CHAPTER 46

833 40 8
                                    

NAPABUGA ako ng hangin ng marahas. Naiinip na ko. Gusto ko ng yakapin at makipaglampungan sa big bird ko! I've had enough of this drama. Ang babagal puro satsat! Dinaig pa yung Ang Probinsyano sa tagal matapos! Char!

Mabilis akong kumilos, hinawakan ko ang braso ng tauhan ni Theo na nasa leeg ko, nang lumuwag ang pagkakahawak nito ay mabilis akong pumihit at inikot ang braso nito papunta sa likuran na ikinasigaw nito ng malakas. Dagling napalingon sa gawi namin  ang lahat at nag-umpisa ng magkapalitan ng putok.

Nilingon ko si Winter na napaawang ang labi sa padalos-dalos kong pagkilos at nakita si Theo na kinuha ang pagkakataon para puntiryahin ito. Agad kong sinipa ang kamay ni Theo na may hawak ng baril at inaasinta si Winter habang tangan ko sa kamay ko ang kamay ng tauhan nito na hindi makagalaw.

Binigyan ko ng naiinis na tingin si Winter sabay sigaw habang hindi pa nakakahuma si Theo "Alam ko maganda ko pero huwag kang tumunganga dyan! Nasa gyera tayo oh? Kilos!" gigil ang boses ko.

Tila biglang natauhan naman ito at mabilis na tinanganan ang mahabang baril sa kamay. Sunod-sunod at nakakarinding putukan ang bumalot sa paligid. Mabilis kong siniko sa batok ang tauhan ni Theo at walang malay na bumagsak sa sahig. Lumingon ako at halos mabalot ng usok ang paligid hindi ko mamataan si Winter gayundin si Theo.

Maya-maya ay tila may mainit na bagay na dumaplis sa hita ko. Shit! Nadaplisan ako, hindi mo na kasi mamamalayan kung saan-saan nanggagaling ang mga bala. Tila ito isang meteor shower na nagsusulputan sa kung saan.

Nang humupa ang labanan ay mga nakahandusay na katawan ng Blue Shadow ang nagkalat. Isa-isa silang pinagdadampot at isinakay sa army truck. Ang iba naman na may tama ay dinala sa ambulansya na naka-standby para lapatan sila ng lunas.

Hindi pa din ako natigil sa paghahanap kung nasan napunta si Winter. Hanggang sa mula sa mausok na paligid ay lumitaw ang bulto nito habang nakasukbit sa leeg nito ang kamay ni Theo na tila may malalang tama ng baril. Puno ng dugo ang suot nitong damit at nakalungayngay ang ulo. Mabilis akong lumapit at kita ko ang matalim na tingin ni Winter sakin. Hanggang sa mapadako ang mata nito sa hita kong wala pa ding tigil ang pagdurugo. Napalunok ako. Para akong papatayin sa tingin nito!

"Are you okay?" tanong ko dito ng makalapit ako.

"I should be the one asking you that, Mi Lady" Mabigat ang bitaw ng mga salita nito habang mataman nakatingin sa nagdudugo kong hita.

Tila ngayon ko lang naramdaman ang kirot nito. At medyo namimitig na din ang pakiramdam ng binti ko.

"I'm okay, Your Majesty" pagsisinungaling ko. Tangka kong kukunin ang kabilang braso ni Theo ng iiwas nito iyon sakin. Bigla itong may tinawag na mga nakauniporme din ng itim at ipinasa si Theo.

"Have him checked pero higpitan nyo ang pagbabantay. We need him" utos nito sa dalawang lalaki at mabilis na kinuha si Theo.

Hindi ko napansin na mabilis na pala itong nakalapit sakin dahil sinundan ko ng tingin ang papalayong si Theo. "Gusto mo bang sumama dun? Mukhang nag-aalala ka eh" mababa ang tono nito pero bakas ang galit

Napaigtad ako nang magsalita ito at mapagtanto na gahibla nalang ang pagitan nito sakin. Nakatayo ito sa kanang bahagi ng likod ko. Nilingon ko ito na salubong ang kilay "pwede ba?" pang-aasar nya pa dito. Ang cute kasi nito, feeling ko nagseselos. Feeling ko lang naman!

Pumalatak ito "No." mabilis na sagot nito at walang babalang bigla sya nitong binuhat.

Napatili sya ngunit awtomatikong pumulupot ang braso nya sa leeg nito. Malapad ang ngiti nya na tinunghayan ito "Good answer" at binaon nya ang ulo sa leeg nito.

He chuckled again "hindi pa gumagaling yung mga unang tama mo ng baril meron ka nanamang panibago. Collection mo ba yan ha, Mi Lady?" gusto nyang matawa sa panenermon nito. Hindi nya maintindihan kung bakit imbes na mainis eh nacu-cutean sya dito.

"Feeling ko kasi target board ako eh. Nakalimutan ko tao pala ko" pamimilosopo nya habang nakasiksik pa din sya sa leeg nito. Parang ang sarap tumira dito. Ang bango!

Napasigaw sya ng pisilin nito ng sabay ang hita nya at beywang nya habang karga sya "Aw! Ano ba? Ang sakit ah?!" napabangon sya mula sa leeg nito at hinampas sa dibdib na hindi naman nito ininda.

Inilapag sya niyo sa ambulansya at agad inasikaso ng mga medical staff ang paggamot sa sugat nya. Pinalitan din sya ng medical staff ng lab gown dahil sinira nila ang suot nyang pantalon pati ang pantaas nya ay napuno na din ng dugo sa hindi nya malaman sana nanggaling.

Nang matapos sya linisan ay lumabas na sya at doon ay naghihintay si Winter sa labas. Naabutan nya itong nakasandal sa pader habang naka-cross arms na dagli din na lumingon sa gawi namin ng marinig na bumukas ang pinto ng ambulansya.

Ika-ika syang bumaba at kita nya ang paglakad-takbo nito papunta sakin. Mahina pa ko napamura ng walang babala ako nitong buhatin. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil dinig ko ang impit na kilig ng mga medical staff sa likod ko.

Feeling ko ang ganda-ganda ko today! Char!

Napakunot ang noo ko dahil hindi sa sasakyan ang tinatahak namin. Papunta kami sa isang masukal na daan. "Saan tayo pupunta, Your Majesty?"

Misteryoso itong tumingin sakin. Parang gusto kong kabahan "Oh my God! Papatayin mo ba ko?" pinipigilan nya ang mag-hysterical sa iniisip nya.

Ngumisi naman ito "yeah, i actually wanted to kill you right now, Mi Lady" pabulong at paos ang boses nito.

Kinilabutan sya at matalim na tinitigan ang mukha nito "Naka-drugs ka ba? Gago ka ah! Umayos ka" banta nya dito pero ang hayop na Winter eh ngumisi lang at nagpatuloy sa paglalakad habang tila walang kahirap hirap syang buhat.

Napaigtad ako ng ilapit nito ang bibig sa tenga nya "I want to kill you with pleasure while screaming my name"

Ay potah! Pinapakilig ako ng punyetang to ah?! Mamaya ka sakin, sisiguraduhin kong hindi na makakalipad yang big bird mo! Char!

Napanganga ako ng marating namin ang pakay matapos ang mahaba-habang lakaran. May helicopter na naghihintay samin. Sosyal! Ikaw na mayaman!

"Dyan tayo sasakay, Mi Lady" wika nito.

Inirapan ko naman ito bago nagsalita "Malamang sasakyan natin yan, alangan naman yang helicopter ang sumakay satin?" pagtataray ko dito na kinatawa naman nito sabay palatak.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon