CHAPTER 2

1.3K 55 1
                                    


Chapter 2

Winter’s POV

Naiiinis sya na hindi nya maintindihan sa nakabanggaan nya. Hindi nya naman din kasi napansin ang motorsiklo nito at nagulat nalang sya ng biglang may kumalabog sa likod nya ng nag-overtake sya papunta sa kabilang lane.

Naiiling nalang sya at hindi makapaniwala sa inasal ng babae at binasag pa ang side mirror nya.

“You’re something, crazy witch!” wika nito sa sarili habang lulan ng kotse.. Naiinis sya dahil hindi na sya aabot sa meeting nya. Inabot ang telepono at nagdial.

“Desmond, cancel my meeting today. Something came up kailangan ko pumunta sa casa para sa kotse ko. Pasundo nalang ako sa casa” wika nya

“Copy, Sir” wika nito

Nagdesisyon syang magpahatid nalang pauwi at bukas nalang papasok sa opisina. Dahil sa babaeng yun na sumira ng buong araw ko!

"Oh Kuya Wint, ang aga mo yata?" tanong ng kapatid nyang si Autumn habang papasok ng bahay

"Oo bukas na ko papasok." patamad na sagot nya. Tinapik nya ito sa balikat at diretso ng pasok sa loob

"Wint, Iho! Buti at andito ka. Let's talk. Pero magpalit ka na muna ng damit mo" wika ng ina dito

"Sige, Ma" wala talaga sya sa mood. Hinalikan sa pisngi ang ina at umakyat na

Nang makapagpalit ay nagusap sila ng kanyang ina sa kanyang study room.

"What is it, Ma?" Nakita kasi nya ang pagaalala sa mukha ng ina

"Someone wanted you dead, anak" umpisa nitong turan sa kanya

"What? Me? Why?" kunot noo nyang tanong

"Gusto nilang mawala sa landas nila ang next in rank na tagapagmana ng El Grejo Empire para makuha nila ang kapangyarihan at sila ang mamayagpag. Si Autumn ay hindi pa din pwedeng magmana ng empire kung sakaling mawala ka sa landas nila dahil 21 palang ito." mahabang pahayag ng ina nya sa kanya

Maisasalin lamang sa next in rank na tagapagmana ng empire kung ito ay dalawamput walong taong gulang na. At sya ay magdadalawamput walo na sa loob ng walong buwan.

"Pano nyo ho nalaman ito, Ma?"

"Nakita ko sa cctv, yung bagong maid. She's pouring something sa nilutong pagkain na iseserve sayo kahapon. Agad kong nilapitan ang pagkain pagkaalis nito at inamoy. She poured cyanide."

Napanganga sya at hindi makapaniwala. Kailangan talaga nya magingat. Though he was trained na makipaglaban, humawak ng baril at espada. Pero pag trayduran mahirap na.

"Nasan na ang maid na yun?" tanong ko. Baka mapaamin kung sino ang nagutos sa kanya

"She left after anak. Wala ng bakas nya" sagot ng ina. "Kumuha ako ng personal chef mo. Actually personal assistant mo sya. Sya ang magpe-prepare ng pagkain mo. At hindi mo pwedeng kainin ang isang pagkain hanggat hindi dumadaan sa kanya. At sa lahat ng lakad mo kasama mo dapat sya." pinal na wika ng ina. Sa tono nito hindi ito humihingi ng pahintulot nya. Iniinform lang sya

" Pero, Ma. I can take care of myself"

"No anak. Please don't argue. Alam mo naman na para din ito sa kaligtasan mo" ginagap nito ang palad nya at pagkatapos ay hinaplos ang pisngi nya "na kausap ko na din ang Dad mo at nageextra ingat na din sya."

"Okay Ma."sagot na lang nya sa ina. Nakita nyang lumiwanag ang mukha nito

" Thank you anak. Mas mapapanatag na ko. Bukas darating ang personal assistant mo. And please huwag mo nalang muna sabihin sa mga kapatid mo at baka matakot sila" at tumayo na ito hinalikan nya ito sa pisngi at lumabas na.

Napa-angat sya ng tingin ng tumunog ang cellphone nya

"Yes, Dens?" sagot nya

"Dude, bar tonight! Birthday ko" wika ng kaibigan

"Pass ako Dude. Dami ko tatapusin" pagdadahilan nya. Wala sya sa mood

"Shit Dude ganyan na ba ko kahina sayo? Darating din sila Brent at Nico" pamimilit nito

Bumuntong hininga sya at sumagot "Sige sige Dude. Susunod ako"

"Yown! See you Dude!" at in -end na ang call

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon