CHAPTER 50

779 36 2
                                    


Dumating ang araw ng paglilipat ng pamamahala at abala na ang buong pamilya ng El Grejo para sa paghahanda sa pagtitipon. Nauna na sa hotel ang mga magulang at kapatid ni Winter at sila ay nagpaiwan at susunod na lamang. Nagkalat din ang mga security para magbantay sa seguridad nila lalo na sa kanilang dalawa ni Winter.
Nang matapos sya mag-ayos ay sumulyap pa syang muli sa salamin para tignan ang repleksyon nya. She's wearing a gold sequin ball gown na may slit sa kaliwang hita. Mukha syang isang diamante na kumikinang kapag tinamaan ng ilaw. She put just slight make-up on her face medyo smokey eyes ang peg nya dahil masyado ng bold ang suot nya baka masyado ng ma-over at magmukha syang strobe ball at may magdisco sa harap nya.

Inayos nya ng bahagya ang leg holster nya na may nakasuksok na baril at isang maliit na kutsilyo. Dinampot nya ang pouch nya at hinugot mula doon ang earpiece na mukhang hikaw at nilagay iyon sa kanyang tenga at pinindot "V Queens, plantsado na ba ang lahat?"

"Yes Commander. Nasa location na kami at nag-uumpisa ng magmanman. Marami na kaming nakikitang myembro ng Blue Shadow pero wala pa ang main target." wika ni Amaryllis

"Si Theo, naihanda nyo na ba?"

"Nasa van pa sya ngayon. We sedated him para kung sakali man na may balak yun na tumakas at samahan ang tatay nya eh hindi nya magagawa." sagot ni Foxglove

Si Theo ay nangako na makikipagtulungan na mahuli ang ama nya kapalit ng pangangako namin na huwag ito sasaktan. Gustuhin man tumanggi ng isip ko, dahil sa lahat ng kasalanan na ginawa nila sakin at sa pamilya ko ang huling bagay na gugustuhin kong gawin ay ang huwag silang saktan. Sila nga nagawa pa nilang pumatay. Pero wala akong pagpipilian, kailangan na gamitin namin si Theo para mabingwit ang ama nito na mas madulas pa sa palos.

"Good. Umalerto kayo at mag-iingat kayo."

"Copy Commander" sabay-sabay na sagot ng mga ito bago narinig nya ang end call tone.

Sinipat nya ang laman ng pouch nya. Merong night vision glasses, kutsilyo, baril at pepper spray. Sinuksok nya ang cellphone nya dito bago ito sinara at lumabas na ng kwarto.

Pababa na sya ng hagdan ng mamataan nya si Winter na nakasuot ng black tuxedo. Shit! Parang gusto ko humingi ng kanin ng di oras sa kakisigan na nakikita ko ngayon! Abala ito sa paglalagay ng bow tie at nang marinig ang tunog ng stilletto ko ay napalingon ito sa gawi ko.

Tila ito napako sa kinatatayuan habang makailang beses na kumurap-kurap. Gusto kong i-flip ang buhok ko ng malala nang makita ko ang reaksyon nya sa itsura ko. Feeling ko tuloy ngayon mas maganda pa ko kay Catriona Gray at Pia Wurtzbach. Parang gusto ko mag-lava walk palapit sa kanya sabay lagay ng kamay sa may balakang na kala mo rumarampa. Char!

Ngumiti ito ng malapad at nagmamadaling lumapit sa kanya habang kinakabit ang butones ng tuxedo nito. "You're incredibly stunning, Mi Love!" bulalas nito ng paghanga sa kanya habang titig na titig sa kabuuan nya. Nilahad nito ang kamay sa kanya para alalayan sya bumaba.

Hinampas nya ito ng mahina sa braso sabay hawi ng buhok nya paipit sa tenga "Enebe! Parang sira to!" biro nya dito na sabay nila ikinatawa.

"Parang ayoko nalang pala um-attend sa coronation" wika nito ng tuluyan na syang makababa ng hagdan. Kunot noo nya itong binalingan. Seryoso ang mukha nito.

"Bakit naman?" naisip nya baka natatakot din ito sa seguridad namin.

"Parang gusto ko nalang gumawa tayo ng baby" nilingon sya nito na may pilyong ngiti sabay kagat sa labi.

Naningkit ang mata nya at umakmang susuntukin ito pero mabilis itong nakalayo sa kanya habang tumatawa. "Yang utak mo talaga wala ng ibang laman kundi kahalayan!" angil nya dito. Pero sa kabilang parte ng isip nya ay walang pagsidlan ang kilig nya. Sa buong pagtigil nila dito sa penthouse ay wala silang pagkakataon na makapagsolo dahil laging nakadikit sa kanya ang mga kapatid nito at minsan naman ay ang mommy nito.

"Mi Love, eh pano ba naman kasi ni hindi man lang kita nasolo kahit minsan. Ang dami kasing istorbo dito!" maktol nito

Gusto nyang matawa dito. Ang dami nyang mga bagong bagay na natutuklasan sa pagkatao nito. Lalo na yung paminsan na pagiging isip bata nito at pagiging sobrang clingy daig pa ang sanggol na may separation anxiety.

"Ewan ko sayo. Umalis na tayo at late na tayo. Dami mong hanash!" dinampot nya ang isang throw pillow at binato dito.

Tumatawa naman itong lumapit sa kanya. Walang sabi-sabi sya nitong hinapit sa beywang at siniil ng halik sa labi. Hindi nya namalayan na napapikit na din sya at tumugon sa nakakapanghinang halik nito habang ang isang kamay nya ay umangat papunta sa likod ng ulo nito para mas idiin pa ang pagkakalapat ng mga labi nila.

"Uhmmm" ungol nya ng makapasok ang dila nito at galugarin ang bibig nya.

Kapwa nila habol ang hininga ng maghiwalay ang mga labi nila. Hinalikan nito ang noo nya at pinunasan ng hinlalaki ang labi nya. Feeling ko kumalat na ang lipstick ko kaya nya pinunasan. "I love you, Mi Love."

Parang pumitlag ang puso ko. Ewan ba nya, hindi naman nya first time marinig itong sabihin ni Winter pero parang palaging biglang nagwawala pa din ang puso nya sa tuwing maririnig nya ito mula sa asawa. "I love you, too My Majesty".

"Let's go, bago pa magbago ang isip ko" wika nito sabay hapit sa beywang nya habang nakapaskil ang pilyong ngiti sa labi. Tanging irap lang ang naisagot nya dito at nagpatinaod na palabas.

Paglabas nila ng penthouse ay agad sumalubong sa kanila ang mga bodyguards. Napataas ang kilay ko dahil sobrang dami nila at mga armado sila ng mahahabang baril. Mga naka-shades at may nakasabit na earpiece sa mga tenga nila. Malalaki din ang mga katawan ng mga ito.

Kinalabit ko si Winter at bumulong "bakit ang daming incredible hulk dito?"

Mahinang natawa si Winter at mas hinigpitan ang paghapit sa kanya "sira ka talaga" pinisil pa nito ang beywang ko at humakbang na papasok sa elevator.

Nakapalibot talaga sila sa amin kahit sa loob ng elevator. Nasa gitna kami. Yung nasa harap ng elevator ay nakaumang ang baril habang pabukas ang pinto ng elevator.

Napansin ni Winter na panay ang sulyap ng isang bodyguard sa kanya kaya tumiim ang mga labi nito at malamig na nagsalita "Get your fucking eyes off of my wife or you want me to pluck it out of your socket!"

Mukha namang nahintakutan ito at dagling nagyuko ng ulo. Siniko ko naman si Winter dahil ramdam ko ang pag-iigting ng mga panga nito.

Sumakay kami sa isang bullet proof na sasakyan. Nasa gitna kami ng mga bodyguards. Meron din nasa harap at nasa likod namin na nakasunod na sasakyan ng iba pang bodyguards. Nang pakampante na kong hihilig sana kay Winter ay sya namang pagkarinig namin ng mga putok ng baril.

V Queens Series: #1 WOLFSBANE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon