Chapter 23
PRINCE's POV
Umaga pa lang pagpasok ko sa school, may karambulan na ako. Parati kasi akong natatamaan ng bola eh, hindi naman nagso-sorry sa akin. Hindi pa alam ng lahat na kami ang may-ari ng school. Iilan lang ang pinapaalam ko. Baka lilipat ng ibang school ang mga estudyanteng takot sakin. Alam kong troublemaker ako pero mabait naman ako at gentleman.
"Oh! Ano! Aawat pa kayo?!" sigaw ko sa kasuntukan ko. Natumba silang lahat dahil sakin. Mahihina pala itong mga hayop na to eh! Sila pa ngang nagpasimuno ng suntukan eh sila naman pala ang mahihina. Hahh! Galing ko naman.
"Halimaw ka talaga Prince Keer!!" galit na sabi ng isang duguang player. Nakahandusay siya ngayon kaya nilapitan ko siya at kinuha ang kwelyo niya.
"Troublemaker lang hindi halimaw." mahina kong sabi sa kanya. Binitawan ko siya at nagsimulang maglakad papalayo sa kanila. I clenched my fists and cracked my neck.
"Ang ganda ng warm-up ko kanina." ngiti kong sabi habang nagwhi-whistle. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likuran ng ulo ko habang tumitingin-tingin sa paligid.
May hinahanap ang mata ko...
Nagtungo ako malapit sa bintana ng classroom namin. Nakita ko siya na nagbabasa ng libro. Dahan-dahan akong lumapit doon at ginulat siya.
"Bulaga!!" sigaw ko. Nagulat naman siya at bumaling sa kanyang libro.
"Ano bang ginagawa mo dito?!" inis niyang sabi sakin. Ipinatong ko ang braso ko sa bintana.
"Classroom ko din to no." sabi ko. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Pumasok ka na nga lang. Gamitin mo yong pin--" umakyat ako sa bintana at pumasok sa loob. She rolled her eyes then.
"Hmph! Whatever." she returned to her book.
Pinatong ko ang dalawa kong paa sa mesa ko at sumandal sa upuan nakatingin sa kisame. I could smell the fragrance of her hair kahit malayo lang.
Kakatapos lang ng exam. Nagbabasa naman siya.
Bigla kong hinablot ang libro niya at nagulat naman siya. Sinamaan niya ako ng tingin at nginiwian ko siya.
"Ibigay mo nga sakin yan!" inis niyang sabi sakin.
"Kakatapos lang ng exam ah. Magbabasa ka na naman?!" sabi ko sa kanya.
Bigla niya akong sinuntok kaya natumba ako sa upuan ko. Kinuha niya ang libro at tumayo para umalis.
"Ang lakas mo ahh." sabi ko habang hinihimas-himas ang pisngi ko. Namumula na nga yata dahil sa hapdi.
******
Sinundan ko siya sa library nang hindi niya nalalaman. Sa tuwing lilingon siya sa likod agad naman akong nakatago sa book shelves. Stalker na kung stalker.
She was searching for a book and she wasn't able to find it. Pumunta siya sa kabilang shelf at nagpatuloy sa paghahanap. Hanggang tumigil ang kanyang kamay sa paghanap, bigla nalang siyang napangiti dahil natagpuan na niya ang libro.
Now my heart started to beat..
Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa may dulo. Ako naman ay kumuha ng libro at tinakip saking mukha. Umupo ako sa may bakanteng upuan nang hindi niya napapansin.
Ang hirap palang maging stalker.
Ilang oras din akong nagmamasid sa kanya. Mukhang nag-eenjoy siya sa kanyang binabasa.
YOU ARE READING
The Day We Fall in Love
Teen FictionIt's a story that focuses on the relationship between Princeilo Palisada, who has absolutely no interests except in studying and her plans for the future, and a boy named Prince Keer Gonzales, who sits next to Princeilo/ Ceilo in class but rarely at...