Chapter 29

8 0 0
                                    

Chapter 29

PRINCE's POV

"Yon na nga eh! Ayaw niya akong pansinin! Ano pa ba ang dapat kong gawin Peter?!" reklamo ko sa kanya.

Tumira siya tapos lumipat sa ibang puwesto.

"Ano ba kasing nagawa mo?" tanong niya. Napakalmot ako ng ulo at inaalala ang mga gabing yon.

"Wala naman akong ginawang masama sa kanya! " depensa ko. Niyakap ko lang siya ng napakahigpit.

"Really? Wala?!" tanong pa niya.

"Pero niyakap ko siya at sinabing 'Mahal ko siya'" nakatingin lang ako sa sahig. Biglang tumigil sa paglalaro si Peter at humarap sakin.

"Talaga? Nagawa mo na pala ang sinabi ko sayo?! Ba't di ka nagsabi kaagad!" masaya pa siya kaysa sakin. Nakalimutan ko yata yon. Yon pala ang utos niya sakin na nakalimutan kong ipaalala pero nagawa ko.

"I fell in love with your sister and I don't know what to do to win her heart." teka saan ko ba nakuha ang linyang yon? Teka lang ahh aalamin ko muna.

Tinapik niya ang balikat ko kaya napatingin ako kay Peter.

"Kami na ang bahala." sabi niya. Napangisi ako at nag-appear kami.

By the way wala sina Keith at Carl ngayon dahil grounded. Ikaw ba kaya ang magmanehong lasing na Carl na malapit makadisgrasya at malapit nang mabaliw na Keith dahil kay Akiko. Hinalikan niya kasi sa pisngi si Akiko dahil may gusto pala siya. Nahuli kasi sa isang guro kaya pinatawag ang mga magulang. Nadamay pa tuloy si Akiko. Hindi alam ni Raul ang tungkol doon kasi pinagsabihan kong wag nilang sabihin.

*****

Sabado ngayon. Walang pasok. Naglaro kami ng...

"Paper!! Hahahaha! Panalo ako!!" by the way bato-bato pick ang nilalaro namin ngayon. Nasa bahay kami ni Keith dahil gusto namin siyang bisitahin.

"Ikaw talaga Prince! King of tricky ka kasi!" sigaw ni Carl. Pinakiusapan namin ang magulang niya na palabasin na siya at hindi na mauulit pa ang ginawa niyang paglalasing.

"Dapat lang no! Kung hari ka eh di hari ka talaga sa mga kalokohan!" payabang na sabi ko sa kanya.Tumawa kami ng nakakaloko ni Carl.

Napansin kong hindi nagsasalita si Keith. Nasa kama lang siya nakahiga at nilalaro ang cubic niya. Paikot dito, paikot doon na alam mo talagang hindi siya marunong maglaro ng cubic. Kanina pa kasi siya naglalaro diyan.

Malalim siguro ang iniisip nito. May kinalaman kaya to kay Akiko?

"Peter! Kayo muna ni Carl ang maglaro. May aasikasuhin lang ako." sabi ko kay Peter habang nagte-text. Tumango siya at nakipagbato-bato pick kay Carl.

"Ano bang laro to?! Walang kupas! Luma na to! Modern na ngayon! Iba nalang! Tara X-box nalang tayo Carl!" narinig ko ang reklamo ni Peter.

Nilapitan ko si Keith sabay tapik sa kanyang balikat. Bumangon siya sa pagkakahiga niya at huminga ng malalim.

"May problema yata ang baliw dito." bungad ko naman. Tinaasan niya ako ng kilay at tinuloy ang paglalaro ng cubic.

"Ugh!" sambit niya. Tinignan ko lang siya ng masama. Eh kasi, hindi niya makuha ang cubic.

"Hindi lang naman ikaw ang may problema dito dude." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Ramdam kong napatigil siya sa paglalaro at lumingon sakin. "Hahaha! Akala ko ako lang, ikaw din pala!" nag-appear kaming dalawa at nagtawanan. Pinatapos niya sakin ang cubic at ako na ang nagtapos. Sa totoo lang, ngayon lang niya alam na may problema din ako?

The Day We Fall in LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora