Chapter 6

49 4 0
                                    


Ashley

Salamat at natapos na din ako sa mga gawain ko dito sa mansyon. Nakapagayos na din ako ng gamit para sa pagpasok sa school bukas. Buti naman at wala akong duty sa coffee shop ngayon. Makalabas nga muna at makapagrelax. Tutal alas kwatro palang naman ng hapon. Mahaba haba ang pagrerelax ko.

Pumunta ako sa likod ng mansyon at bitbit ko ang gitara na ipinamana ng kuya ko sakin. Ayan namis ko nanaman ang kuya ko. Nitong nakaraang araw hindi ko pa siya nakakausap sa cellphone,siguro busy siya. Bukas pagkatapos ng klase makipagchat ako sakanya. Wala akong pangtawag sa cellphone ang mahal kaya. Magonline nalang ako sa facebook baka sakaling nakaonline siya.

Paglabas ko may lamesa at umupo na ako sa may ibabaw at tumugtog.

'Kamusta na,nandiyan ka pa ba

Wala na yatang ibang magagawa kundi tumawa

Nandiyan pa ba mga alaala

Ang tanging bagay na naiwan sa ating dalawa.

Itinuro ito sakin ng kuya ko. Lagi ko din kasi ito kinakanta.

'Wag nang paikutin ang isa't isa

Lahat ng bagay ay malinaw na

Hindi na rin natin kailangan pang pigilan pa

Hindi mo na kinakailangan pang magsalita ah ah ah...

Napatigil ako sa pagtugtog ng gitara at pagkanta ng may narinig akong kalabog mula sa loob ng mansyon. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto,hindi ko masyadong naisara.

Sumilip ako at may nakita akong lalaking mabilis na naglakad papunta sa loob. 'Sino kaya iyon? tanong ko sa sarili ko.

Siya siguro ung anak na lalaki ni madam. Imposible naman ung driver nila 'yun nakita ko na umalis sila ni madam kanina. Mukhang maganda ang pangangatawan kumurba sa white na tshirt niya ang kanyang katawan. At tantya ko nasa 5'11 ang tangkad niya. Ako na marunong magsukat sa isang tingin lang...hehehe.At ano kaya ang nangyari bakit may kumalabog? siguro may nabangga lang siya.

Pero hindi kaya ibang tao yon?pero kung iba iyon dapat inatake na niya ako. Tsaka may mga guwardiya sa may gate,imposible... Haist nako wag ko na nga isipin iyon basta buhay pa ako. Walang nangyari sakin..

Bryan

How stupid I am? Nabangga ko pa ung upuan sa may kusina. Ang sakit tuloy ng tuhod ko.

'Who is she anyway? tanong ko sa sarili ko. Siya kaya 'yung nakita ko kahapon na may kasamang boyfriend? At bakit parang narinig ko na 'yung boses niya? I dont remember kung saan ko siya narinig...pero parang pamilyar talaga ang boses niya.

Buti nalang hindi niya ako nakita. Kung hindi ano kaya sasabihin ko sakanya? Ahhh...what I'm thinking anyway? Makaalis na nga at makapunta na sa condo. Ayokong maistress sa babae na 'yun. Nakapagpaalam naman na ako kay mommy na uuwi ako sa condo ko.

Nagayos na ako at paalis na ng biglang nagring ang cellphone ko. Kinuha ko agad sa may bulsa ng pants ko.

'Hello

'Bro tapos na ang studio na pinapagawa ko dito sa bahay. Dito na tayo magprapractice.

Tinignan ko ulit ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumawag. Hindi ko na nagawang tignan kanina sa pagmamadali ko.

'That's great news..hindi na tayo lalayo."paano ba naman kasi kina Angelo kami lagi nagprapractice ang layo ng bahay nila. Pero nakastay siya sa condo niya na kalapit ko lang ng unit.

'Oo nga e. Bukas punta kayo dito sa house after class at nga pala magbubukas na din ang bagong tayong bar namin. Jamming tayo don.

'Ok..I think thats a good idea George. Another exposure of our band.

'Oo nga e...so..see you tomorrow Bry. Bye..May asikasuhin pa ako dito. Iseset-up na kasi 'yung drums and other equipment.

'Ok Bye..

At na-end na ang paguusap namin ni George. He is our drummer. Nakilala ko siya 2nd year college na kami nila Marky. Nagpa-audition kame na maging drummer namin sa banda at siya ang napili namin. Siya kasi ang magaling sa lahat ng nagaudition at magaling din siyang kumanta. And he has the looks,tinitilian pa siya ng mga nanood nung nagpakilala siya. Naalala ko nung nagsimula na siyang magdrums. May isang babae na nagpunas ng pawis niya at medyo nawala siya sa timing at pinaulit namin. Pero natawa kami dahil na-love at first sight siya sabi niya ng natanggap na siya. Ngayon girlfriend na niya 'yung babae na iyon and her name is Cristine. Taon narin sila. I think 2years na sila naglolokohan :). Kidding..

Kinabukasan sa school

Nandito kami ngayon sa cafeteria para pagusapan ang plano namin na magpa-audition para sa aming vocalist. Kumpleto kami. Kahit na matagal pa lilipad si Kareen papuntang America kailangan na naming magpa-audition dahil alam namin na madami ang gustong magtry at dapat talagang papasa samin.

"Bry so kailan natin iaanounce ang audition for our vocalist? at para masabi ko narin kay Dean." tanong ni Marky

"I think by July or August? what do you think?" I ask them

"Siguro mas maganda kung July kasi feeling ko madami ang mag audition. At para masala natin masyado ang mga sasali." request ni George

"Wag naman muna July para naman papalitan na agad si Kareen my loves ko niyan" kahit kailan talaga to si Angelo ang corny eh.

"Wag ka nga O.A Angelo pag magperform parin tayo kasali parin si Kareen hanggat hindi pa siya umaalis." singhal naman ni George.

"Ano ka ba Angelo matagal pa naman ako aalis eh. October or November pa naman. Kaya lang naman tayo magpapaaudition para hindi na hussle pag wala na ako. Tsaka malamang yan madami ang sasali. Sino ba naman hindi gustong kumanta na kasama kayo, kayo lang naman ang tinitilian dito ng mga babae sama mo narin ang bakla at sikat kayo dito sa school." paliwanag ni Kareen kay Angelo.

Natawa naman kami sa sinabi ni Kareen. Kailangan pa isama ang bakla sa tumitili samin. Well ganon na nga masyado kami sikat dito sa school. Hindi lang kami guwapo...ay ako lang pala ang guwapo. Mayaman na at may talent pa.

"So second week of July magpapaanounce na ako ng audition." singit ni Marky.

"Ok ako diyan..and that's for today." at eksakto naman na oras na para pumasok kami sa susunod na klase namin.

.....

song used Mata by Mojofly

Comments and feedback....

salamat..

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon