CHAPTER 18

1K 57 7
                                    


NANG nakarating sila sa Zambales ay puro tulog ang mga kasama nya. Si Winter na ang nasa passenger's seat katabi nya habang si Jenny ay mag-isa na nakaupo sa dating upuan nila ni Summer at Spring at nagsiksikan ang apat na magkakapatid sa likod.. Kala mo may sakit na nakakahawa si Jenny at ayaw nila tabihan.. Haha!

Bumaba sya ng mai-park ang van. Nag-inat sya ng konti bago nilapitan ang kotse ng mag-asawang El Grejo

"Mrs. El Grejo, tulog po sila lahat sa van. Gigisingin ko na po ba sila?"

"Yes, Iha. Gisingin mo na sila para makapag-check in na" wika nito

Pagbalik sa van ay gising na si Winter at bumaba na ng sasakyan

"Your Majesty, gigisingin ko na po ang mga bata" Akmang bubuksan ko na ang van ng pigilan ako ni Winter. Hinawakan nito ang kamay ko na nakahawak sa handle ng van. Parang napaso ako sa kamay nito at pasimple na binawi ko ang kamay ko

Taray! Parang movie lang.. May pahawak ng kamay..? Haha!

"Mi Lady, wag mo na Gisingin si Summer bubuhatin ko nalang" wika nito habang nakatingin sa kamay ko na dagli kong binawi

"S-sige po, Your Majesty" Pakshet! Nautal ako.. Kabado? Grabe ang kabog ng dibdib ko.. Pashnea!

NASA reception sila ni Jasmine para asikasuhin ang pag check-in.

Kasalukuyan syang nagsusulat sa logbook ng resort habang nasa tabi nya si Jasmine ng may lumapit sa kanilang tatlong lalaki sa reception. Mukhang guest din ang mga ito

"Hi mga Miss Beautiful" bati ng isa sa kanila. Feeling gwapo mukha naman kwago! Char!

Hindi nya pinansin ito at patuloy lang na nagsusulat sa logbook.

"Miss ganda, anong pangalan mo?" pangungulit nito sa kanya pero hindi nya to tinapunan ng tingin.

Hinawakan nito ang kaliwang braso nya "Miss ang suplada mo naman! Pasalamat ka nga pinapansin ka namin" wika nito sa kanya ng nakangisi.

Wag lang talaga nito hintayin na uminit ang ulo ko dahil sasamain talaga to sakin

Tinignan ko ang kamay nito na nakahawak sa braso ko at inangat ang mukha ko para tignan ito bago nagsalita "Nasampal ka na ba ng logbook na may 1000 leaves?"

"huh? hindi pa naman" sagot nito pero nakangisi padin at hindi inaalis ang kamay sa braso nya

Ibinaba ni Harlene ang ballpen at sinara ang logbook at hinawakan. "pag nagkataon ngayon palang" umangat ang sulok ng labi nya at akmang ihahampas na dito ang logbook ng bigla na nitong binawi ang kamay at umatras

"Woh! Easy!" wika nito na nakataas ang dalawang kamay

Nahintakutan ang dalawang kasama nito at Hinatak na ang lalaking kwago at hinila na palayo pero narinig nya pa nagsalita ito ulit

"see you around, miss ganda! Magiging akin ka din!" sigaw nito habang palayo

Natatawa nalang si Jasmine sa kanya "napakatapang mo talaga, Harl" wika nito na sinuklian nya ng ngiti habang inaabot ang mga susi ng rooms nila sa attendant.

"Gago yun eh.. Nakalunok yata ng electric fan. Apakahangin!" naiiling na wika nya na kinatawa nilang dalawa

Nang makabalik sila sa area kung nasan ang mga empleyado para idistribute ang mga susi ng rooms ay napansin nila ni jasmine na nagkakagulo ang mga kababaihan at may mga impit na tilian pa na akala mo naipit ng kung ano ang mga keps.. Haha!

"ano meron?" tanong ko sa isang empleyado

"ang pogi kasi ni Mr. El Grejo" sagot nito na kinikilig..

Iba din talaga ang kamandag ng isang Winter El Grejo.. Nakatayo ito sa gilid ng van nila habang nakahalukipkip kaya naka flex ang mga muscles nito. Nakasuot ito ng polo shirt na baby pink at naka short at rubber shoes. Nakashades din ito na nagpatingkad lalo ng kagwapuhan nito..

Inatake nanaman sya ng kabaliwan.

Lumapit sya kay Winter at hinatak ito palapit sa mga empleyado.. Nakakunot noo naman na nagpahatak ito sa kanya..

"Okay guys!" agaw ko sa atensyon ng mga kinikilig na mga babae na nagsitinginan naman sa kanila at nag-abang ng sasabihin ko

"Pa MINE nalang po! Comment lang ng code WINT MINE.. Paunahan nalang! First comment sa kanya mapupunta.. No to bogus buyer and joy reserver. Pa MINE nalang!" sigaw nya. Nilingon nya si Winter na hindi na maipinta ang mukha.. Haha!

"anong ginagawa mo, Mi Lady?" bulong nito sa kanya

"binebenta ka, Your Majesty" nginisihan nya ito at mukhang lalo itong naasar at tumalikod naglakad pabalik sa van.. Ang K.J!

"guys, may damage yung first item.. Pwede naman yung kapatid nalang.. AUTUMN MINE nalang para sa second choice" sigaw nya na kinatawa naman ng mga empleyado. Narinig nya pa si Jasmine na sinabihan syang 'siraulo'.

Si Autumn naman ay naiiling at natatawa sa kanya..

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon