CHAPTER 14

985 52 9
                                    


NAGSUMBONG ang impaktang labanos kay Winter ngunit hindi sya masyadong naasikaso nito dahil sa dami ng trabaho. Isa pa, kailangan nilang umuwi ng maaga dahil may family dinner ang mga ito.

Nagtataka sya bakit hindi nito isasama ang girlfriend nito sa bahay nila. Hmmm... may something...

Nang makauwi sila ay agad sumalubong sa kanila si Summer at agad syang niyakap at hinalikan sa pisngi

"My Ate Harl! I missed you!" lambing nito sa kanya

Takang tumingin si Winter sa kanya at kay Summer

"kelan pa kayo naging close?" kunot noo nitong tanong

"ngayon lang. As in now lang" papilosopo kong sagot sabay tingin kay Summer at sabay ngumisi

"ako ngang kapatid lagi sinusungitan nyan eh.. Tapos sayo may yakap pa?" nakapameywang nitong wika na hindi pa din nawawala ang pagtataka at tumingin sa kapatid "how about Kuya Wint, baby Sum? Wala akong hug and kiss?" at binuka nito ang dalawang kamay

Tumingin si Sum sakin at tinanguan ko sya. Kumalas ito ng yakap sa kanya at yumakap sa kapatid. Kita naman ang saya sa mukha ng binata. Ginulo nito ang buhok ng kapatid at pumasok na sila sa loob habang nakahawak ni Winter sa kaliwang kamay ni Sum at ako naman sa kanan. Happy family yern??

Nang nasa hapag na ang buong pamilya ay pumasok na ko sa loob ng kwarto ko. Napagod ang katawang lupa ko sa maputlang labanos na yun na mukhang ostrich... nadagdagan ng description?? Haha!

Papasok na sana sya ng banyo para maligo ng makarinig ng katok sa pinto ng kwarto nya.

"Harlene Iha, pinapatawag ka ni Madam"wika ni Manang Lydia ang katiwala nila sa mansyon

"opo manang lalabas na po" sagot ko at dali dali na din lumabas

Sakto paglabas nya ay naulinigan nya na tila sinesermunan ng ina si Winter.

"Winter anak, ilang beses ba naman namin sasabihin sayo na layuan mo na ang babaeng yun? Hindi naman ako makikialam sa pakikipagrelasyon mo kung alam kong nasa tamang babae ka eh" nagulat ako ng sumulyap ang ginang sakin pagkasabi ng huling salita na yun..

Enebe Madam! Parang sira toh..!

"Oo nga Kuya Wint! She's bad kaya.. We don't like her to be your girlfriend" Saad naman ni Spring. Nakita ko kung pano sinamaan ng tingin ni Winter ang kapatid nito and Spring just rolled her eyes

Ayaw din pala ng pamilya nito sa babaeng labanos na mukhang ostrich na yun.. At bulag na bulag lang si Winter dito.. Sya lang ang hindi nakakakita kung gano kabulok ang ugali nito.

Try kaya nya magpa-EO? Haha!

Napa-angat sya ng tingin ng marinig ang tawag ng ginang sa kanya "Oh Harl Iha, halika at lumapit ka" wika ng ginang na binigyan sya ng matamis na ngiti.

Lumapit ako sa dining area at tumayo sa gilid habang nakasalikop ang mga kamay ko sa harap. Bait yern?

"May event na aatendan si Winter mamayang 9pm. Samahan mo sya Iha" wika nito

"S-sige po" sagot ko. May choice ba ko? Hays.. Kahit gusto ko na sanang humimlay...

"Spring anak, pahiramin mo ng masusuot ang Ate Harl mo at ayusan mo na din" baling ng ginang sa dalagang anak.

Nakita kong nagningning ang mata nito matapos marinig ang 'ayusan mo na din'... "Sure thing, Mom!"

"Oh my gosh, Ate Harl! You are sooo fab!" tili nito matapos sya ayusan

Pinasuot sya nito ng baby pink sheath gown na hanggang talampakan ang haba. Hakab na hakab sa katawan nya ang gown at may slit hanggang gitna ng hita nya. Kitang kita ang hubog ng katawan nya. Light lang din ang make up na nilagay ni Spring sa kanya at nagustuhan nya ito.

"Thank you, fairy Godmother" tudyo ko dito

"Anything for my Ate Cinderella... Ganda ka??" at sabay sila nagkatawanan.. Ang bilis nya nahawaan ng kalokohan si Spring

Kinuha ko na ang purse ko at pasimpleng kinabit ang baril sa hita ko habang nakatalikod si Spring at nagaayos na ng mga make-up na nagamit

Nang lumabas na kami ng kwarto at habang bumaba sa hagdan ay nakita ko ang mga ito na namangha sa itsura ko... bumaba ako ng dahan dahan... Yung hakbang na pang-magandang dilag... haha!

Nagtama ang paningin namin ni Winter. Ang guwapo nito sa suot na white tuxedo. Lintek! Namasa ako.... este..yung kamay ko pala..

Inalalayan ako ni Winter papasok ng kotse. Pilit winawaksi ang kuryenteng dumadaloy sa pagkakadaop ng palad nito sakin. O baka nga dahil ako si Pika Chiu kaya may kuryente? Haha!

Sya daw ang magda-drive. Nang makalulan ito sa driver's seat ay nabigla ako at napasandal ng di oras sa upuan ng dumukwang ito para abutin ang seat belt ko at ikabit habang nakatitig sa mukha ko..

Pakshet! Yung puso kong marupok! Nalaglag pakipulot!

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon