Bryan
Ang tagal naman ni George na bumalik. Tinawag niya kasi ang bestfriend ng kapatid niya.
"Bro duet kayo ni Ashley" huh? sino yun?
"Who is she? And how did you know her?" tanong ko kay Marky. Baka siya ung nakabangga ko sa cr kanina. Siya lang naman ang bagong mukha na nakita ko dito kina George e.
"Siya ung bestfriend ni Greg. Nakilala ko siya nung minsan nagpunta ako sa bar nila George. Pinakilala sakin ni George, nagpeperform na kaya siya don" I thought gay ang bestfriend ni Greg. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nalaman kong babae pala. Hirap na kung gay baka maya rapin kami dito :))
"Ahhh.."at biglang bumukas ang pintuan. Nakita ko si George na pumasok at si Angelo.
"O Angelo buti nakaabot ka. Akala ko hindi ka na makakapunta" sabi ni Marky at nag apir sila ni Marky. Kinuha na ni Angelo ang gitara niya at nagsimulang itono.
" Akala ko nga rin e....Anyways sino nga pala ang vocalist natin pansamantala ngayon?" balik tanong naman ni Angelo.
" 'Yung bestfriend muna ni Greg, si Ashley." sagot agad ni Marky.
" Ahhh si Ashley....sabi nga ni Kareen maganda daw boses non. Tsaka kung parehas lang natin siya ng school gusto ni Kareen siya nalang ang papalit sakanya e" sabat agad ni Angelo
Pssshhh...pwede ba 'yun. " If she had a beautiful voice then we can make her our vocalist but the problem is hindi siya sa High Western nagaaral. But Marky its up to you kung malulusutan mo si Dean about this" sabay tingin ko kay Marky
" Madali lang yan no... nga pala George nasan na si Ashley?" takang tanong ni Marky
"Nag cr lang..." at biglang bumukas uli ang pinto ng studio. Pumasok ang isang babae...ay hindi pala.....lalaki din pala, pano ba naman medyo malaki ang t-shirt at naka jogging pants? seriously?.... parang umaga lang. Tinignan niya kami lahat pero pag dating sa akin bigla niya akong inirapan. What is her problem?...tsss..
"Ash eto ang kopya ng lyrics ng kakantahin niyo ni Bryan, malamang alam mo yan diba. Ikaw ang unang kakanta?" tanong ni George kay Ashley.
Tinignan niya muna ang lyrics at tumango biglang tugon kay George. Tumingin ulit siya sa akin at tinaas niya ang kanang kilay niya. Laki talaga ng problema niya. Kinuha naman niya ang lyrics at pumwesto na siya sa harap ng mic.
"Oy Bryan...ok na ba ang gitara mo?" gulat kong natignan si George.
" Oo kanina pa.. Ok na ba lahat?" tanong ko sakanila
"Oo" sabay nilang sabi. Pero si Ashley hindi siya kumibo. Ay nako huwag siyang magsungit ang panget niya. Hahahaha....hindi siya panget Bryan...maganda siya.
"Bryan bakit ngumingiti ngiti ka diyan?" puna ni Angelo sa akin.
"Nothing...may naisip lang ako. Ok let's start" sabi ko.
Nagbigay na ng signal si George...at nagumpisa na kami tumugtog ng hawak naming instruments.
Ashley
'Naranasan mo na bangMawalan ng makakasama
Ako
'Sa gitna ng daanHindi malaman ang pupuntahan
Infairness naman, her voice is like an angel . Medyo parehas sila ni Kareen ng boses. Kareen is right if Ashley studying in our school, she is the one who will be our vocalist. Pero pag naalala ko ang una namin pagkikita kanina naiinis parin ako sakanya. Sino siya para tawagin akong bakulaw...ang guwapo ko naman na bakulaw. Pero naalala ko nanaman sakanya 'ung babaeng narinig ko sa mansyon, parang parehas sila ng boses at bakit parang narinig ko na talaga ang ganyang boses.
Sabay
'Huwag mag alalaHindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay iyong mahahawakan
Ako
'Naranasan mo na bangMadapa at masugatan
Ashley
'Hawakan mo ako
Hinding hindi iiwan
And then we stop......kasi nagkamali ako sa pagstrum, hindi ko alam kung bakit nagkamali ako sa pgtipa ng chords. Napansin ko nalang na humarap samin si Ashley. Sabay sabay naman nila ako tinuro na ang ibig sabihin ako ang nakamali.
"Ang ganda na e....PANIRA KA PA" sabay irap sa akin. Aba't nakasigaw agad. Grabe siya ah.
"Hoy....E ANO NGYON KUNG MAGKAMALI AKO? BAKIT HINDI BA PWEDENG MAGKAMALI? SABIT KA NA NGA LANG DITO E" diininan ko talaga ang salitang 'sabit'.
" Ay ganon....KUNG WALA AKO..............MALAMANG WALA KANG KA-DUET. AT ASHLEY ANG PANGALAN KO TANGA KA AT HINDI HOY, ANG GANDA NG BINIGAY NG NANAY KO NA PANGALAN SA AKIN TAPOS ITATAWAG MO LANG SA AKIN HOY..." narinig ko naman na nagtatawanan ag tatlo sa likod. Pinagiinit talaga niya ang ulo ko. " OO SABIT LANG AKO PAGKALAT MO PA...IKAW NAMAN BAKULAW" sabay turo niya sa akin. Sumusobra na talaga siya.. "Sige kuya George alis na ako nakakahiya naman sakanya ang lakas makabwisit ng araw e" tumalikod na siya lumabas nang studio.
Napalingon naman ako sa tatlo na nagpipigil ng tawa..
"Ilabas niyo na yan....baka kung san pa lumabas yan" sabi ko sa tatlong ugok. At sabay sabay silang tumawa ng malakas.
"Pfffttt.....hahaha..Pfffttt..You know Bry si Ashley pa lang ang pangalawang babae na nakakasigaw sayo. Mas matindi pa ata kay ate Bernice un e" natatawang saad ni Marky.
" Oo nga Bry...Tsaka si Ashley na hindi mo relative ang nakagawa non sayo. E samantalang sa school halos santuhin ka ng mga bebot don" tama si Angelo diyan. Madaming babae ang naghahabol sa akin sa school. Sa guwapo ko ba naman to...
"Nasaan na ang charisma mo pare. Hindi ka ata tumalab kay Ashley" dugtong pa ni George.
"Wala akong pakielam sa tigre na 'yun. Seriously George babae ba talaga 'yun? Parang daig pa ang lalaki kung umasta e" tigre talaga siya...akala mo manganagain sa sobrang galit e.
Natawa naman silang tatlo. " Babae 'yun si Ashley. May pagkaboyish lang talaga siya kasi kuya niya ang nakakasama niya sa bahay. Tapos puro kaibigan pa niya lalaki, ewan ko ba kay Greg bakit hindi naimpluwensiyahan ng kilos babae e. Nagkabaliktad sila" At nagtawanan kaming lahat.
" Ay nako mukhang hindi na tayo makakapagpractice nito.....let's have a break muna. Nagutom ako bigla sa inyong dalawa ni Ashley, Bryan..." saad ni George.
" Ok sige....ahhhmm kain muna tayo sa baba. May niluto ata si Mommy ng merienda. Alam niyo naman na malakas kayo sa Mommy ko" sabi ni George. Kada kami magprapractice dito hindi pwedeng wala kaming merienda na luto ni tita Giselle.
At bumaba na kami para makakain na. Pag baba namin diretso agad kami sa kusina. Amoy na amoy ang niluto ni tita na dinuguan. Actually dito lang namin natikman ni Marky ang dinuguan na may kapartner na may puto. Si Angelo din daw nang minsan siyang sinama ni Kareen dito. Dinuguan at puto ang lagi namin nirerequest kay George na lutuin ng Mommy niya dahil sobrang sarap. Sabi ni George specialty daw ng Mommy niya iyon.
Habang kumakain kami napansin ko si Tigre at Greg na bumababa ng hagdan, nagtatawanan sila. Nang mapatingin siya sa akin ay agad na umirap. Kanina pa ako iniirapan nito, gusto ko na dukutin ang mata niya.....
Asarrrrrr......
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...