Chapter 27

18 1 0
                                    

Ashley

Nakapagtext na ko sakanilang lahat...kasi may load na ako hahaha. Makabalik na nga sa mansyon at baka hinahanap na ko ni Nana Rosa. Nang makadating ako agad akong pumwesto sa likod... ang tambayan ko sa mansyon. Super text kami ni Greg..bakit daw hindi ako nagpaalam sakanila na aalis na ko. Sa totoo lang si tita Giselle lang ang may alam ng pag-alis ko kasi kapag sinabi ko pa kay Greg baka umiyak pa yun,napak-oa pa naman non akala mo naman ang layo ng pupuntahan ko at hindi na kami magkikita.

Makapagfacebook nga para makachat ko si Kuya Ton. Buti nlang pinahiram ako ni Greg ng cellphone na touch screen oh diba nakakapaginternet ako kahit data lang ang gamit ko...hehehe,nakalimutan ko pala ito ibalik. Meron kasi siyang bagong cellphone, ang taray talaga ni beks kapag may uso nakikiuso..hahahahaha

May mga message ako kay kuya..nangangamusta lang si kuya. Sinagot ko muna mga message niya baka magtampo eh. Mis na mis ko na si kuya sa totoo lang. Ano ba yan bakit ba ako naiiyak? Matagal tagal na din nung umalis si kuya. Hay kuya Ton ton.....Don na kaya makita ni Kuya ang babaeng papakasalan niya? hehehe..bata pa pala si kuya kung ano ano iniisip ko sakanya. Nang matapos ko ng imessage si kuya, nakita ko ang notification ko ang daming naka-tag sakin na picture. Picture namin ni Greg nung nagpunta kami sa birthday ni Justine. ang dami din na naglikes.

Down

Down

Down

Down......ang dami ko atang picture pero puro stolen shot. Gaga talaga tong si Greg pinagkukuha ako ng picture hindi man lang ako pinapose ng maganda...hehehe...

Putek ang pangit ko naman sa lahat ng picture ko..maayos lang ako nung sa kwarto eh....habang tinitignan ko ang bawat picture bigla akong napatingin sa picture namin ni baku. May picture pa kami na kaming dalawa lang. Kainis si Greg kuha to habang naglalakad kami papunta sa bar. Naiwan kasi kami naglalakad dahil ang kulit kung makaakbay.. si Greg pala panay ang picture samin. Talaga yung bakla na yun walang hilig magpicture.

Ano ba yan napapangiti ako para akong baliw dito baka mamaya may makakita sakin eh nakakahiya. Tae naman bakit ko ba pinagkakatitigan si Baku? Oo gwapo siya aminin ko na kaso lang bakit niya ginawa sakin yun? Anong pumasok sa kokote niya at hinalikan niya ako? May gusto na kaya siya sakin? Pero napaka-imposible naman yun ang ganda kaya ng ex non...wala kaya akong panama don. Ay nako ang lakas talaga ng sapak sa utak non. Hay Baku!!! Bakit ba kita naiisip...ikaw naman kasi eh.

"Ashley..."shocks narinig ata ako ni Nana Rosa...shit naman ang lakas ng pagkakasabi ko sa pangalan ni Baku...putek Ashley ano ka ba naman!!!. Si baku lang yan...huwag mo siyang masyadong iniisip. Laro lang ang pagpapanggap niyo okey!! Hindi totoo ang pagpapanggap niyo..laro lang yun.

"Nana Rosa nandito lang po ako sa likod..."sigaw ko..nasa kusina lang malamang si Nana Rosa.

"Ay nako Ashley nandiyan ka lang pala" lumapit sakin si Nana Rosa

"Bakit po Nana Rosa?" Tanong ko.

"Patingin tingin naman yung nilalabhan ko ah, baka matapos na kasi eh. May ayusin lang ako sa second floor"

"Okey sige po" tumayo na ko at habang naglalakad ay nakita ko na ay may nakita akong message kay kuya...masagot nga muna.

Habang papunta ako sa labahan ay sinalpak ko ang earphone ko sa tenga ko. Para maaliw aliw naman ako kahit papaano. At sinabayan ko ang kanta...ang sarap talaga kantahin nito..Naalala ko lang si kuya Ton nito kasi ito myung madalas kong kantahin tapos siya maggigitara.

Tulak ng bibig kabig ng dibdib...tulak ng bibig kabig ng dibdib

Di ko na alam ang gagawin ko sa iyo

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon