Chapter 26

13 0 0
                                    

Chapter 26

CEILO's POV

How dare you...
How dare you say that to me..

Okay na sana ang lahat. Bigla ka nalang nagbago. Akala ko magiging malapit ka lang sakin dahil kakompetensiya mo ako sa school pero hindi pala dahil nagsalita ka tungkol sa nararamdaman mo sakin.

Foolish guy! You don't even know who you're dealing with.

Sinusuklayan ko ang buhok ko while facing the mirror. I tried to tie my hair in pigtail style in both sideways but those words kept on messing my mind.

'FINE! BUT MY FEELINGS WON'T CHANGE! I WILL ALWAYS LOVE YOU!'

Nang tumingin ako sa salamin, wala na pala sa ayos ang buhok ko. Masyado yata akong nag-isip. Huminga ako ng malalim at inulit ang pagtatali sa aking buhok.

Habang bumibiyahe, hindi mawala sa isipan ko ang mga sinasabi niya sakin. Bumabagabag daw sa isipan niya ang pagkagusto niya sakin. Kung tutuusin, mas bumabagabag siya ngayon sa utak ko. Ang kapal ng mukha niya. Anong mukha ang maihaharap ko kapag nagkita kami?! Papaano siya magkagusto sa isang tulad ko na hindi naman interesado sa mga bagay na yan?! Ugh!! Nakakadagdag lang talaga siya sa problema ko.

Wait!! Oo nga pala!! Baka nagbibiro lang siya kahapon! Maaaring prank lang yon dahil gusto niyang makuha ulit ang place ko sa rank! Maaaring ginawa lang niya yon para talunin ako sa mga kalokohan niya. Baka akala niya, natalo niya ako. Oo tama! Dapat hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano sa mga sinabi niya.

"Kalokohan lang yon!" sigaw ko. Napansin din ni kuya at ng driver ang pagsigaw ko. Nanlaki ang mga mata ko at tumingin nalang sa bintana.

"S-sorry." sabi ko. Biglang tumawa si kuya ng malakas kaya napalingon ako sa kanya at nagfacepalm.

Duwag ka pala!

*****

Nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng school namin. Kinukuyom ko ang mga kamao ko at tila walang planong pumasok sa loob. Hindi pa ako handa para makita't makausap siya.

"Hoy manang! Kahit nasa top 1 ka na hindi ibig sabihing hindi ka na papasok!" sigaw ni kuya nang patawa habang naglalakad na siya papunta sa loob. I rolled my eyes at him at hindi nalang siya pinansin.

Kasalanan mo to! Ngayon lang ako mahihiyang magpakita sayo!

Wala nga ako sa mood ngayon eh at wala sana akong balak na pumasok ngayon pero top 1 ako at ayokong masira ang pag-aaral ko nang dahil lang sa walang kwentang Prince na yan.

Huminga ako ng malalim at hinakbang ang mga paa ko para pumasok. I don't care kung may feelings ka sakin wag mo lang akong guluhin.

"GOODMORNING CEILO!!!!!" sigaw ni Akiko sakin. Nakatulala ako ngayon. Masama ang pakiramdam ko at wala talaga akong ganang pumasok ngayon. She waved her hand in front of my face pero hindi pa rin ako natinag. She snapped a finger on me pero wala pa rin.

Dapat ganito lang ako, hindi kumikibo. Ipagpatuloy mo lang yan Ceilo.

"Hmm.. May lagnat ka ba?" concerned niyang sabi and then she touched my forehead.

"Mainit ka nga lang ng kaunti. Okay ka lang ba? Baka gusto mong magpahinga o di kaya'y umuwi nalang." sabi niya. Umiling lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. I sensed that she shrugged and left me with a strawberry candy on my desk. Hindi ko ginalaw yon dahil akala nila maysakit ako.

Do I looked sick right now.

Nagbukas nalang ako ng libro at nagbasa nalang. Ang totoo kahit nagbabasa ako, walang pumapasok na letra sa utak ko at paulit-ulit ko nalang binabasa ang mga salita. Ganito ba talaga kabigat ang impact sakin ni Prince?

The Day We Fall in LoveWhere stories live. Discover now