Chapter 5

8 0 0
                                    

Chapter 5

PRINCEILO's POV

Pagkatapos ng aming afternoon class ay lumabas na ako para antayin si kuya. Kinabukasan nakita ko nalang si kuya at Prince sa bench kaya nagtago muna ako para hindi ako makita.

"Pumunta ka sa bahay mamaya Prince kailangan nating magplano." sabi ni kuya habang kumakain ng bubble gum. Si Prince naman napa-cross arms habang nakikinig kay kuya at anong plano ang kanilang pinag-uusapan.

"Sige pero kailangan ko munang umuwi para mag-ayos." ngiti niyang sabi sabay gulo sa buhok. Nagshakehands sila ni Kuya at nagtawanan. Ano na naman bang nakakatawa? Habang pinapanood silang dalawa may biglang kumablit sa likuran ko. Paglingon ko nagulat ako dahil si Carl at Keith ay nandito! They're waving their eyebrows. Akala nila may balak akong masama.

"Boss! Yong cute sister mo nga pala nandito na!" sumigaw pa siya ng malakas kaya napapikit nalang ako sa takot at baka malaman ni kuya na nakikinig ako.

Nakita kong nag-ayos sila sa sarili nang lumapit ako sa kanila. May tinatago yata to.

"A-andyan ka na pala. Hindi ka man lang nagsabi. Nakakatakot ka pala manang." kalmadong sabi ni kuya sakin sabay evil smirk. Wow ha! Manang talaga?! Sumusobra nato eh!

"Ah ganoon. Kailangan ko pa bang bumalik sa kinatatayuan ko para ipaalam sa iyo na 'kuya andito na ako tara? Uwi na tayo? Alis na tayo okay?' Ganun ba ha?" inis kong sabi sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay. Narinig ko nalang na pilit na tumawa sina Carl at Keith. Si Prince naman ngumiti lang sakin kaya napayuko ako.

Ano ba ito, nahihiya na ako.

"Wow ha! Pinahiya mo pa ako Ceilo at sa harap ng mga tropa ko pa." inis na sabi ni kuya habang napahawak sa kamao niya. Biglang hinawakan ni Prince ang balikat ni Kuya at nagtataka pa.

"So you're going to punch her because of that?" seryosong sabi ni Prince at nagulat sina Carl at Keith pati ako. Nakikialam pa siya sa away-magkapatid.

Naging seryoso ang mukha ko sa kanya.

"What? Hindi ah. Masakit lang ang kamay ko. Anong susuntukin? Susuntukin ko lang to kapag gumawa to mali." inalis niya ang pagkakahawak ni Prince. Prince put his hands inside his pockets.

"Ah ganun ba? Sige mauna na ako mga dude mag-aayos na ako." paalam ni Prince sa kanila at nang palapit siya sakin, kumindat lang siya at umalis.

Kinindatan na naman niya ako. Ano bang meron at napaka-bipolar pa!  Hindi ko na siya nilingon dahil wala akong pakialam sa kanya. Ngumisi si kuya sakin at akala niya na may gusto ako kay Prince.

"Oh bakit? Anong tinitingin mo?" galit kong sabi sabay irap sa kanya. Tumawa naman siya at malakas pa. Ano bang nakakatawa sakin?

"Wala! Tara na nga!" sabi niya at umalis na siya kasabay sina Carl at Keith. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Bakit ba kasi pinalipat ako ng parents ko dito kung nandito ang kuya kong ermitanyo! Hmmph! Bahala na nga.

Pagdating namin sa bahay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko at nagpahinga. Nakatulog na naman ako ni hindi nakapagpalit ng damit. Naligo ako para masarap sa pakiramdam at nagbihis.

"Ceilo? Kumain ka na daw sabi ng kuya mo." sabi ni yaya sa labas ng kwarto ko.

"Susunod nalang po ako." sabi ko naman sa kanya. Mabuti at alam niya ang kanyang responsibilidad sa akin. Bumaba na ako kaya lang napatigil ako. I forgot na pupunta pala siya dito.

"Goodevening Princeilo." bati niya nang nakangiti. Sasabay ba siya sa amin mag-dinner? Si kuya naman parang demonyo kung tignan.

"Wag kang ganyan inimbita ko siya. Umupo ka na at kumain." seryosong utos ni kuya sakin kaya umupo nalang ako nang hindi tumitingin sa kanila. Nasa harap ko si Prince ngayon sa hapag-kainan kasama namin. Nagsimula na akong kumain. Napakatahimik lang namin kumain. Hindi ko maiwasang tignan ang taong nasa harapan ko. Nagtama naman ang aming mga mata agad akong umiwas kaya naluwa ko yong pagkain sa mukha ni kuya. I'm dead.

The Day We Fall in LoveWhere stories live. Discover now