Chapter 25.1

19 2 0
                                    

Ashley

Nandito na kami sa bar syempre umiinom kami ni Greg. Hay...ang sarap talaga uminom nakakawala ng stress at kabwisitan sa isang bakulaw. Sila kuya George ayun nagseset up na ng instruments nila sa stage.

"Hoy beks huwag mong pagkatitigan si papa Marky baka matunaw ikaw din mawawalan ka ng crush"napatawa lang ako. Masamang tignan..

"Gaga ka...hindi naman noh. Lahat sila tinitignan ko." Uminom ulit ako ng alak. Pero syempre keme lang yun...si Marky talaga ang tinitignan ko. Ang guwapo niya talaga..medyo makapal ang kilay hindi naman yung tipong pahalimaw na, mapungay ang mga mata na akala mo sabog..hahaha, matangos ang ilong at may kapulahan ang labi. Parang ang perfect naman niya. Kaya crush na crush ko siya eh. Nawala ang pagpapantasya ko kay Marky ng may tumabi sakin...pantasya talaga.

"Hi Bogart"muntik ko ng mabuga ang iniinom ko. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. Gulat ko naman kasi dito sa lalaki na to. Super ngiti pa siya.

"Ahhmmm...hi" bati ko. Mapagtripan nga ito. Napatingin ako kay Greg at nilakihan ng mata.

"If you mind can I join you" sinipa ko si Greg

"Awww....get get awww" napatawa lang ako. "Sure kuya...nga pala anong name mo?"malanding pagkakasabi ni Greg.

"I'm Christian..." lumingon naman siya sakin "Ahhmm Bogart yung seryoso sagot ah. May gusto lang akong linawin...bading ka ba talaga?" napatawa kami ni Greg.

"Alam mo Christian bading nga ako...sinabi ko naman sayo diba na salamat sa bansang Thailand dahil ginawa nilang maganda ang katawan ko. Gusto mo tignan mo pa eh" hinawakan ko ang braso niya at hihilahin siya. "Oh ano para makasiguro ka" inalis niya ang kamay ko sa braso niya.

"Hindi na kailangan....naniniwala na ako. Huwag kang magalit sakin ah kung ang kulit ko. Hindi lang kasi ako makapaniwala na hindi ka totoong babae. Sobrang ganda mo tsaka ang sexy mo" paliwanag niya

"Thank you Christian ah...feeling ko tuloy tunay akong babae sa mga compliments mo" nagflip pa ako ng buhok

"Ahhmm..Sige alis na ako..."at tuluyan na siyang umalis. Nag apir naman kami ni Greg at tumawa.

"Loka ka beks...akalain mo na napaniwala mo talaga siya" tawa prin kami ng tawa

"Syempre naman...ako pa ba? Magaling to umarte oy. Kaya nga paniwalang paniwala yung ex ni baku na kami diba. Ang kulit niya kasi"at nagapir ulit kami.

"Good evening everyone...First of all I want to greet the birthday celebrant Justine..a happy happy birthday. And this our first song actually this song is requested by our birthday celebrant,I think he is inlove"panimula ni Ate Kareen. Naghiyawan naman ang mga nanonood.

May gusto ka bang sabihin
Ba't di mapakali
Na hindi makatingin
Sana'y huwag mo na tong palipasin
At subukang lutasin
Sa mga sinabi mo na

Ang ganda talaga ng boses ni ate Kareen. Lalo siyang gumaganda kapag kumakanta siya. Hindi din ako magtataka kung bakit mahal na mahal siya ni kuya Angelo eh,na sakanya na ang lahat. Mabait,maganda,matalino at talentado pa.

Napatingin naman ako kay Marky..isa pa tong lalaki na to. Swerte ng magiging girlfriend niya, guwapo na mabait pa tapos talented din. Napangalumbaba nalang ako at titig na titig kay Marky. Nagulat ako ng may bumatok sakin

"Aray tae ka beks" pusa naman oh..nahiwalay ata yung ulo ko. Napakapit ako sa ulo ko na binatukan ni Greg.

"Beks huwag kang magimagine diyan. Sight na sight ko sa mga mata mo kung pano mo pagnasahan si papa Marky..."ano bang pinagsasabi nitong baklita na to.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon