Chapter 17
PRINCE's POV
[ Bumalik ka na raw sabi ni Mom.] sabi niya. Nasa kwarto ako ngayon kakabangon lang nang biglang tumawag ang di ko inaasahan.
I clinced my fist and kick the door.
"Bakit naman ako babalik huh?!!" sigaw ko sa telepono. Bumubukal talaga ang dugo ko kapag naririnig ko ang ni isa sa mga boses nila.
[ Wag ka nang magmatigas bunso. Bumalik ka na dito. Gusto ka na raw makasama ni Mom.] seryosong sabi niya.
"Ayoko!" sigaw ko sabay baba sa phone. Why the hell they're calling me? Are they sorry for what they've done to me?
Ang kapal ng mukha nila para pabalikin ako. Ang kapal talaga ng mga bungo nila pagkatapos ng kanilang ginawa sakin. Ang kapal talaga! Damn them!
Si Mom lang pala, walang Dad..
*******
Nasa dining room ako kasama si Uncle Fred. Actually siya nga minsan ang nagluluto ng pagkain sakin. Bunsong kapatid siya ni Dad at siya ang may-ari ng apartment na tinitirhan ko ngayon. Nasa groundfloor nakatira si Uncle Fred at kasalukuyan kaming nagbi-billiard kasama si Raul. Walang girlfriend or asawa si Uncle Fred dahil ayaw daw niya, eh di panghabambuhay na siyang binata. Minsan nagyoyosi yan tuwing nabo-bore siya. Ewan ko ba kung bakit wala siyang love-life. Parehas lang kami, hindi namin alam kung paano namin mapalapit ang mga babae.
Pero ang masasabi ko lang talaga, napakabait ni Uncle sakin. Simula noong pinalayas ako sa bahay namin, agad akong tumungo dito at laking pasasalamat ko dahil tinanggap ako't pinatuloy ni Uncle. If you asked me, super pogi ni Uncle. Kadalasan nga dito magbibiliard ang mga iba't-ibang grupo ng kababaihan at nagbai-baihan. May bata, matanda at bakla. Sari-sari na nga eh.
"Naku Prince, lalamig na ang almusal mo dahil sa kakaisip mo dyan. Kumain ka na." sabi ni Uncle Fred habang umiinom ng kape.
"Amm.. Uncle? Wala po ba kayong plano sa mga babae?" bigla kong sinabi sa kanya. Nabunulan siya at tumawa ng mahina.
"Prince? Saan mo nakuha yang klaseng tanong na yan?" tanong niya na may halong ngiti. Uncle Fred talaga, hindi marunong magalit.
"Ha? Ahh-- wala lang po. Naisip ko lang." sabi ko at yumuko para kumain.
"Malalaman mo rin, nextime nalang ha." sabi ni Uncle Fred at tumayo para maghugas ng pinggan.
"Ahh.. Uncle? Ako na po ang maghuhugas ng pinagkainan, asikasuhin niyo nalang po ang billiard sa ibaba." sabi ko lay Uncle. Tumango lang siya at lumabas.
"Ano Prince, billiard tayo mamaya?" tanong ni Raul sabay akbay sakin. Nasa garden kamk ngayon, nakaupo para makalanghap ng sariwang hangin.
"Bakit? Hindi ka pa rin ba nagsasawa?" tanong ko habang nakapikit ang mga mata.
I heard him smirked and thumped my back.
"Kaya nga laro ang tawag eh." mahina niyang sabi tapos tumayo.
"Class hour na." sabi niya sabay talikod sakin. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.
******
"Ok class! Find a partner and answer these questions on the board on a half-sheet of paper." sabi ng teacher samin.
Gusto ko sanang maging partner si Raul kaso may Akiko na siya. Salbahe talaga! Napalingon ako sa direksyon ni Ceilo, damn! Wala pa siyang partner! I can't make move, parang nahihiya ako.
YOU ARE READING
The Day We Fall in Love
Teen FictionIt's a story that focuses on the relationship between Princeilo Palisada, who has absolutely no interests except in studying and her plans for the future, and a boy named Prince Keer Gonzales, who sits next to Princeilo/ Ceilo in class but rarely at...