Chapter 8

27 0 0
                                    

Chapter 8

Nakarating na din kami sa bahay ng madaling gabi. Nagpalit ako ng damit sa kwarto ko at bumaba para magdinner.

Habang kumakain kami ni Kuya, napaisip ako tungkol kanina. Ano kaya ang pinag-aawayan nila? Habang nagsusuntukan sila, feeling ko parang naglalaro lang. Umiling lang ako dahil parang buong magdamag parati ko nalang siyang naiisip. Siya pa nga ang nagsabi sa bar na wag daw akong inisin eh siya naman pala ang malakas mang-asar sakin.

"Kung mag-iisip ka, siguraduhin mong walang kinalaman kay Prince." sabi ni Kuya. Napatigil ako sa pagkain at sinamaan siya ng tingin. Tumawa naman siya ng malakas at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

Seriously? Alam ni Kuya na si Prince ang iniisip ko ngayon? Pati ba naman dito sa hapag-kainan kailangang i-open up ang tungkol kay Prince? Parang pinagloloko yata ako nito eh.

"Mang-asar ka lang, wag mo lang banggitin ang pangalan niya." seryoso kong sabi at uminom ng tubig. Dapat hindi ako affected dahil wala naman talaga akong kailangan kay Prince. Kusa siyang lumalapit sakin.

"Mukhang may tensyon si Manang at pretty boy dito. Ewan ko lang kung anong relasyon nilang dala--" I cut him off. I slammed the table so hard para marinig niya at malaman niyang napipikon na talaga ako. Nagulat siya sa ipinakita ko.

"Pakshit ka pala eh! Don't get to the point na may mangyayaring maganda tungkol sa kanya at sakin! Dahil wala, wala akong pakialam sa kanya! Ayoko ngang may kaibigan eh! Naiintindihan mo ba ako Manong?" I yelled at kuya. He just nodded at me. Napaupo nalang ako at uminom ng tubig.

Parang nakonsensya ako sa sinabi ko kay Kuya at may kunting konsensya rin sa part ni Prince. Ganito ba ako ka OA sa sarili ko? Totoo naman eh, wala talagang magagandang mangyayari kung hindi naman ako marunong makisama sa iba. Isang bagay lang ang tumatak sa isipan ko, I'M BULLIED.

Hindi nagtagal ay tumayo ako at pumunta sa kwarto ko. Ayokong umiyak dahil ayokong maalala ulit ang nangyari sakin dati.

Ilang oras ay nakatulog ako ng mahimbing. Napamulat nalang ako nang biglang nagvibrate ang phone ko. Si Dad tumawag.

"Hello Dad?" nakapikit pa aking mga mata. I heard Dad chuckling.

[ Sorry kung nagising kita bunso ahh. Miss ko na kasi kayo ng kuya mo. Kumusta naman pala sa bago mong school? ] sabi ni Dad. I yawned and composed myself.

'Well kung alam niyo lang kung gaano ka baliw ang mga tao ngayon.'

"Hmm.. okay naman po Dad." tipid kong sagot kay Dad. Honestly, wala akong ma-share sa kanya. Kung magtatanong din lang naman siya tungkol sa mga bago kong friends, well I'm afraid they're just my acquaintances.

"Really? Well I guess everything is fine. Pasensya na kung sa ganitong oras ako tumawag anak ha. Umaga kasi dito hahaha akala ko katulad lang diyan." sabi ni Dad habang tumatawa.

Napangiti ako sabay facepalm. Si Dad talaga oh. Napabuntong-hininga nalang ako at tila nawala yata ang antok ko. I spend time talking on the phone with Dad the whole time. Hindi ko namalayang umaga na pala kaya nagdecide si Dad na tawagan nalang niya kami kapag hindi na busy. Atleast Dad never forgets me even if he's busy.

Naligo na ako at nagbihis. Bumaba din para magbreakfast. Hindi pa pala bumaba si Kuya kasi usually siya ang nauunang kumain.

"Maaga po yata ang bunso namin." sabi ni Yaya habang nilalatad ang pagkain sa mesa.

"Napaaga lang po dahil kay Dad. He called me late at night." sabi ko kay yaya. Ngumiti siya at sinuklayan ang buhok ko. Sinusuklayan lang ako ni Yaya kapag wala si Kuya sa paligid. Ayaw niya kasing sinusuklayan ako ng ibang tao dahil para daw akong bata. Maliit lang ang dahilan para sakin. Sa kanya naman ay malaki na. Ayokong inaasar ako na para bang bata ako sa paningin niya. Medyo bipolar si kuya sakin depende sa mood niya.

The Day We Fall in LoveWhere stories live. Discover now