Chapter 38

20 0 0
                                    

Chapter 38

PRINCE's POV

Ang kapal ng mukha ng 'KURT' na yon! Hindi niya siguro pansin na andon ako. Baka nakakalimutan niyang sumusuntok ako ng pakilamiro. Ang kapal niyang pumunta doon at harapin si Ceilo.

Tingin dito, tingin doon. Wala akong nakikitang Ceilo ngayon. Napasandal ako sa upuan samantalang ang mga paa ko'y nakapatong sa desk ko. Inaantok ako ngayon kaya lang hindi ako mapapanatag kapag hindi ko siya nakita. Eh pano? Ganito kasi ang nararamdaman ko.

Pinuntahan ko pa sa garden, mini-forest, rooftop, cafeteria, library, CRs at halos lahat ng parte ng campus. Wala pa ring Ceilo. Pero impossible dahil hindi naman lumiliban yon sa klase.

"Bro! Nakita mo ba si Akiko?" bungad ni Raul sakin. Umiling lang ako.

"Hindi eh. Alam naman nating walang proper class ngayon. Hinahanap ko nga si Ceilo. Nakita mo rin ba?" tanong ko. Napakalmot ng ulo si Raul at umalis.

"Ano kayang problema nun?" sabi niya.

Naisipan kong tumayo at magpunta sa labas. Naglakad-lakad ako kahit saang parte ng campus.

Na-miss na kaya ako ni Ceilo?

Hahaha! Nag-aassume na naman ako.  Nag-pout ako habang pinagmasdan ang langit. Nagtungo ako sa isang classroom na walang tao. Dumaan ako sa may sementadong daanan. May nakita akong babaeng nakaupo at mukhang pamilyar siya  sa akin.

"Carrie Shyra Ranara?" bungad ko sa kanya. She was startled at me. Tumabi ako sa kanya. Nginitian ko siya pero umiwas siya ng tingin.

"Ikaw pala Prince. Papaano mo nalamang nandito ako?" nauutal niyang sabi habang inaangat ang kanyang eyeglasses.

I smirked. "Obvious ba? Nakita kasi kita." sagot ko. Napaiwas siya ng tingin sa akin. Mukhang may sakit yata ito. She has a pale skin and a dark hairdo. Bigla nalang akong kinabahan.

"Okay ka lang Carrie? Namumutla ka kasi." pag-alala ko. Nagulat nalang ako nang biglang tinakpan niya ang kanyang mukha.

"O-Okay lang ako! Wag kang mag-alala!" sabi niya. "  talaga? Sure ka?" tanong ko.

"Oo promise! Ganito lang talaga ako, namumula kapag...." hinintay ko ang sagot niya. Bigla nalang nagvibrate yong phone ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Raul? Bakit? Talaga nahanap niyo na sila?! Si Ceilo?" tumingin ako sa malayo.
"... osige! Papunta na ako diyan!" sabi ko at pinatay ang phone. Napangisi ako kay Carrie at umiwas siya ng tingin.

"Paano ba yan Carrie. Mauuna na ako sayo. Salamat nalang sa time. Bye!" sigaw ko at tumakbo paalis.

*****

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako naghahanap sayo." pag-alala ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Kita-kita kong may dala siyang paperbag. Mukhang galing lang sa bookstore kasama si Akiko.

"Obvious ba? Bumili lang. Ano bang pakialam mo?" pagtataray niya tapos inangat ang paperbag sakin.

"Akiko, gusto ko sanang kausapin ka kung pwede." sabi ni Raul. Ngumiti naman si Akiko sa kanya.

"Excuse me lang guys." paalam nila sa amin. Naiwan na rin kami at last! Sinimangutan lang ako ni Ceilo at nilayasan ako.

"Oi. Pansinin mo naman ako." tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Napacross-arms siya at huminga ng malalim.

"Sige nga. Ano bang gusto mo?" taray naman nito. Ganito ba talaga kainit ang ulo niya sakin?

"Namiss kasi kita! I tried to contact you but--"

"Ahh! Sayo pala ang number na yon? Unknown kasi eh!" sambit niya. Kung ganoon, binura niya ang cp number ko. Pambihirang babae to.

"Binura mo?! Bakit?! Kaya pala walang sumagot!" pagdududa ko. She just shrugged at me and then turned away.

"Sorry! I'll save it later nalang! Hahaha!"  sigaw niya sabay kaway.

"Wait a minute, tumawa ba siya? May narinig akong 'hahaha' galing sa kanya. Kung ganoon totoo nga! Hahaa! Tumawa si Ceilo sakin! Wooh!" naaliw naman ako. Akalain niyo, sa wakas narinig kong tumawa siya. Kahit sandali lang yon haha!

Nagtatalon-talon ako pati na puso ko at sumisigaw dahil lang sa narinig ko ange tawa niya. Ang liit lang ng mundo.Pansin kong tingin  ng tingin ang mga tao sakin kaya huminto na ako at naglakad nalang. Pero deep inside, sobrang saya ko. Ewan ko lang kung bakit.

******

Pinagmamasdan ko lang siya habang nagbabasa siya sa bago niyang biniling libro. Everytime she blinked her beautiful eyes, saka lang nagbli-blink yong mata ko.
Pansin niyang tinitigan ko siya kaya binaba niya ang kanyang libro at tinignan ako ng seryoso. She blinked her eyes so I blinked mine as well. Tinaas niya ang kanyang kilay kaya pati ako tinaas ko rin. Unti-unti niyang nilabas ang dila niya kaya dahan-dahan ko ring nilabas ang dila ko at saka niya akong nginiwian.

Nagulat ako kaya niyugyog ang ulo ko. Iniripan niya ako at nagpatuloy siya sa pagbabasa.

"Halos kabisado muna ang movements ko." sabi niya. Teka, ginagawa ba niya akong tanga? I heard she chuckled kahit tinakpan niya ng libro ang kanyang mukha.

"Pinagtatawanan mo ba ako?!" inis kong sabi sa kanya. She just shrugged at me and then turned to the next page. Iniripan ko lang siya at pinatong ang ulo ko sa kamay ko. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Tanging kamay lang at libro ang minamasdan ko. Nahiya kasi ako kanina.
Habang pinagmamasdan ang libro, bigla akong may naisip.

Pagkatapos ng klase, lumabas kaagad ako sa school. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanila pero nag-iwan ako ng tingin kay Ceilo.

Sorry kung marami na akong ninakaw na tingin sa'yo. Gusto kasi kita eh! Ay hindi! Mahal na pala kita!

Nagtungo ako sa mall at pumasok sa National Bookstore. Tumingin-tingin din ako sa mga libro dito. Maganda ang iilan sa mga cover page ng libro kaya lang nakakatamad basahin. Maganda ang designs ewan ko lang kung sa content ng libro. Kung pwede lang sana, gawan ng movie ang lahat ng librong naka-published na para 'choi' !

Habang pinagmamasdan at binabasa ang mga summaries ng libro, there's one that caught my eyes.  Kinuha ko to at hinampas-hampas sa kamay ko. I know I'm not a fan of reading pero kung para sa kanya, gagawin ko. Mahal ko eh.

"You caught my attention." bulong ko na may halong saya.

To be continued...

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 10, 2015 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

The Day We Fall in LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora