Chapter 4
PRINCEILO's POV
Gabi na nang makauwi at nasal kwarto lang ako, nagbabasa ng libro. Ewan ko kung ano ang ginagawa ng kuya ko ngayon. Hindi kami close kaya wala akong kausap maliban nalang kay yaya.
"Hija? Nakahanda na ang hapunan bumaba ka na dito." sabi ni yaya sa labas ng kwarto ko. Niligpit ko ang aking libro at tumayo.
"Opo! Susunod nalang po ako." sigaw ko kay yaya. Lumabas ako sa kwarto at bumaba para kumain. Kumain na pala ang nag-eexist kong kuya ni hindi man lang niya ako inimbita para maghapunan.
Nagsimula na akong kumain para mamaya, study nalang yong aatupagin ko.
"Bukas ng hapon may bisita ako at may lakad kami ng mga tropa ko." sabi niya habang may pagkain sa kanyang bibig nangyari hindi tumitingin sakin. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy nalang sa pagkain. Don't talk if your mouth is full. Hindi niya siguro alam na mali ang magsalita kung may pagkain ang bibig. Huh! Napaka-outrageous nga naman.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pag-aaral. Kailangan kong makuha ang first rank ng academics.
Umaga na at maaga kaming nagtungo sa school. Papasok na kami ng gate nang nagsalita si kuya na ikinainis ko naman.
"Don't feel too much cute to yourself manang, it iritates me more and it doesn't suit you Tss." asar niyang sabI sakin at yon ang ikinainis ko. Ayokong tawagin ako sa mga walang kwentang bagay.
"Kaw din wag kang masyadong magmataas sa sarili mo baka maunahan ka ng iba kuya." inis kong sabi sa kanya kaya nauna na akong pumunta sa room ko. I'm so pissed with this half-crazy and lunatic brother. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa at ano na naman kaya ang nakakatawa doon? Nagchange weather na naman ang mokong na yon.
Pagpasok ko sa room sinalubong na ako ng bati kay Raul. He's irritating me but thanks he washed the anger I had with kuya. Mabuti na to kaysa sa walang modong kapatid na yon.
Umupo ako sa upuan ko at nagbukas ng aklat para magpatuloy sa pagbasa. Biglang may lumapit na babae sakin.
"Go-goodmorning Prince" kaba niyang bati sakin. Tinignan ko siya ng seryoso at tila natatakot siya sakin. Napataas ang kilay ko para mag-antay sa ibang sagot.
"What do you want?" kalmado kong sabi sa kanya. Napalunok naman siya at pilit ngumiti sakin.
"Amm.. I'm Akiko. N-Nice to meet you." kabado pa rin ang tono niya. Natatakot siguro to sakin. Nilahad nya ang kamay niya sakin. Does she want to have shakehands with me? Nanginginig pa ang kanyang kamay.
Dapat ko bang tanggapin ang kamay niya? HindI naman ako friendly sa tingin ko. Nag-aantay parin si Akiko sa kamay ko kaya lang sumingit si Raul.
"Hindi siya nakikipagkamay Akiko. Kapatid siya ni Peter ng 4th year." paliwanag naman niya kay Akiko. Ayokong nang magdrama. Noong bata palang ako, iyakin na ako dahil parati nalang akong top 2 sa klase. Pinipilit kong maging top 1 kaya lang Hindi pa rin kaya ng utak ko. Ayokong maimpluwensya sa mga barkada. I need to study hard for my future at ganoon ako kasipag mag-aral.
"Hmm.. Nice to meet you Akiko." seryoso kong bati sa kanya at bumaling nalang sa pagbabasa. Nakita ko nalang na ngumiti siya sakin tila natitili pa siya sakin. Nginiwian nya si Raul at napakalmot nalang sa ulo.
Maya-maya ay nagsimula na ang unang klase. Panay ang pakikinig ko sa leksyon. Napansin kong bakante sa tabi ko. Nag-cutting na naman siguro yon. Wait a minute, why am I thinking him? He's a nobody to me. Nagkibit balikat nalang ako. Ilang oras ay lumabas amg aming teacher.
YOU ARE READING
The Day We Fall in Love
Teen FictionIt's a story that focuses on the relationship between Princeilo Palisada, who has absolutely no interests except in studying and her plans for the future, and a boy named Prince Keer Gonzales, who sits next to Princeilo/ Ceilo in class but rarely at...