Chapter 31

13 0 0
                                    

Chapter 31

KEITH's POV (Special Chapter)

Matapos ang 1 week suspension ko, nakabalik na rin ako sa school. Pambihira nga naman, na-suspense ulit ako nang dahil lang sa kanya. I admit na may chickboy side ako pero natamaan ako sa isang weirdong babaeng kagaya niya. Alam niyo na kung sino siya.

I kissed her in the cheeks and accidentally caught by a teacher. Akala lang ng guro na may ginagawa kaming masama. Hindi ko nga alam kung bakit  bigla ko nalang siyang hinalikan, nadamay pa tuloy siya sa kalokohan ko. Hehehehe sorry kiks.

*flashback*

Habang nasa classroom ako kasama nina Peter at Carl, naglolokohan kami tungkol sa mga babae. Minsan nagkukwento kami sa mga babaeng napagtripan namin.

"Ang kapal ng mukha mo dude! Kahit sinampal ka na, hinalikan mo pa! Hahha!" hirit ni Carl habang umiinom ng root beer.
Nagthumbs-up ako dahil para sakin ang galing ko pala.

"Ang galing ko di ba?!" payabang ko. Lumingon naman si Peter ng seryoso samin.

"Galing mo nga naman dude pero ang tanong..." tinapik niya ang ulo ko kaya napalunok ako nang hindi oras. ".... masakit ang pagkakasampal diba?" tumawa naman si Carl ng malakas at nag-appear pa silang dalawa. Teka teka! Pinagtatawanan ba nila ako?!

"Oi! Ang yabang niyo naman mga dudes! Akala niyo madali lang masampal? Mabuti nga't nakahanap ako ng paraan para matakpan ang pagkakasampal ko!" depensa ko naman. Nagkatinginan silang dalawa at tumango-tango pa.

Palibhasa kasi mga takutin kayo hahaha..

"Mukhang hindi palaban si Keith dude. May naisip ka bang ipagawa kay Keith?" sabi ni Carl. Napatingin naman ako kay Peter dahil alam kong may iniisip na naman ang topak na to. Napahawak siya sa kanyang baba at nag-iisip ng something. Nakatingin siya sa likod ko kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nilakihan niya ang kanyang mata at mukhang may ideya siya.

"Bakit?" tanong ko.

*****

Paglabas ko ng room, rinig kong pinagtatawanan nila ako. Mga matatakutin talaga! Akala nila hindi ko kaya ang pinapagawa nila sakin. Sorry pero I'm Keith, the ultimate brave hunk.

Nakita ko siyang papunta sa library kaya pumasok din ako doon. Kumuha siya ng libro at umupo sa dulo samantalang ako, parang stalker lang. Wait! I'm not stalking her okay? Pinapagawa kasi sakin kaya dapat kong patunayan sa kanila na kaya ko.

Pero ang tanong, magagawa ko nga kaya?

Di bale na nga! Teka! Hindi naman siya nagbabasa ng libro. Natutulog nga eh! She came her just to sleep?!

Kaya ang ginawa ko, lumapit nalang ako.
Mukhang hindi talaga siya nagbabasa ng libro. Hindi pa niya kasi nabuksan sa unang pahina. Tamad ka ba kiks? Pero dapat kapag nagawa ko na ang pinapagawa nila sakin, tatakbo ako ng mabilis para hindi niya malalaman. Eh kung sabihin ko nalang kaya na nagawa ko na. Kaya lang parang nandaya lang ang ginawa ko.

Minamasdan ko lang siyang natutulog. Pero habang tumatagal mas lalo lang akong nagaganahang tumitig sa kanya. Ang lakas pala ng hilik nito.

"Ang cute mo pala kapag natutulog ka." bulong ko naman. Medyo natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha. Kaya dahan-dahan kong hinawi ito sa tenga niya. She moaned when I accidentally touched her cheeks.

"Oh no!" nataranta ako kaya nagtago muna ako mesa at mukhang nagising ko yata. Ilang segundo lang sinilip ko ulit siya.

"Hindi ka pala gising. Pambihira. Pinakaba mo ako." unti-unti akong umahon at nilapit ang mukha ko sa kanya. Di joke lang! Tinignan ko muna kung may mga tao sa paligid bago ko gawim yon. Pero sa pagkakaalam ko, walang tao dito ang nagpupunta maliban lang sa mga gustong makatulog.

"Mukhang walang ibang tao dito maliban satin."  kaya dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa cheek niya at hinalikan ito. Biglang dumilat ang kanyang mata kaya ganun rin ako.

"MR. FUENTES AT MS. FAJARDO?!! IN MY OFFICE NOW!!" oh no! Now we're caught.

We were suspended pero kalahating araw ng suspension kay Akiko dahil nakatulog lang siya at 1 week sakin. Grounded nga ako kaya tiniis ko nalang. Nang bisitahin ako nina Peter, binatukan ko agad sina Carl at Peter. Nilapitan ko kaagad si Prince at kinuwentuhan kaagad. Hindi ko kasi namalayang sa paghalik ko lang kay Akiko, nahulog na pala ang loob ko.

*end of flashback*

Kaya nga kailangan kong mag-apologize kay Akiko dala nitong mga bulaklak para sa kanya. Teka saan kaya siya ngayon?

Pinuntahan ko doon sa classroom nila. Medyo may mga babaeng tumitili nang dumaan ako. Sorry girls pero hindi kayo ang sadya ko rito. Nang nasa harap na ako ng room nila, tinawag ko muna si Prince.

"Dude! Tulungan mo ako!" bungad ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako.

"Hayop ka pala dude! Mabuti naman at natapos na rin ang suspension mo hahaha!" pinagtatawanan talaga ako ng ugok na to.

"Pwede ba kalimutan mo na ang nangyari?!" tumingin-tingin pa ako sa paligid. "Para sakin ba yang mga bulaklak?" ani niya. Humindi ako at tinur-turo ang nasa loob. Prince was a little bit confused kaya binulong ko lang sa kanya.

Nakuha rin naman niya ang binulong ko at nagsimula nang humakbang para tawagin siya. Ako naman, inayos-ayos ko na ang sarili ko. I cleared my throat.

"Aham.. Aham.. Ms. Akiko? Sorry for being--" teka hindi man lang ako nakapagpractice. " Naku! Ano bang introduction ko?" kinakabahan tuloy ako sa sasabihin ko. Naku! Naku! Papalapit na siya!

Nang malapit na siya hindi ko maiwasang macutan sa kanya. Eh ang cute cute niya! Aaminin ko cute si Ceilo pero MAS si Akiko.
Tinaasan niya ako ng kilay at napacross-arms sakin.

"What do you want?!" pagtataray niya sakin. Napalunok ako at ngumisi nalang. Nanginginig  pati tuhod ko.

"Amm.. Kiks? Gu--"

"Anong kiks?! Akiko ang pangalan ko hindi kiks!" binatukan niya ako at nagwalk-out. Nalaglag tuloy ang panga ko.

"Teka.. Nagwalk-out? Hindi man lang ako pinakinggan? Hindi pa nga ako nakapagsimula." hinayang ko. Lumungkot yong mukha ko at pinagtawanan pa ako ni Prince.

"Hahahaha! Paano ba yan dude? May dala ka ngang bulaklak pero hindi ka pa nga pinakinggan. Ano na ang gagawin mo?" sabi niya. Bigla akong nabuhayan nang dahil sa determinado akong mapalapit sa kanya.

"Hahaah! Simula pa lang to Prince! Marami pang araw na mapapalapit sa kanya! Basta't magtiwala lang sa sarili!" protesta ko at umalis. Nang malayo na ako sa room nila, tinignan ko lang ang bulaklak na dala ko.

"Paano na yan? Mukhang hate ako ni Kiks" huminga ako ng malalim at tinapon ang bulaklak sa basurahan. Naglakad nalang ako with both hands in my pocket.

Weird ka nga, gusto pa rin kita.

To be continued...

The Day We Fall in LoveWhere stories live. Discover now