Chapter 20
Guess what, parang nangyari lang to dati. Sa bar kami unang nagkita at nagka-usap.
Naglalaro sina kuya kasama sina Keith at Carl samantalang kaming dalawa, nanood sa kanila. Ano kami audience? May championship event bang mangyayari? Ganito pala ang sabi niyang 'mag-enjoy' kami. Mag-eenjoy sa panonood ng pinakaboring na laro na nakita ko sa buong buhay ko.
"Hindi naman pala kayo marunong magbilliard!" sigaw ni Prince. Buti naman at napansin niya rin. Napatingin silang tatlo kay Prince.
"Hahaha! Joke lang bro, ganito lang talaga kapag nagwawarm-up ka." sabi ni kuya. Pinikit niya ang isang mata at tumira.
Oops. Namiss ni kuya ang shot. Ayy! Hindi pala! Walang natamaang bola si kuya. Eh.kasi naman, imbalance ang kanyang position sa pagtira.
Hmph! Mayabang talaga!
"Let me teach you." sabi niya. Tumayo siya at lumapit kina kuya. He positioned himself and slowly pointed the ball with the stick and hit on it. Tinira niya isa-isa at pasok lahat. Ganun siya kagaling at mukhang hindi nahihirapan.
"Wow! Ba't di mo sinabi kaagad?!" pahangang sabi ni kuya kay Prince sabay tapik sa balikat. Pinagkakaguluhan siya ng tatlo, binatukan pa nga siya dahil hindi daw niya agad sinabi.
I rolled my eyes at them and turned to different direction. Unexpextedly, may pumasok na hindi ko inaasahang dumating.
"Oh Kurt! Anong ipaglilingkod ko sa inyo?" pagbati ni Uncle Fred habang pinupunasan ang baso gamit ang towel.
"Maglalaro kami ng tropa ko." seryoso niyang sabi kay Uncle Fred sa counter.
"Arrgghh!! Anong ginagawa niyo dito?!!!" sigaw naman ni Prince. Kalmadong lumingon si Kurt kay Prince at nilagay ang kamay saa bulsa. Mainit na naman ang ulo nito.
"Obvious ba? Eh di maglalaro ng billiard. Hindi kami nandito para makipag-away." inirapan niya si Prince at nagbayad kay Uncle Fred.
"Relax ka lang Prince, ayokong masira ang negosyo ko dito. Uminom nalang kayo ng malamig para lumamig ang mga ulo niyo." Uncle Fred warned. Pumwesto na sina Kurt sa isang sofa dala ang mga chips at drinks.
As in magkaharap lang kami sa kanila. Sa isang set sila ng billiard naglalaro. Walang tigil ang pagtitig ni Prince kay Kurt kahit naglalaro na sila. Minsan inirapan lang at nagkibit-balikat si Kurt para umiwas sa gulo.
"Bro? Hayaan mo na sila. Maglaro nalang tayo. Okay?" mahinahong sabi ni kuya sabay tapik sa balikat ni Prince. Tumango naman si Prince at nagpatuloy sa paglalaro. Ilang oras ay umalis muna si Prince para mag-cr.
I hate the atmosphere here. Masyadong tahimik. Kanina lang ang ingay dahil sa mga tawanan at halakhak nina kuya ang narinig ko pero nang dumating sina Kurt, biglang nag-iba ang paligid. Parang may tensyon sa bawat isa.
Mag-iikot-ikot nalang ako dito, masyadong delikado doon. Pumasok ako sa isang pintuang may nakalagay na mini-baseball area. Binuksan ko ito at nagulat nalang ako dahil may baseball area nga kaya lang hindi sa field ang admiration niya kundi nasa isang loob lang cage ng screen.
Napansin ko ang isang bat na nakahandusay malapit sakin. Kinuha ko ito at winagayway. Ang bigat naman pala nito. Kumuha ako ng bola, bola ng baseball. Natigilan ako.
"Paano ko titira kung wala namang taga-tapon at tagasalo ng bola? Hayyy!" panghihinayang ko. I was wandering the around at tinitgnan ang mga bagay. Mukhang hindi ito masyadong nagagamit. Kinakalawang na ang mga screen dito.
YOU ARE READING
The Day We Fall in Love
Teen FictionIt's a story that focuses on the relationship between Princeilo Palisada, who has absolutely no interests except in studying and her plans for the future, and a boy named Prince Keer Gonzales, who sits next to Princeilo/ Ceilo in class but rarely at...