Chapter 26

26 2 0
                                    

Ashley

Lumipas ang dalawang araw ng hindi kami nagkakausap ni baku. Hindi ko pinapansin si baku nang pauwi na kami galing sa resort. Siya din naman hindi niya ako kinakausap,alam kong tinitignan niya ko pero deadma lang ako. Nagtataka nga si Greg na hindi ako sumabay kay baku sa sasakyan. Sinabi ko nalang na may iba pang pupuntahan si baku eh gusto ko na magpahinga. Kahit sila kuya George alam na hindi kami ayos ni baku, at alam ko na kakausapin niya si baku.

Hindi naman ako tinanong ni Greg about kay baku nung pagdating namin sakanila, siguro gusto niya na ako ang magopen..pero nahihiya na ewan..pero siguro makwekwento ko din sakanya kapag handa na ko.

At eto ako ngayon sa mansyon. Tama sa mansyon...pinabalik ako ni madam kahapon pa,pero kanina lang umaga ako dumating. Tinext ako ni madam kung maari ay dumito muna ako kahit wala si tita Imelda. Alam niya kasi na nahihiya ako kapag wala si tita. Kaya niya ako pinabalik kasi nagsilanta na ang mga halaman niya,wala na daw kasi kumakanta kaya yung iba nalanta. Natawa nga ako sa sabi niya

"Sige na Ashley bumalik ka na dito kasi wala ng buhay ang mga halaman ko"

Kung makapagsalita si madam akala mo ako ang diwata ng mga halaman.

Kakatapos lang namin mananghalian ni Nana Rosa nang may narinig akong bumusinang sasakyan. Siguro si madam Bernice o kaya naman si sir yung asawa ni madam o kaya naman yung Bry....Bryan....shit naman bakit kapangalan pa ni baku. Bakit ba ayaw ako tantanan ni baku.

Sa totoo lang nung gabing yun hindi ako nakatulog, kapag pipikit ako mukha ni baku ang nakikita ko. Shit talaga oh..bakit ko ba siya naiisip ngayon???Ashley baka inlababo ka na sakanya. Nako malabo yan....pero bakit lagi mo siya naiisip?? pede ba magtigil ka diyan hindi mo alam sinasabi mo.

"Hoy Ashley sino kausap mo diyan?"nagulat ako sa pagtapik sa braso ko ni Nana Rosa. Siya muna ang pumalit kay tita Imelda. Shit naman...napalakas ang salita ko.

"Wala po Nana Rosa...ahhmm nagprapractice lang po ng linya para po sa school program namin. 5 days nalang po kasi pasukan na ulit" hayag ko...shit talaga..nagmumukha akong baliw nito eh!!!wait nakailang shit na ba ko?...namumuro na ko ah...bad ko naman!

"Ahhh...ganon ba akala ko kinakausap mo na sarili mo,sige Ashley maiwan na kita may bisita ata si Madam" paalam sakin ni Nana Rosa.

"Sige po Nana Rosa...ako nalang po maghuhugas nito" turo ko sa mga pinggan na ginamit namin.

Nang matapos na ko maghugas ay dumiretso ako sa likod para makapagpahinga. Tinignan ko ang cellphone ko na puro text ni Greg..sus puro beks mis na kita. Si Marky naman nangangamusta. Si ate Georgina pinapasok ako bukas sa cafe' ,opening ako, at si repaks....ay putek buhay pa pala tong tao na to, nangangamusta at nagpapasama bukas, at san naman kaya? Mareplyan nga sila isa isa....

Sending.......

Ay putek message not sent!!!!!kaasar naman hindi ko namalayan yung araw, expired na load ko.....lintik na yan makapagpaload nga. Agad akong lumabas para makapagpaload.

Bago ako makalabas ng mansyon may naanigan akong lalaki na kausap ni madam sa sala, parehas sila nakatagilid. Medyo malabo kasi may salamin na nakaharang, yun tagusan na salamin tapos malabo siya..basta ganon, kaya hindi ko makita masyado ang itsura nila. Siguro siya ang anak ni madam. Yung Bryan...ay eto nanaman ang kapangalan ni baku. Bakit ba kasi kapangalan pa eh...naisip ko nanaman yung gabing yun. Hay makalabas na nga. Aalis na ako ng bigla akong gulatin ni Nana Rosa.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon