang beses!" mahinang bulalas nya

Nakatali patalikod ang mga kamay ng mga kaibigan nya. Nakatali din ang mga paa at nakabusal ang bibig habang nakabitin sa kisame.

Napapikit sya ng mariin at lumunok. Nang makahuma ay nilinga nya ang buong paligid. Hinahanda ang sarili sa mga posible pang mangyari at nag-iisip pano maliligtas ang mga kaibigan nya.

"Wifey! I'm glad you came!" mula sa kung saan ay narinig nya ang pamilyar na tinig ng isang demonyo.

Nilingon nya ito at patamad na tinignan "Pakawalan mo ang mga kaibigan ko, Theo. Alam kong ako ang kailangan mo, andito na ko kaya ibaba mo na sila." mahinahon kong wika dito. Pero sa loob ko ay gustung-gusto ko na itong sugurin at pilipitin ang leeg.

"Not so fast, wifey! Kailangan muna nila masaksihan ang kasal natin. Huwag ka mag-alala, hangga't hindi ka sumusuway sa gusto ko ay hindi sila masasaktan" nakangisi nitong turan sa kanya.

Kumukulo na talaga ang dugo ko at kinikilabutan sa mga pinagsasabi nito. Pero kailangan nya sakyan ang trip nito hanggang makakita sya ng pagkakataon para mailigtas ang mga kaibigan nya.

Shit! Eto nanaman ako at nalalagay nanaman sila sa panganib dahil sakin. Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas sila dito ng maayos at ligtas.

Napapitlag sya ng maramdamang nag-vibrate ang cellphone nya. Nilabas nya ito at pasimpleng binasa "Mi Lady, where the hell are you?!"

Maya maya ay sunod-sunod na ang mga mensaheng pumapasok sa cellphone nya. "Hindi ka pa magaling, asan ka ba?!"

"Damn it, Mi Lady! Where the fuck are you???"

Hanggang sa sunod-sunod na tawag naman mula dito ang natanggap nya kaya't pinatay nya nalang ang cellphone. "Sorry, Your Majesty. Laban ko ito at hindi ka na dapat madamay dito" mahinang bulong nya habang napapikit ng mariin.

Muli nyang inikot ang paningin. May nakita syang mahabang loader na tambak ng black bags sa loob pagkatapos ay tiningala ko ang V Queens. Ilang minuto pa akong nagsukat at nagplano sa isip ko habang nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga tauhan ni Theo na nakakalat pero karamihan sa kanila ay nasa ikalawang palapag.

"Wifey, why don't you come up here and join me? Maybe your future hubby deserves a hug from her wifey" wika nito habang nakatanaw sa kanya sa baba at itinaas pa ang dalawang kamay sa ere.

Napapalatak ako. Nakakadiri talaga tong hayop na to. Kinikilabutan ako sa bawat hagod ng tingin nito. Lalo na ng dilaan nito ang ibaba ng labi at kinagat ito na tila inaakit sya.

"Tsk! Nakakasuka" mahinang usal ko.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon