Ashley
Papunta na kami ni Greg sa dagat,hanggang ngayon naasiwa parin ako sa suot kong swimsuit..hindi siya suit sakin..hahaha... Waley ang joke ko!!! Nang may makasalubong kami na dalawang lalak, nakatingin lang sila samin...umiwas kami nang malagpasan na namin sila bigla naman may nagsalita. Napalingon kami ni Greg.
"Hi miss.."napatingin pa ako sa harap ko baka hindi ako yung kinakausap nila.
"Beks kinakausap ka"saad ko kay Greg
"Hindi sakanya miss...sayo, ano nga pala name mo? "ako talaga..tumingin muna ako kay Greg, nagtaas lang siya ng kilay at medyo umiling ibig sabihin na huwag ko sila kausapin pero napangisi ako sakanya, pagtritripan ko lang naman.
"Bogart nga pala pare" inilahad ko ang kanang kamay ko. Tumingin naman sila sa kamay ko at nakipagshake hands. Gusto kong matawa sa expression ng mukha nila. Hindi nila alam kung makikipagshake hands pa sila o hindi.
"Seryoso ka? Bogart pangalan mo? Yung totoo miss" saad nung medyo long hair. Napatingin ako kay Greg, halatang pinipigilan ang pagtawa.
"Ay nako kuya...Bogart nga name niya. Hindi mo ba halata? Magkalahi kami"saad ni Greg at nagpamewang naman ako. Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Seryoso??? Sayang naman mukha kang babae tsaka ang sexy mo" saad nung kasama niya.
"Salamat sa bansang Thailand kaya naging ganito katawan ko. Sige mga kuya magswiswimming lang kami, bye" medyo iniba ko ang boses ko, nilakihan ko at nagwave naman ako sakanila. Napakunot naman sila ng noo. Pagkatalikod namin ay natawa kami ng hard. Paniwalang paniwala sila na beki ako. Ay nako wala akong panahon sakanila, mga tactic talaga ng mga lalake iisa lang. Pagkatapos ng getting to know ano na?? Magiging kayo tapos yung bigayan na ng katawan, ay nako wala pa sa isip ko mga ganon. Kaya ayoko ko muna magkaron ng karelasyon tinatamad pa ko...hahahaha!
Ang sarap ng feeling dito sa dagat,nakakarelax. Kaso medyo asiwa parin sa suot, pinahubad ba naman sakin ni Greg ang nakapatong sa swimsuit ko, yung see throw. Ang sagwa daw tignan kung may ganon pa ako. Nagfloating lang ako para makita ko ang ganda ng ulap. Habang tinitignan ko ang ulap ay may nabangga akong matigas na bagay. Napatayo ako..nagulat ako sa nakita ko. Isang guwapong nilalang. ...mali isang bakulaw pala.
"Umahon ka na diyan" utos niya
"Bakit naman ako aahon..feel na feel ko pa ang paliligo dito eh"at tumalikod na ako. Bigla naman niya ako hinila, naoff balance ako kaya bumagsak ako na paharap sakanya. Naramdaman ko naman na napatumba ako kay baku, pati siya ay natumba din. Sabay kaming bumagsak sa tubig. Nang lumubog kami sa tubig ay napadilat ako at nagulat ako na nakadilat din siya. Ang itsura namin ay nakapatong ako sa ibabaw niya. habnag hawak ang braso niya.
Parang tumigil ang oras na napatitig ako sakanya, bakit parang hindi ako makagalaw. Maya maya narealize ko ang pwesto namin, dali dali akong umiwas ng tingin at humiwalay sakanya. Inayos ko ang sarili ko at ganon din siya. Tumalikod na ako sakanya at mabilis na naglakad palayo sakanya. Kainis siya ang tahimik kong naliligo tapos manggugulo lang siya. Dinampot ko ang nakapatong sa swim suit ko sa may buhangin at sinuot ko agad, pinagpatuloy ko na ang paglakad palayo sa bakulaw na yun.
Ay si Greg nga pala. Lumingon ulit ako sa dagat, napansin kong wala si Greg. San na kaya yung baklita na yon. Nahagip naman ng mata ko si baku na naglalakad at papunta sa direksyon ko. Bwiset na bakulaw na to..nagmadali na akong lumakad palayo baka bwisitin ako lalo.
"Ash..."napatigil ako ng may tumawag sakin. Hinanap ko kung nasan siya. Isa lang naman tumatawag sakin ng pangalan na yon.
Nakita ko agad si Marky na nasa cottage, kasama sila kuya Angelo at ate Kareen. Bakit wala si kuya George at Greg? Lumapit naman agad ako sakanila.
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...