Chapter 21

21 2 0
                                    

Ashley

Pagpunta namin sa sala ni Greg ay agad na nagyaya si kuya George na umalis na kami. Nagpahuli na kami ni Greg sa paglalakad at nagchikahan kami. Naikwento ko sakanya kung bakit ako tinanghali ng gising na si baku ang may kasalanan kung bakit. Kung hindi niya pa ako pinagtripan e di sana nakatulog ako agad. Si Greg naman naikwento niya na si kuya George ay parang baliw dahil hindi sinasagot ni baku ang phone niya akala na may nangyari sakin. Ayun siguro ang sasabihin niya sakin. Habang patuloy kami sa chikahan ni Greg nang tinawag ako ni baku...hindi namin namalayan na nasa parking lot na kami.

"Tigre bilisan mo naman maglakad..dito ka sa kotse ko sasakay"utos ni baku...bakit pa eh may sasakyan naman si kuya George.

"Gusto ko kasama si Greg eh" hindi ko namalayan na kasama pala si ate Kareen. Kasi kanina wala naman siya unit ni baku.

"Sige na Ashley kay Bryan ka na sumabay baka magtampo pa yan" si ate Kareen at nagtawanan ang lahat.

"Nandiyan ka pala ate Kareen...akala ko hindi ka kasama. Ay nako naman..."

"Sumunod lang ako...tinanghali kasi ako ng gising" kaya pala si kuya Angelo wagas kung makangiti...

"Ano ba tigre hindi ka ba sasakay? Huwag ka na maginarte diyan" sabat naman ni baku. Siniko siko naman ako ni Greg sabay bulong.

"Sige na beks...baka mamaya mangain na yan"sabay tingin kay Baku

Tinignan ko muna si kuya George..tumango naman ito. Habang papasakay ako ay biglang nagsalita si kuya George..

"Hoy Bryan yung pinagusapan natin ah...don't forget or else, you know what I mean" ano naman ibig sabihin non. Seryoso si kuya George na nakatingin kay baku.

"Oo na...you don't have to worry. My promise is a promise" ano ba kasi yung pinausapan nila. Parang gusto kong malaman...pero malamang hindi naman nila yun sasabihin.

Kanya kanya na kaming sakay. Si Greg syempre kay kuya George sumabay. Sayang lang at hindi kasama ang girlfriend ni kuya George kasi may mahalagang gagawin ito. Si kuya Angelo at ate Kareen ang magkasama...malamang. Si Marky ay nakisabay nalang kay kuya George. Kaya ayun si beks nagtetext sakin na kinikilig daw siya...sabi ko naman wala naman ginagawa si Marky sakanya. Ang sagot ba naman..kinikilig siya kasi kinakausap daw siya. Jusko naman ano naman kaya nakakakilig don??parang kinausap lang may kilig factor agad...pakisagot nga please

"Bakit ka nakangiti diyan" pangbasag ni baku sa pagtetext ko.

"Wala lang..." sagot ko. " eh ano naman sayo" bulong ko

"Anong sabi mo?..alam mo ikaw ang hilig mo magsalita ng mahina baka mamaya minunura mo na ko"inis na sabi niya 

"Buti alam mo" mahina kong sagot

"Huh? Pwede ba lakasan mo"

"Ahh...ehhh...sabi ko natatawa kasi ako kay Greg" pagiba ko ng usapan baka magtalo nanaman kami nito ay nako mamaya na hindi pa ako prepared sa mga oras na ito dahil medyo antok pa ko.

"Tigre mamaya galingan natin sa pagarte ah,dapat yung kapanipaniwala para tigilan na ko ni Zandra"umamo naman siya sa pagsasalita. May saltik talaga sa utak to.

"Ok....ahhhmmm baku pwedeng magtanong? Sagutin mo ng maayos ah" baka kasi walang matinong maisagot sakin to eh.

"What it is?" sabi niya

"Bakit kailangan pa natin magpanggap, kung pwede mo naman sabihin nalang sakanya na ayaw mo na sakanya diba?" napabuntong hininga siya.

" Zandra is a brat...she easily get what she wants in a snap. Kahit kapag ayaw niya sa isang bagay hindi mo na siya mapipilit. Kaya kailangan dapat lang na malaman niya na may girlfriend ako para tigilan na niya ko" paliwanag niya

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon