Chapter 36

8 0 0
                                    

Chapter 36

THIRD PERSON's POV

Sa isang coffee shop umiinom ng kape si Akiko. Half-day ang klase nila ngayon kaya nagpunta siya dito. Nakiki-wifi lang naman siya dito sapagkat ang wifi sa school ay na-freeze due to unknown reason na hindi niya inalam.

"Sana kasabay ko si Ceilo ngayon. Minsan kasi naiinis siya sa tuwing ginugulo siya." panghihinayang niya kaya uminom nalang siya ng kape. Ilang minuto, tumayo siya at nagpunta sa CR.

"Oi Dude! Bibili muna ako ng kape. Ikaw ano gusto mo?" sabi ni Keith habang nagpapark sa kanyang kotse.

"Babae nalang para masaya." biro naman ni Carl.  " Ha.ha.ha.ha! Diyan ka na nga!" sabi niya sabay labas  at pumasok sa loob ng coffee shop.

Keith entered the shop and went to the counter. Nginitian niya ang cashier at tumitingin sa menu.

"Goodmorning Sir Keith, ano po bang kape ang gusto niyo?" sabi ng cashier sa kanya.

"Hmm.. Just give me Machiatto, Sophie." sagot naman niya. Tumango naman ang cashier kay Keith.

"Right away sir. Please take a seat sir." sabi ni Sophie. Pumwesto naman siya at umupo. Saktung-sakto at lumabas galing CR si Akiko at hindi nakita si Keith.

"Si Kiks yon ah." sabi niya. Nakapony-tail hair si Akiko dahil mainit ang panahon. Nakakurba ang labi ni Keith at inayos-ayos ang sarili.

"Destiny na ang makakapagsabi." payabang niya at lumapit kay Akiko.

"Hmmm.." pahumming-humming ni Akiko. Nagulat siya nang biglang umupo sa harap si Keith sa kanya.

"Hi Kiks. Anong ginagawa mo dito?" pa-astig astig na boses ni Keith. Tinaasan niya lang ito ng kilay at nginiwian.

"Obvious ba?! Bumiibili ng kape at umiinom! Eh ikaw?! Anong ginagawa mo dito?!" sarkastikong sabi niya. Ngumiti lang si Keith at pinatong ang ulo sa kanyang kamay. Huminga siya ng malalim at pinagmasdan lang si Akiko.

"DESTINY talaga tayo Kiks. Akalain mo, dito ka pa napadpad." malambing niyang sabi kay Akiko. She just rolled her eyes at uminom lang ng kape.

"Ano bang pakialam mo? What's with you if I flew here?" tanong niya. Keith just grinned at her. Hinawakan niya ang buhok ni Akiko samantalang nakasimangot siya.

"Ano bang ginagawa mo?! Maniac ka pala eh! WAITER! WAITER!" Sigaw ni Akiko. Nagkatinginan ang mga customers sa kanila. Nabigla naman si Keith sa pagsigaw niya kaya tinakpan niya ang bibig. Lumapit naman ang isang waiter dala-dala ang tray.

"Kiks! Don't shout!" banta niya kay Akiko.

"Bakit po Maam?" tanong niya. Tinuro-turo pa ni Akiko si Keith.

"MANIAC TONG LALAKENG TO! HINAWAKAN NIYA ANG MAGANDA KONG  BUHOK! HURRY TUMAWAG KAYO NG PULIS!" banta niya. Parang hindi makapagsalita ang waiter dahil ngumisi lang si Keith sa kanya .

"Sorry Maam pero...--"

"Anong pero?!" tanong niya.

"Si.. Si Sir Keith po kasi ang may-ari nitong coffee shop. Kung magsusumbong po ako ng walang sapat na ebidensiya baka mawawalan ako ng trabaho kaya pasensya na po Maam." sabi ng Waiter.

Nanlaki naman ang mata ni Akiko. Napatingin siya kay Keith na sobrang kalmado lang. Pinabalik ni Keith ang waiter para magpatuloy sa work.

" Oh ano? Tama siya, wala kang sapat na ebidensiya para isumbong ako. Ano naman ang isusumbong mo? Na hinawakan ko ang buhok mo? Sa totoo lang ginawa ko yon dahil maganda naman talaga kasi ang buhok mo. Dinaan ko lang sa moves. Feel mo naman may gagawin  akong masama sayo." paliwanag ni Keith. Biglang sumama ang tingin ni Akiko. Tumayo siya at nagwalk-out. Nakaramdam ng konsensya si Keith kaya hinabol niya ito sa labas.

"Kiks! Wait up!"tawag niya pero hindi nakinig si Akiko. Naglakad siya ng mabilis para hindi siya mahabol ni Keith.

"Kiks! Sorry na! Wait up!" hinabol pa rin niya ito. Napahinto si Akiko at lumingon kay Keith. "Sorry na! Hindi ko sinasadya!" sigaw niya. Napangiti si Akiko pero agad niya itong nginiwian at nagpatuloy sa paglalakad. Nainis ng kaunti si Keith kaya sinundan pa rin niya ito. Sigaw pa rin ng sigaw si Keith kay Akiko kaya lang ayaw talagang makinig. Dumaan sila sa gitna ng kalsada.

"Akiko! Kausapin mo ako! Oo na! Mali na ako!! Sorry kung napahiya kita!  Ginawa ko lang yon dahil--" sigaw ni Keith. Huminto naman si Akiko at napacross-arms.

"Hmph! Dapat lang sa--" bigla siyang nakarinig ng malakas na pag-ingay. Paglingon niya, sumigaw siya at nagulat.

"KEITH?!!" sigaw niya. May mga luha ang namumuo sa kanyang mga mata.

Nasagaan si Keith.

To be continued...

The Day We Fall in LoveWhere stories live. Discover now