Ashley
"BEEEEKKKSSS...!!!!" nagulat ako sa pagsigaw ng isang baklita na akala mo ang tagal naming hindi nagkita. At jusko ang suot lakas maka-pogi hahaha tapos sisigaw ng parang babae,ay binabae nga pala siya.
"Alam mo beks nakalunok ka ba ng mega phone? Ang lakas ng boses mo" paglapit niya sakin ay agad na napatili si Greg.
"Aaaaaaaaaahhhhh....Lance" sabay yakap naman siya dito. Ang sakit lang sa tenga ng tili ni Greg.
"Kamusta ka na Greg. I miss you.." napayakap din si Lance sakanya. Parang ang awkward lang hehehe..
"Ayos lang naman ako...talaga ngang magugulat ako kung sino kasama nitong si beks. Ikaw pala..kelan ka pa umuwi? Sino kasama mo umuwi?"ngitng ngiti na sabi ni Greg. Jusko mukang nagpapacute pa ang baklita.
"Oopppsss.....wait lang pwede bang maupo muna tayo para makapagchikahan tayo ng maganda ganda" singit ko naman. Dami tanong ni Bakla eh
"Ok..sige...Oy Lance madami kang itatalak samin" at napatawa naman si Lance.
Kakatapos lang kasi naming magperform. Nakakamis din pala kasama si Lance magperform. Maayos naman kami kanina sa stage. Nagenjoy naman kami. Napapakanta naman namin ang mga customer. Pero may isang customer na nahagip ng mata ko parang si bakulaw 'yun. Pero wala akong pakielam sakanya kung nandito siya. Nako huwag lang niya ako inisin pag nagkita kami ulit makakatikim siya ng hard na asar sakin.
"Nakakainis hindi ko kayo napanood magperform,sinabi lang sakin ni kuya George..kainis 'yung banggaan na malapit dito kaya ngayon lang ako..nga pala nakita ka na ni mommy Lance?" tanong ni beks kay Lance
"Yup..actually she's the one who push us to perform, where is she by the way?" saad ni Lance
"Umuwi na sabi ni kuya. Kaya si kuya muna ang bahala dito sa bar. Maiba ako Lance mukhang hiyang ka sa states a..lalo kang gumwapo" eto nanaman po si Greg...kung hindi ko lang kaibigan to baka isipin ko na may gusto siya kay Lance. Pero hindi kasi kami talo-talo..usapan na nanamin yan nung mga bata pa lang kami.
"Hindi naman masyado..medyo lang" sabay tawa...ay pahumble pa tong isa na to.
"Totoo naman repaks e. Nga pala maiba ako san ka ngayon naka-stay?"tanong ko kay Lance
"Nagrent lang ako isang hotel....sa Villaflores Hotel" sagot ni Lance
"Ahhh...." saad ko..
"Alam mo beks?"tanong ni Greg sakin
"Hindi..hehehe" hindi ko naman talaga alam kung san iyon e. Wala akong alam sa mga ganyang hotel. Narinig ko naman na tumatawa si Lance tsaka Greg.
"You know repaks..one of the reason why I want to stay here for good because I miss a lot both of you at mga kalokohan niyo" sabay turo kay Greg
"Wala naman nagbago samin ni beks..ay meron pala medyo kumapal na ang paglalagay niya ng foundation sa feslak niya..." sabay turo ko sa pisngi niya."Hahahaha...aray naman" pano ba naman makabatok.
"Grabe ka beks sakin..friend talaga kita" talak ni Greg
"Grabe ka makabatok parang matatanggal ang ulo ko. Kahit bakla ka papatulan kita sabihin mo lang Lance,sasapakin ko talaga to si Greg" tila nagulat si Lance..busy sa kakatawa kasi.
"Ahhhmmm...bakit ako? Sige bahala ka kung ano gusto mo" sabi ni Lance. Na nagkibit balikat na tumingin kay Greg
"Oy Lance pagtanggol mo naman ako kay beks...grabe ka din sakin e. Pinagtutulungan niyo ako" sabay kami napatawa ni Lance. 'Yung mukha kasi ni Greg nakakaawa..
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...