CHAPTER 20

1K 53 20
                                    


MAAGA silang gumayak para sa Island hopping nila sa Potipot. Sakay ng dalawang malalaking bangka ang mga empleyado. Habang ang magkakapatid na El Grejo at sya ay nasa isang hiwalay na bangka. Medyo maalon ang dagat at malakas ang hampas sa bangka nila. Sinigurado nya na nakalife vest ang lahat. Kahit kasi marunong silang lahat lumangoy ay mabuti nadin na siguruhin ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagsuot ng life vest. Pag nagkataon hindi din naman nya kayang iligtas ang mga ito ng sabay sabay. Ano ko si Darna? Charot!

Nang malapit na ang bangka sa pampang ng Potipot ay biglang tumayo si Summer sa may gilid. Masyado yatang naexcite ang bagets at hindi naisip na maari syang mahulog. “Summer! Wag ka tumayo! “ sigaw ko dito ngunit sa sobrang mangha nya yata ay hindi ako napansin. At dala na din na malakas ang ingay ng motor ng bangka. Nakita ko ang dagling pagdausdos nito dahil sa biglang pagtayo at gumewang ang bangka. Mabilis ang kilos ko na humakbang para sapuhin ito ngunit hindi ko nakita na hindi pantay ang lapag ng bangka at saktong tumapilok ang aking paa. “Shit!”mahinang mura ko. Naramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa  paa ko.

Nasalo nya si Summer at hinatak palapit sa kanya. Kung hindi kasi ay tiyak tatama ang ulo nito sa katig at babagsak sa dagat.

Nagulat din ang magkakapatid at hindi din agad nakahuma. Ibinaba ko si Summer at nanghihina na bumalik sa pagkakaupo. Ang sakit! Pashnea!

“Mi Lady, are you okay?”alalang tanong ni Winter. Kita kasi nito ang pamumutla nya habang namimilipit. Tangna juice! Daig ko pa na-injury sa basketball matapos mag-cross over at mag-fade away shot.. Ano daw?? Haha!

Nakagat nya ang ibabang labi nya para supilin ang sakit na nararamdaman. “Ate Harl, I’m sorry!”naiiyak na wika naman ni Summer

“Don’t worry, Sum. Ate’s okay. Malayo sa bituka” alo nya dito.. Pero kingina..! Pang-grandfinals ang level ng sakit!

Nang dumaong sa pampang ang bangka ay pinilit nyang tumayo at magpanggap na hindi masakit ang paa nya. Ayaw nya na mag-alala ang mga ito. Dahan-dahan nyang inapak ang kanang paa nya. Napakagat sya sa labi nya. Ramdam nyang parang may kuryenteng paakyat hanggang binti nya mula sa talampakan sa bawat pag-apak nya ng paa. Pakshet!

Pahakbang na sana sya pababa ng bangka ng mapaigtad sya dahil sa pares ng mga bisig na bigla nalang humawak sa kanya. Kasabay nun ay ang pag-angat nya sa ere. Tangina! Winter... Wag ganito...nanlalaban ang puso ko! Parang gusto magpatokhang.. Haha!

Inangat ko ang mukha ko at nagtama ang paningin namin. Kita ko ang pagaalala sa mukha nito na may halong inis... San galing yung inis bebeko?! Charet!

“Your Majesty, hindi nyo na po ako kailangan buhatin” pabebe kong wika. Syempre aarte muna tayo ng beri light..

“You had a very bad sprained ankle, Mi Lady. It’s swollen already” wika nito sa baritonong boses habang nakakunot ang noo.

Bat ganern?? Nakakunot noo pero ang gwapo gwapo padin sa paningin ko..??!

Pagbaba sa bangka ay nilapag sya nito sa may buhangin sa pampang. Umalis ito saglit at may sinabi sa bangkero at nakita nya na tumango ang bangkero at nagmamadaling pinaandar ang bangka nito paalis.

Mabilis na naglakad ito pabalik sa kinaroroonan nya.

“Mi Lady, iunat mo ang mga paa mo. Let me check your foot” at hinawakan nito ang kanan nyang paa. Pakshet! Iba ang nararamdaman nya sa paglapat ng mga kamay nito sa binti nya.. Parang may kuryente na naghahatid ng kakaibang sensasyon sa buong sistema nya.
Marahan nito sinipat ang paa nya at namamaga na nga iyon. Kaya pala ang sakit.. Napapikit sya sa magkahalong pakiramdam na lumulukob sa kanya

Dagli syang napamulat ng marinig na tinawag ni Winter ang mga kapatid nito na agad naman nagsilapitan “Autumn, ikaw na muna bahala sa mga kapatid natin. Kailangan maiuwi ni Harlene sa resort at malapatan ng first aid. Pag mas naging worst dadalhin ko nalang sya sa hospital” wika nito sa mga kapatid

“Your Majesty, hindi na po. Mawawala din po ito. Wag na kayo---” hindi nya natapos ang sasabihin nya ng pinutol ito ni Winter sa galit na tono

“No! Babalik na tayo sa resort ngayundin! Hinihintay ko lang dumating ang yate” wika nito habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa kanya.

Pumikit nalang sya para iwasan ang nagbabaga nitong mata..

Maya maya ay naramdaman nya na may maliit na kamay na humaplos sa pisngi nya. Dumilat sya at nakita ang nag-aalalang mukha ni Summer. “Ate, does it hurt that much?”

Parang gumaan ng konti ang pakiramdam ko sa haplos na yun ni Summer. Ngumiti ako at niyakap sya. “Siguro Mawawala ang sakit if ikiss mo si Ate Harl”lambing ko dito. Kumalas ito sa pagkakayakap ko at hinalikan ako sa pisngi

Pinalaki ko ang mata ko at pinaaliwalas pa ang mukha ko bago nagsalita “Wow, Ate Harl feels better now, Sum. Thank you!.”

Nagningning ang mga mata nito at ngumiti bago nilingon ang mga kapatid nya“I think we should all kiss Ate Harl! She needs it to feel better!” wika pa nito na kala mo napaka-bright ng idea na naisip. Feeling yata ng batang to kapamilya nila si Baymax na may healing power.. Haha!

Nagulat ako ng lumuhod si Spring at hinalikan ako sa pisngi “You’ll get well Ate!” wika ni Spring sabay kindat sa kanya.. Patola din toh minsan eh!

Maya maya ay sumunod na din si Autumn at Monsoon at hinalikan sya ng sabay ng mga ito sa magkabilang pisngi. Ano to?

“Kuya Wint! It’s your turn.” Wika ni Summer. Tiningala nya si Winter at nakapaling sa dalampasigan ang tingin nito. Ano magpapapilit pa? Haha!

Maya maya ay lumuhod na din ito sa harap nya. Nagtama ang mga mata namin ng tinaas nya ang baba ko. Pashnea! Ang kabog ng dibdib ko abot hanggang South China sea! Nakita kong unti unti nang lumalapit ang mukha nya.

Teka lang wait! Nageexpect ako! Sa lips ba??? Tangna juice!

Napapikit sya ng lumapit na ang mukha ni Winter sa kanya. Naramdaman nya ang pagdampi ng labi nito sa noo nya. Ano toh? Lola lang ang peg?? Maktol ng isip nya

“Bat dika na din magmano sakin para magbigay galang sa Lola mo” ingos nya dito na kinatawa ng magkakapatid

“Ouch!” sigaw ni Harlene sabay sapo sa puson nya

“Why, Mi Lady? Anong masakit sayo?” wika nito na nakaluhod pa din sa harap nya. Hinawakan sya nito sa magkabilang balikat at tinitigan sa mukha

“Wala naman, Your Majesty. Sumipa lang yung bahay-bata ko. Mukhang gusto na magkalaman. Char!” ngisi nya dito sabay angat ng kamay at nag-peace sign.. Haha!

Nakita nya ang lihim na pagtatawanan ng mga magkakapatid sa may gilid. Ano mga supportive??? Haha!

Napapailing nalang si Winter sa kalokohan nya pero sinusupil din ang ngiti sa labi “Andyan na ang Yate, Mi Lady. Let’s go” wika nito sabay buhat sa kanya ng walang kahirap-hirap.

A/N: HAPPY NEW YEAR MGA MI LABS!!! SALAMAT SA PAGAABANG KAY MI LADY AND KAY MAJESTY... HAVE A BLESSED 2021!!!!😘😘😘💖💖💖💋💋💋
mention a user

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon