Chapter 17

24 2 0
                                    

Ashley

Pauwi na ako galing sa cafe', pinapasok ako ni ate Georgina ng maaga dahil may sakit ang isa kong kasamahan. Pagkapasok ko pa lang sa gate nila Greg tumambad sakin ang tatlong sasakyan...alam ko dalawa lang sasakyan nila Greg. Pero dapat wala dito kasi ung Fortuner nila gamit nila tito at tita umalis sila kaninang umaga. Tapos ung isang kotse naman ay na kay ate Georgina kasi ung kotse niya ay pinapagawa.

"Daming sasakyan beks ah.."eksaktong kalalabas lang ng baklita. At full pack nanaman ang muk-up(make up) nito. Hindi siya masyadong prepared sa mga bisita nila.

"Ano ka ba nandiyan sila papa Bryan, asusual nagprapractice. Tutugtog ata sila sa birthday ng pinsan ni Papa Bryan bukas" paliwanag naman ni Greg.

"Kaya pala nagmumura yang foundation sa mukha mo? Mamahagi ka naman baka nabibigatan ka na...hahaha"

"Friend wag kang hard..ipahid ko sayo to e para magmukha ka namang tunay na babae...ay babae ka na pala kasi may crush ka na e..ayiii" panunukso ni Greg.

"Huwag kang maingay gaga ka..baka may makarinig" lumapit sakin si Greg, inalagay niya ang kanang kamay niya sa ulo ko tapos ung kaliwang kamay naman niya itinaas niya sabay sabing..

"Lord ano po ang nangyayari sa babaeng ito
..umalis ka diyan masamang espirtu..." baliw lang talaga tong baklita na to sumigaw ba naman.

"Hala siya loka loka lang..hindi pa pwede magka-crush?hmmmppp.....Alin kaya dito ang chikot ni baku?"mapagtripan na nga lang kotse ni baku. Huwag ko na intindihin si beks para magawa ko na ag naisip kong plano..

"Sinong baku beks? At ano yung baku?"takang tanong ni beks

"Baku..short for bakulaw. Sino pa ba ang mukhang bakulaw sakanila. At sino pa ba ang masyadong kong close bwisitin?"natawa naman si Greg.

"Nakakatawa ka talaga beks. Parehas niyo lang naman pinagtitripan ang isa't isa...baka mamaya magkadevelopan kayo niyan" napatingin tuloy ako ng masama kay Greg.

"Anong magkadevelopan pinagsasabi mo diyan? Malayo mangyari yon.."

" O siya baka umusok na yang ilong mo masunog pa ako. Nakita ko si papa Bryan bumaba sa may sports na car na yan" turo ni Greg sa kulay black na chikot.

"Ang taray ni baku sa chikot niya ah..big time sina mama' at papa'. Beks..ahhmm..may lata ba kayo diyan?"nakita kong kumunot ang noo ni Greg.

"Meron..malamang nasa basurahan na, gumawa si mommy ng buko pandan kanina bago umalis. Teka anong gagawin mo sa mga lata?" nakapamewang si baklita.

"Ayos...hahaaha!(evil eye)" hindi ko na nasagot si Greg dahil nagpunta agad ako sa may kusina para hanapin ang mga lata. At para magawa ko na ang plano ko. Panigurado kapag nagawa ko to...hindi na ako isasama ni baku bukas sa birthday party ng pinsan niya. Narinig ko na tinatawag ako ni Greg pero hindi na ako lumingon..kailangan ko nang magmadali baka matapos na sila magpractice.

Mga ilang minuto ang lumipas nagawa ko na ang plano ko. Malamang uusok ang ilong non sa galit sa ginawa ko....itinali ko sa straw na pangtali ang mga lata at itinali ko sa likod ng kotse ni baku. O diba kapag umandar gagawa lang naman siya ng ingay at mabubulabog niya ang buong kabahayan sa subdivision na ito. Ang talino ko talaga..gusto ko talaga galitin yung baku na yon para hindi na ako magpanggap na girlfriend niya.

Nakaramdam ako ng gutom at inaya na si Greg na lumafang(kumain). Pumunta na kami sa kusina at kinain namin ang ginawa ni tita Giselle na buko pandan.

" The best talaga gumawa si tita ng buko pandan" saad ko kay Greg

"Naman...si mommy pa kahit anong lutuin pa o ibake niya masarap no" tama siya don..magaling magluto si tita Giselle ng kahit anong luto o gumawa ng cake o kaya cupcakes masarap talaga. Kaya minsan gustong gusto kong pumunta dito para lang matikman ang luto ni tita Giselle. Feeling ko ang taba taba ko na kasi naman napapadami ang kain ko dito.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon