Chapter 34

6 1 0
                                    

Sorry ngayon lang nakakapag-update may mga nangyare lang sa mga nakalipas na taon. Pero ngayon ipagpapatuloy ko na talaga matapos,sana hindi kayo magsawa basahin ang storya na to.


Ashley

Naloloka ako kay baku ano ba naman naisip at utusan ako na kumuha ng tubig lagyan ko ng lason to eh. Ano akala niya sakin yaya niya? Talagang iniinis ako nitong bakulaw na to. Pero Ashley may iba parin naiisip yang utak mo. Kanina nasabi mo sakanya na natatkot ka, ano ibig sabihin non? Eto nanaman po yung utak ko na nangingielam eh. Malamang utak mo ako eh. Pwede ba tumigil ka na muna...naisisiraan na ata ako ng ulo eh. 

"Nako nakakagigil talaga tong bakulaw na to!!!"

"Ashley..sinong bakulaw pinagsasabi mo diyan" bigla naman ako napatingin sa likod ko si Nana Rosa, dito pa kasi ako sa may kusina. Opo sa kusina pa ako kumuha kahit pwede naman sa may labas kumuha ng tubig dahil may nagseserve naman ng tubig don. Dito ako para medyo matagal nanggigil kasi ako eh.

"Ay ano po wala po may nakita kasi ako sa labas na mukang bakulaw sa kaya nasabi ko" sagot ko

"Huh?" takang tanong ni Nana Rosa

"Ay wag niyo na po intindihin sinasabi ko Nana Rosa. Sige po labas na po ako" sabay sibat ako. Hay nakakahiya naman yun baka sabihin nababaliw na ako. Kakainis kasi tong bakulaw na to baket kasi ayaw pa tumigil eh.

Habang papunta ako sa labas sumilip muna ako kung san nakatayo si baku at nandon parin siya. Buhos ko kaya sa muka niya tong tubig ng matauhan siya, ay wag gagawa pa ako ng eksena. Eh kung kunyare napatid ako tapos sabay buhos sa damit niya or mas maganda sa muka niya. Hmmm...Ashley sama na ng ugali mo. Erase erase sa utak. Nakakaisip talaga ako ng masama ng dahil sakanya eh.

Habang papalapit ako nakita ko naman na nakangisi ang bakulaw basagin ko kaya ngipin nito ng magtanda. Hay ano ba naman pagiisip ko napakasama ko na talaga. Sorry po Lord....

"Oh eto na tubig mo sir" sabay abot naman niya.

"Don't call me sir " matigas niyang sabi.

"Eh ano po gusto mong itawag sayo? Eh anak ka ng amo ko" nako nanggigil talaga ako sa bakulaw na to umaarte nanaman.

"Call me Bryan or hon or babe" Ano daw? ano siya sineswerte?

"Ayos ka din no anNgao feeling mo jowa kita? No way! Bakulaw para mas bagay sayo. At hindi ako gagamit ng endearment sayo kahit kelan" singhal ko

"Ako talaga ginagalit mo? Gusto mo bang magsalita na talaga ako" abat nanakot pa

"Baku pwede ba tigilan mo naman na ako. Nakakasawa na paulit ulit nalang dialogue ko eh. Hindi ka ba nagsasawa sa bangayan natin? Ako na nagmamakaawa sayo na tigilan mo na ako wala naman na patutunguhan tong away natin. Kung gusto mo maging magkaibigan tayo, ayun mas okey pa siguro yun atleast hindi na tayo magaaway non." nakatitig lang siya sakin habang nagsasalita ako. Hindi ko alam ang nararamdaman niya kasi walang ekspresyon ang kanyang muka. Unti-unti siyang lumapit sakin at nang magkalapit ang aming mga muka ay agad naghumirentado ang puso ko. Ang bilis ng tibok feeling ko sasabog sa lakas ng kaba.

"Okey if that's what you want. I will give you that. But don't expect me na magiging madali sakin to" baket parang ako may mali dito? Baket parang kasalanan ko?( Bea lang ).

Agad naman siya tumalikod at nilapag sa lamesa na nadaanan niya ang baso na may na tubig, hindi man lang binawasan. Diba nanggagago lang. Dumeretso siya kina kuya George mukang magstart na silang tumugtog. Ako naman umupo muna. Panoodin ko muna sila wala naman ako gagawin sa loob eh. Maya maya tawagan ko nalag si repaks na magkita kami mamaya. 

Habang tumutugtog sila hindi ko maalis sa isip ko ang reaksyon ni baku kanina  nung sinabi ko kanina baket ganon? Ano ba kasi gusto niyang mangyare? Pota hindi ko na nga din alam ang nararamdaman ko eh. Jusko ano ba naman to...parang nalungkot ako nung makita ko ang wala niyang ekpresyon pero baket ganon? Hirap kalabanin ng isip lage nalang may sinasabi or baka nababaliw na ako.

Nagkakatitigan kami ni baku habang nagigitara siya. Ang lungkot ng mga mata niya. Baket parang pinipiga puso ko, parang feeling ko sasabig na din sa lungkot. Inalis ko ang titig ko kay baku kay Marky nalang muna ako tumingin. Nakatingin din ito sakin at ngumiti syempre ginantihan ko din siya. Pero parang may kulang sa puso ko. Crush ko lang talaga si Marky...Ashley baka naman ang gusto ng puso mo si Bryan..Hay nako yan nanaman yang isip ko kung ano-ano sinasabi,baket parang walang kabog ng dibdib kay Marky. Ehh..hay hayaan na nga aalis na ako magpapaalam  muna ako kay madam. Makipagkita muna ako kay repaks para naman mabawasan ang mga stress ko sa kawatan. Baka sumakit pa ulo ko dito.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at tinext si Lance na upadate ko siya kung anong oras ako makakaalis dito. Patayo na sana ako ng tawagin ako ni Baku para pumunta sa harapan, napatigil naman ako tumitig ng masama sakanya. Ano nanaman ba to hindi na talaga natapos. Hindi ko din pala namalayan na tapos na sila sa kanta nila. Ang gusto niya eh kumanta ako don. Ano bet ba niya na duet pa kami nako naman. Napansin ko naman na napatingin sila madam sakin at mga kasamahan ko sa bahay. Nakangiti sila, nahiya naman ako na hindi pagbigyan ang isang bakulaw.

Pumunta naman ako agad sa stage at nakipagusap kung ano kakantahin ko I mean namin pala. Sinuggest kasi ni Kuya Angelo na magduet daw kami ni baku, eh di hindi naman ako nakatanggi. Una namin kinanta ang Pangarap lang kita...Hindi ko alam kung baket ayun pa ang napili nila. 

Baku
Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
Di tulad sayo, imposible
Prinsesa ka, ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari

Baket parang naiilang ako sa titig ni baku, hindi parin maalis sa muka niya ang lungkot. Ano ba naman kasi masama sa sinabi ko kanina. Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya, baka magkamali pa ako.

At kahit mahal kita
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita


Ako
Ang hirap maging babae
Kung torpe iyong lalaki  (
sabay tingin kay baku na ngayon ay nakatingin parin sakin)
Kahit may gusto ka, di mo masabi
Hindi ako iyong tipong, nagbibigay motibo
Conservative ako kaya di maaari

Iniwas ko na ang tingin kay baku baka mautal ko Lord tulungan niyo po ako

At kahit mahal kita
wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita


Baku & Ako
At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala akong magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
 

Unti -unti na siyang lumalapit sakin hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko feeling ko nakapako mga paa ko. Pinabayaan ko na siya makalapit hindi naman gagawa ng kagaguhan ang dami kayang tao. 

Ako

At kahit mahal kita 
Wala akong magagawa
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita

Nang makalapit na siya ay bigla naman niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay. Hindi ko magawang alisin ang kamay ko dahil sa higpit ng kapit niya. Pinipisil pisil niya ito, may biglang kabog sa dibdib ko. Hindi ako makahinga baka hindi ko namatapos ang pagkanta. Titig na titig siya sakin feeling ko matutunaw ako sa titig niya. Naghuhurumentado nanaman ang puso ko. Lord sana matapos na tong kanta na to at makababa na ako hindi ko na ata kaya to.


Baku & Ako
At kahit mahal kita (minamahal kita)
Wala akong magagawa (walang magagawa)
Tanggap ko oh aking sinta
Pangarap lang kita
Pangarap lang kita
Pangarap lang

Ayaw parin niya bitawan ang kamay ko hindi ko na alam ang nararamdaman ko, halo halo na di ko na maintindihan. Hanggang sa matapos ang kanta nakahawak parin siya kamay ko. 

"Thank you po sana po nasiyahan po kayo sa mga tinutugtog namin" pagpapaalam ni baku.

Hindi parin inaalis ang pagkapit ng kamay niya sa kamay ko. Hindi ko napansin na nakuha na nya ang mic sa kaliwang kamay ko. Tila wala ako nakikita kung hindi si baku lang, hindi ako makakibo dahil sa nararamdaman ko. Hinila niya ako pababa at ako naman ay nakisabay sakanya. 

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon