Bryan
Sarap pagtripan ni tigre...mukhang maaliw ako sakanya. I want to laugh at her because of her reaction was so priceless. She is scared to me. Well kailangan ko lagi siyang takutin para mapasunod ko siya sa mga plano ko.
Naisipan ko talaga na matulog sa tabi niya kasi....ewan ko...hindi ko alam kusang gumalaw ang katawan ko na dumikit sakanya. Parang magnet ba na kusa kang hihilahin. Parang ganon yung naramdaman ko kanina...pero bakit? Nagtaka din ako sa sarili ko...eh basta inantok nalang ako kanina tapos don na ko inabot. Bryan pwede ka naman magpunta sa kwarto mo...gusto ko kasi siyang pagtripan...gusto ko kasi malaman ang magiging reaksyon niya kapag may katabi siyang iba sa higaan. Nasabi kasi ni George na huwag ko daw tabihan kasi hindi ito sanay na may ibang katabi lalo na lalaki. Bukod sa kuya niya at kay Greg lang siya sanay tumabi. Wait...why am I explaining myself...wala lang naman yon. Gusto ko lang siyang pagtripan...tapos...yun lang
Basta kailangan ko makaisip ng mga gagawin ko para hindi na ako kulitin ni Zandra. Isa lang naman ang plano ko eh...maialis na ni Zandra ang atensyon niya sakin. Kaya gagawa ako ng hakbang para magalit siya sakin at tigilan na niya ako.
Marky called me that Zandra is begging to him. Gusto niya na tulungan siya ni Marky para magkaayos kami. And I won't allow that...kasalanan niya kaya kami naghiwalay at wala na akong nararamdaman na pagmamahal sakanya. Kinalimutan ko na ang past namin. Gusto ko lang ipakita sakanya ngayon kung gaano ako kahalaga para iwan niya at saktan niya.
Pagkatapos kong pagtripan si tigre ay natulog na ko sa kwarto ko. Si tigre naman nandon sa sala. Pinabayaan ko na siya don kasi hindi naman siya susunod sakin kung sakaling palipatin ko siya sa kuwarto ko.
After 4 hours.....
"What the....lintik na cellphone na yan tunog ng tunog.." kaasar...napabangon tuloy ako ng di oras dahil sa ingay ng cellphone ko. Pagtingin ko sa oras ay 8 o'clock na, 7 o'clock ang usapan namin para magpraktis pa kami kahit 1hour. Medyo malayo kasi ang resort na pupuntahan namin. Pagtingin ko si Angelo ang tumatawag.
"Bakit" sagot ko
"Hoy Bry tanghali na...anong bakit ka diyan diba usapan 7 dapat nakina George na...don't tell me napuyat ka, napuyat ka dahil kay Ashley. Nako patay ka kay George niyan" huh? Anong pinagsasabi nito. Baliw talaga to. Malamang nasabi na ni George na dito natulog si tigre.
"What are you talking about? Napasarap lang ako ng tulog. Nga pala magprapraktis pa ba?" iba ko ng usapan. Baka mabwisit lang ako sa mga sasabihi nito ang aga aga pa.
"Hindi na daw nakakahiya naman daw sayo baka makaistorbo lang kami sa inyo" at tumawa ng malakas. Nangaasar pa to. " Sige na magayos na kayo at aalis na tayo. Papunta na kami nila Marky and George diyan" baliw talaga to si Angelo kung ano ano pinagsasabi. Para naman may nangyari samin ni Ashley. Eh di yari ako kay George...hindi naman ganon ang nangyari pero para sakin ayos yung nangyari kanina...hahaha, kasi makita ko lang mainis si tigre ayos na ko. Ang sarap bwisitin eh..parang ang sarap sa pakiramdam na inisin siya.
" Hoy Angelo kung ano man yang iniisip mo pwede tigilan mo na. Isipin mo nalang si Kareen na malapit nang umalis...kawawa ka naman iiwan ka niya...hahaha" buti nalang naisip ko yon..kapag nababanggit kasi ang pagalis ni Kareen nageemo yan eh.
"Hoy para sabihin ko sayo ok na ko kahit umalis siya, tanggap ko na. Huwag mong ibahin ang usapan. Tsaka may usapan na kami. Kaya ikaw magingat ka sa mga gagawin mo sa plano mo..huwag mong pahirapan si Ashley dahil kanina pa hindi mapakali si George. Nakailang tawag siya sayo" naku dapat pala hindi nalang si tigre ang pinagpanggap ko. Wala na eh nandito na to...ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni George dahil parang kapatid ko na din siya...kahit si Angelo at Marky, kahit si Kareen. Napalapit na sila sakin kaya I promise that I will never hurt tigre no matter what happen between us.
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...