Ashley
Nakakainis talaga 'yung Bakulaw na 'yon...akala mo naman napakagaling, akala mo ang ganda ng boses.....maganda boses niya Ashley. Ay nako basta hambog siya akala mo ipinaglihi sa aircon. Siguro 'yung Nanay niya lagi nakatapat sa aircon kaya naabsorb niya nung nasa sinapupunan pa siya.
Pagpasok ko pa lang sa kuwarto ni Greg napansin na niya na nakabusangot ang mukha ko.
" Oy Beks....what's the meaning of that face?" Entrada agad ni Greg.
" Ay nako 'yung Bakulaw na 'yun nakakagigil. Sarap pektusan ang mukha sa sobrang hambog" angil ko. At naupo ako sa tabi niya sa kama.
" E bakit naman? Hindi kayo agad close ni papa Bryan?"
"Wala akong pakielam kung hindi kami close hindi ko siya friend. Nagkasigawan kaya kami, kaya hindi natapos 'yung practice" reklamo ko. Buwisit talaga siya akala niya kung sino makasigaw.
" Ay nako Beks....para lumamig na yang ulo mo, halika na bumaba na tayo nagluto si Mommy ng favorite mo. Hinintay lang kita" agad naman nagbago agad ang mood ko. Sino ba naman hindi, favorite ko ang niluto....ang dinuguan at malamang na may kasamang puto 'yun. Waaaahhhhh....hindi na ako makapaghintay. The best pa naman magluto si tita Giselle non, kaya kapag nandito ako lagi ko nirerequest iyon sakanya.
"Halika na Beks natatakam na ako" hinila ko na si Beks sa braso at bumaba na kami.
"Grabe ka naman manghila parang puputulin mo na ang braso ko. Kahit kelan ka talaga masiba ka..Ouch..." reklamo ni Greg.
"Wag kang OA Gregorio..."
"Yakness naman ang tawag mo sakin. Mas ok na nga ako sa Greg e,dinugtungan mo pa" natawa naman ako. Natawa narin siya. Habang pababa kami sa hagdan nakita ko si Bakulaw na nakatingin samin, inirapan ko siya. Leche siya...ang yabang niya kanina. Kumakain sila ng dinuguan at puto. Buti kumakain sila non.May mga kakilala akong mayaman na hindi alam ang dinuguan.
Dumiretso kami ni Greg sa may kusina para makakuha ng merienda. At naupo na kami sa lamesa. Sa kabilang dulo kami naupo ni Greg dahil ayoko dumikit kina kuya George baka magsigawan uli kami ni Bakulaw. Medyo katapat ko si Bakulaw kaya naman kitang kita ko kung pano siya sumubo...hahaha. Ayaw niya ng dinuguan,kung makasubo akala mo uubusan at wala ng bukas.
Habang nagkuwekwentuhan sila Bakulaw napansin ko na may itim sa ngipin niya. Natawa naman ako hindi siya aware na may sumabit na dugo sa ngipin niya. Hindi naman napapansin nila kuya George kasi mga nakatungo ito. Si Bakulaw kasi ang kwento ng kwento.
"Oy Beks anong nakakatawa? May nakakatawa ba sa pagkain ng dinuguan?" Puna ni Beks sa akin
"Gaga,masama na ba tumawa? E sa natatawa ako.." tapos nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at binulong ko sakanya kung bakit ako natatawa
"Alam mo Beks ang hard mo kay papa Bryan" bulong ni Greg. Tumingin ulit ako, natawa ulet ako para kasing may bulok na ngipin si Bakulaw. Napansin ko naman na napatingin sila sa amin ni Greg dahil nalakasan namin ang pagtawa.
"Beks baka may salamin ka diyan? Ipahiram mo sakanila. Ang dinuguan hindi ginagawang brace" at tumawa ako sabay turo ko kina kuya George. Nagtakang tumingin naman samin sila. Kinuha na ni Greg ang maliit na salamin na nakalagay sa sala at inabot kay kuya George.
Tiniganan naman ni kuya George ang ngipin niya. "Wala namang iba sa ngipin ko" sabi ni kuya George. Nagets agad naman ni kuya George ang ibig kong sabihin. At inabot niya kay Marky ang salamin.
"Wala din sa akin" Ayon kay Marky. Napansin ko si Bakulaw kain parin ng kain. Inabot naman ni Marky kay kuya Angelo ang salamin. Umiling lang ito. Sabay-sabay naman sila napatingin kay Bakulaw na eksakto naman na tumingin din sakanila. At inabot ni Angelo ang salamin kay Bakulaw.
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...