Chapter 13

40 2 0
                                    

Ashley

Kanina pa ako binubwiset ng lalaki na bakulaw na 'yun. Akala mo kung sino siya. Sobrang hambog niya. Lakas niya mangasar. Feeling guwapo..akala naman niya kaka-smirk niya ang guwapo niya tignan. Ashley talaga naman guwapo siya e. E basta hindi siya guwapo sa paningin ko kasi buwiset siya. Lakas makapunyeta ng muka.

Kapag pumunta siya ulit kina Greg bubwisitin ko siya ng hard. Makikita niya.....Teka-teka lang kanina pa ako naglalakad pero wala paring jeep na dumadaan puro taxi, e ang mahal mahal naman ng pamasahe sa taxi. Ano bang oras na? Tinignan ko ang relos ko at nagulat ako ng malapit na mag11. Kinakabahan na ako baka magkatotoo ang sinabi ni bakulaw na baka may makasalubong akong manyak nanaman. Lord huwag naman po..

Alam ko na tawagan ko muna si Greg na malalate ako makakauwe dahil wala akong masakyan. Para hindi na magalala pa si tita Giselle. Pag dial ko ng number ni Greg...operator ang sumagot. Bwiset naman talaga wala na akong load. Oo nga pala kanina pang 9pm expired ang load ko. Pag minamalas ka nga naman.Feeling ko si bakulaw ang malas sa buhay ko e.

Lakad....

Lakad....

Lakad....

Kakapagod na maglakad. Makaupo nga muna sa may bench. Buti nalang at meron ganito dito. Medyo masakit na din ang paa ko sa kakalakad. Habang pinapaikot ko ang paa ko para mamasahe ito may sasakyan na tumigil sa harapan ko. Jusko po Lord huwag nanaman po sana maulit ulit. Baka magtatanong nanaman ng lugar dito.

Pinilit kong tumayo. At akmang maglalakad na ako ay biglang nagbukas ang bintana ng kotse. Laking gulat ko kung sino ang nasa loob nito.

"Repaks" Sigaw ko. Nagbalik na siya. Siya ang isa pa naming bestfriend ni Greg,si Lance. Kung kami ni Greg tawagan namin beks,tawagan namin ni Lance ay repaks. Matagal na din wala sila dito sa Pilipinas. Nagpunta kasi sila US ng pamilya nila at doon na niya ipinagpatuloy ang pagaaral niya. Ahead siya samin ni Greg ng isang taon.

"Repaks"saad niya,ngiting ngiti siya. Parang lalo siya gumagwapo. Naging matured ang itsura niya. Agad akong lumapit sa sasakyan niya pagkatawag niya sakin. "Hop in" hindi na ako nagpakipot. Malamang baka kung naginarte pa ako anong oras na ako makakauwe. Tsaka bakit pa ako magiinarte e kaibigan ko naman ito. Agad akong sumakay sa kotse.

"Kailan ka pa bumalik dito sa Pilipinas? Buti nalang nakita mo ako..ang hirap sumakay kapag ganitong oras. Salamat ha" pasalamat talaga ako na nakita niya ako

"Your always welcome repaks.. By the way nung isang araw lang ako nakauwe. Kamusta na kayo ni kuya Anton? Pati sina Nanay Alena at Tatay Tonio.Pumunta ako kahapon sa bahay niyo dati kaso hindi na pala kayo don nakatira. Wala ng mga bahay don,may gagawin ba don?"saad ni Lance

"Oo..halos 4 na buwan na din nang umalis kami don ni kuya Anton. Si kuya Anton nasa Canada na. Tapos sina Nanay at Tatay naman nasa probinsya na. Mas malaki kasi kita doon." sabi ko

"Talaga,ang layo na pala ni kuya Anton...e san ka ngayon nakastay?ikaw nalang pala nandito sa Maynila" sabi ni Lance

"Nung una nakina tita Imelda ako,natatandaan mo pa ba sa tita Imelda? Yung lagi nagpupunta sa bahay noon at isa siyang kasambahay"tumango naman ito "Pero ngayon nakina Greg muna ako kasi sembreak naman. Nakakahiya kung magstay pa ako don sa mansyon e wala pa naman si tita don nauwe sa probinsya "bigla naman napangiti siya.

"Really?kamusta na pala si Greg. Mis ko na siya. Actually lahat kayo..pati sina kuya George,ate Georgina at sina tita Giselle at tito Gerard"

"Isa-isa lang ha...ok naman silang lahat actually may business si Ate Georgina na coffee shop. Dati nilang business lumago na. Doon ako nagtatrabaho ngayon. May mga branch na din tapos si tita Giselle at tito Gerard naman may business na bar. Kakatayo lang non. Nagpeperform nga pala si Kuya George don kasama niya kabanda niya At syempre ako din..hehehe. Every tuesday and friday." ang haba ng litanya ko. Ang dami kasing kinakamusta e. Sana ninitindihan niya sa pagmamadali kong magsalta.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon