Chapter 29

14 1 0
                                    

Ashley

Bakit ba hindi maalis sa isip ko ginawa sakin ni Baku? Ano ba naman kasi ginawa niya sakin? Nagayuma ata ako.....as if naman na uso pa gayuma ngayon? Hay Baku ano ba naman ginawa mo sakin???? Hindi ko na alam gagawin sayo. First kiss ko yun ninakaw lang niya? Ibibigay ko yun sa taong mahal ko. At pinangako sa sarili ko na don sa una at huli na mamahalin ko ibibgay ang aking first kiss..nako Baku ........Lakas mo talaga makapeste.

Dito ako sa tambayan ko sa likod ng mansyon nila madam. Nagpaalam muna ako na magpahinga muna kasi kanina pa kami kumikilos at tatawagan ko muna si kuya buti okey lang naman sakanila. Kakatapos ko lang makipag-video call kay kuya Anton. Maganda naman ang kalagayan niya don, madami silang customer kaya medyo busy sila. Ang swerte nga daw niya kasi nagustuhan siya ng mga tao don. Madami daw mga pinoy na pumupunta don.

Si Greg naman din mis ko na, lage naman kasi kami magkatext non. Nasabi ko na baka maging busy na ako kasi maghahanda kami sa birthday ng apo ni Madam na si Xyra. Lahat ng pamilya nila nandito mamaya. Nagpahinga muna ako kasi kakatapos lang namin na magasikaso ng decoration sa may garden. Sakto naman na maganda na ang mga tubo ng mga bulaklak. Galing ko talaga magpatubo hahahaa . Wala din ako pasok sa cafe hanggang bukas kaya kahit mapuyat ako ngayon eh okey lang...wag lang maisip pagmumuka ni baku at baka hindi ako makatulog. 

Anyways makapunta na nga ako sa loob at makatulong na nakakahiya naman kung nandito lang ako. Pagpasok ko ay agad kong nilinis ang mga nakakalat na mga natirang pang-dekorasyon, at nagpunas punas ng mga lamesa tinulungan ko na din yung nag-cacater. Para mabilis na makatapos, para bisita nalang hintayin namin. Nakita ko si Madam Bernice tuwang tuwa naman siya, matutuwa daw anak niya kapag nakita niya lahat ng to. Wala parin yung kapatid ni Mam Bernice na si Bryan......hay naalala ko nanaman si Baku parehas pa sila ng pangalan. Kahit san naman talaga maalala ko yung bakulaw na yun. 

Pinagayos din pala kami ni madam. Gusto daw niya kasi na hindi kami matignan na kasambahay dito. Ang gusto niya isa kaming kasama sa bahay na parang kamag-anak daw nila. Oh diba ang bait bait ni madam talaga. Kaya eto nagdress ako ng sleeveless na floral brown na ang iksi ay above the knee, nakwento ko kasi kay baklita na may birthday na magaganap dito eh. Ang sabi niya sakin magdress daw ako para magmuka naman daw ako tao hahahhaa,ang gaga talaga hindi ba ako mukang tao. Kahit hindi ako sanay sa ganitong pananamit. Naglagay din ako nalang ako ng lip balm para hindi naman dry ang labi ko at pinusod ko ang buhok,ayan na mukang maayos naman ang suot ko at itsura ko. Sila Nana Rosa naman simpleng dress din mga binigay ni madam sakanila para may masuot. 

Ayan na maayos na ang lahat hinihintay nalang namin ang  birthday celebrant, isusurprise kasi nila si Xyra. Busy busy din si mam Ivy siya ang nag-organize ng party na ito. Ang sabi ni Mam Bernice kasama daw ng kapatid niya ang anak niya. Nagdahilan nalang na gagala muna sila at kapag okey na ang set up dito sa mansyon ay pupunta na sila dito. Napansin ko din na may naka-set up na drums at meron ding mga amplifier, mukang may tutugtog na banda. Sino kaya sila? 

Mga ilang oras pa ang lumipas ay nagsabi na si mam Bernice na nasa gate na sila at agad naman kami naghanda nakapila kami nila nana Rosa at sila mam Bernice naman ay nakatayo sa gitna sasalubungin nila si Xyra. Palapit ng palapit yung sasakyan pero parang kinakabahan ako hahaha ako ba may birthday. Pagkabukas ng sasakyan ay agad nakita namin si Xyra na bumaba.

"Happy Birthday Xyra" sabay sabay namin na pagbati. Bigla naman paputok ng mga poppers. Tuwang tuwa si Xyra.

"Mommy, Lola, Daddy" agad naman na lumapit si Xyra sakanila. "Wow ang ganda po thanks po sainyo" ang gandang bata nito. Ngiting ngiting kami lahat. Lahat ng atensyon ay na kay Xyra. Artistahin ang batang ito..mukang may future ito.

"Oh bro thanks a lot...buti napapayag mo si Xyra na sumama sayo" napatingin naman ako sa kausap ni mam Bernice laking gulat ko kung sino ang kapatid ni mam.....hindi ako makakilos sa kinakatayuan para akong nakakita ng multo. Ibig sabihin yung Bryan na kapatid ni mam Bernice eh si Baku???? Jusko naman ano ba naman to....baket ganito naman ang nangyayare sa buhay ko. Talaga naman pinaglalapit kami ni Baku. Unti unti akong umuurong para hindi ako makita ni Baku. Pero nagtama ang paningin namin....tinignan niya ako mula ulo hanggang paa..biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ang kamay ko sa nerbiyos. Hindi ko mawari ang itsura niya kung nakangisi ba na parang aso o masaya ba o nangiinis....baket ganon itsura niya. Lord pinaparusahan mo na ba ako???

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon