Chapter 2

73 5 2
                                    

Ashley

Ang tagal ko ng pinagmamasdan itong bahay nakakalungkot talaga na aalis na ko dito. Lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko nandito sa bahay na ito at sa lugar na ito. Nagkaron ako ng mga kaibigan at mga kapitbahay na itinuring kang kapamilya na. Ang hirap umalis sa isang lugar kapag don ka naging masaya at don ka natutong makibagay sa mga tao kahit hindi mo sila kamag-anak. Hay nakakamis talaga dito kung hindi lang talaga ito ibebenta eh.

Nawala ang pagmumuni muni ko ng biglang may sumabunot sa buhok ko.

"Aray naman, ano ba Beks" Beks ang tawagan namin ng baklita kong bestfriend.Ginawa niya din akong bading.

"Ano nanaman iniisip mo diyan. Kanina pa kita pinagmamasdan, ang sad sad ng feslak  mo." Nakapamewang pa siya habang nagsasalita.

"Syempre naman aalis na ko sa lugar na to, ang hirap kaya umalis sa isang lugar na kinalakihan mo na" at sabay irap ko." E ikaw nga din diba nung aalis din ikaw dito iyak ka pa nga ng iyak. Ayaw mo nga bumitaw sa pagkakayakap mo sakin diba?" Dito din kasi sila dati naktira. Lumipat sila ng bahay dahil nakabili sila ng sarili nilang bahay sa isang subdivision. Lumago na kase ang business nila na coffee shop at nakapagpatayo sila ng mga branches dito sa pilipinas at sa ibang bansa. O diba san ka pa sila na umasenso.

"Beks wag mo na paalala un kakahiya ako non." Pano ba naman hindi siya nakakahiya e pagtapos niya umiyak nagkaron lang naman ng sipon ung damit ko at naisigaw ko ng malakas at pinagtinginan siya ng mga kapitbahay namin.

"Talagang wag ng maalala pa dahil nakakadiri ka non." Parehas kame natawa.

"Halika na Beks naghihintay na si kuya George sa sasakyan baka mainip un tsaka may pupuntahan pa siya."

"Kakahiya naman kay kuya George may lakad pa pala siya. Si kuya ton kasi e." Ay nako kuya ko talaga alam niyang hindi siya mahindian ni kuya George kase naman mag-bestfriend sila. Magkamuka na nga sila,joke lang. Lagi kasi sila magkasama dati.

"Ayos lang kay kuya yon hindi ka naman iba sakanya eh. O ano may ibang gamit pa bang dadalhin?" Bitbit na ni Beks ang ilang gamit ko. Umiling lang ako. At lumabas na kami ng bahay. Agad naman na sinakay ni Greg ang mga gamit ko sa sasakyan at umalis na kami.

"Beks diba sabi ng tita mo may anak na lalaki ung amo niya at guwapo daw." Tuwang tuwa si bakla. Nabanggit ko kasi sakanya na may dalawang anak ung amo ng tita ko lalaki at babae. Ung babae may sarili ng pamilya at ung lalaki naman single at nag-aaral pa.

Tinignan ko maigi ang itsura ni beks,nagsiksikan kasi kami sa front seat kaya damang dama ko ang feslak ni Beks. Sabi ko na nga ba kaya natagalan to kase nagpaganda pa eh. "Kaya pala natagalan ka sa pagsundo sakin. Mga ilang kilo ng foundation ang nilagay mo sa mukha mo? Foundation Day ba?" Narinig kong tumawa si kuya George.

"Oy kuya wag kang tumawa diyan. Hindi mo ba ko pagtatanggol. Ang hard niyo. Ikaw Beks love na love mo talaga ako no. Ang sweet mo talaga sakin." Sabay kurot sa pisngi ko.

"Araaayy..pfft..e kasi naman hindi ka masyadong prepared."

"Alam mo ba Ash 30minutes ata yan nag make-up. Sinisigawan na nga yan ni Mommy sa sobrang tagal."singit ni kuya George.

"Kuya wag mo kong bukingin. Isumbong kita kay ate Tin diyan na uminom ka kagabi. Nagtext saken hinahanap ka sabi ko tulog ka na,nakapatay kasi phone mo tawag siya ng tawag akala mo." Umirap pa ang baklita kay kuya George.

"Eto naman hindi na mabiro. Thank you little sis alam ko naman love mo si kuya eh."sabay gulo sa buhok ni Beks. Bigla tuloy ako nalungkot namis ko nanaman si kuya Ton Ton. "Ano ba kuya ang tagal kong inayos buhok ko guguluhin mo lang. O Beks what's with the sad face? Don't tell me namis  mo na agad si kuya Ton Ton? Don't worry nandito naman  kami nila ate and kuya. Tsaka hindi ka naman iba samin diba alam mo naman yon." Niyakap ako ni Beks . Ang swerte ko talaga sakanila turing nila sakin parang kapatid na din. Kahit malayo ang pamilya ko may masasabi akong may pamilya parin ako sa tabi ko. Turing ko sakanila second family ko lagi sila nandiyan pag may problema kami ni kuya.

Biglang tumigil ang sasakyan sa  malaking gate. Totoo ba itong nakikita ko mansyon ata ito. "Tapos na ba ang dramahan niyo nandito na tayo." Kumalas sa pagkakayakap si Beks. Tinext ko si tita Imelda na nandito na kami sa tapat ng gate. Maya-maya pa bumukas na ang gate. Nakita ko agad si tita Imelda at sinenyasan kami na pumasok na. Pinaandar na ni kuya George ang sasakyan at pumasok sa loob. Napanganga kami ni Beks sa laki ng bahay at ang garden ang lawak at ang sasakyan dalawa,hammer ata tong isa at ung isa BMW sila na talaga ang mayaman. Napatingin uli ako sa bahay nagkikita pa kaya mga tao don sa loob? Pumasok na kami sa mismong mansyon at napa-wow talaga kami ang lawak ng bahay at ang mga gamit ang lakas maka-sosyal. Hindi ko akalain na mayaman ang amo ni tita. Ang taas ng ceiling parang simbahan lang.

" Mayaman si mama' at papa'."bulong sakin ni Beks. Hindi ako makakibo sa ganda ng bahay. Malaki din naman bahay nila Beks pero hindi ganitong kalaki,kung titignan e parang  dalawang bahay nila Beks ito. Sinundan lang namin si tita hanggang sa makarating kami sa maid's room. Ang laki din ng kwarto ng mga kasambahay dito. Parang isang bahay din may sala,may kusina at may sarili silang kuwarto.

Inilagay na namin ang mga gamit ko sa kuwarto ni tita Imelda. Tinawag ako ni tita para daw kausapin 'yung amo niya. Hala kinakabahan naman ako baka sungitan ako pero sabi ni tita mabait daw amo niya. Nagpaalam naman sila Beks na aalis na sila. Nagpasalamat naman ako sa paghatid nila sakin.

"Nga pala Ash parang pamilyar sakin ung hammer na sasakyan sa labas. Parang nakita ko na ginamit un ng kabanda ko at kabarkada ko. Mayaman kasi din 'yun e."takang sabi ni kuya George.

"Kuya baka naman kaparehas lang. Alam mo naman mayayaman kung ano ang uso iyon ang bibilhin."singit ni Beks. Napakamot nalang sa ulo si kuya George. Tumingin naman sakin si Beks."Oy Beks bukas nga pala baka makalimutan mo na bibili tayo ng gamit para sa school. 2days nalang pasukan na." Oo nga pala sa monday na ang pasukan wala pa naman akong pera pambili kasi hindi pa ko nakaksahod.

"Sige samahan nalang kita."

"Anong samahan lang hindi ka ba bibili ng gamit mo?."tumango lang ako." Ay nako sabihin ko kay ate na pasahurin ka na. Abonohan ko muna bukas."  Sa isang coffee shop nila ako nagtatrabaho. 'Yung minamanage ng ate niya. Simula ng nag-aral ako ng college don na ako nagtrabaho para may panggastos ako sa pag-aaral ko. Ayoko kasi umasa minsan sa mga magulang ko kasi alam ko na mahirap ang buhay sa probinsya. Si kuya Ton Ton naman non nagtatrabaho siya para may panggastos kami sa bahay.

"Wag na nakakahiya ang dami ko na utang sayo."baka hindi ko na siya mabayaran sa sobrang dami na ng utang ko sakanya, lagi kasi ako nasho-short sa budget. Ibang utang ko hindi na niya pinapabayaran.

"Ano ka ba sasabihin mo nahihiya ka nanaman eto naman parang others. Sige papabayarin ko sayo to ngayon para hindi ka na mahiya."lumapad ang ngiti ko. Ayoko na talaga magpalibre sakanya sobrang nahihiya na ko. At umalis na sila.

Napabuntong hininga ako ng maalala ko na pinapatawag pala ako ni madam para makausap.Sana naman mabait talaga si madam. Baka biglang magsungit at hindi na ako tanggapin dito. Pag nagkaganon san ako titira? Wala pa kong masyadong ipon. Baka pulutin ako sa kangkungan nito. Wala pa kong ipon para sa pang paupa ng bahay kasi naggamit ni kuya sa pagkuha ng requirements niya 'yung konting naipon ko. Lord kayo na po bahala sakin.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon