Ashley
Nang matapos na kami magperform ay agad kaming pumunta sa table namin. Ang daming pinakanta sakin kaya ngayon ang gusto ko eh makapagrelax. May nagpeperform naman ngayon..show band sila. Lalong naging maingay ang mga audience dahil narin sa kanta nila. Nagkakasayawan na sa gitna.
Sama sama kami nila Greg sa isang table. Hinila nga ako ni baku at pinaupo niya ako sa tabi niya..oo nga pala boyfriend ko siya. Pasensya na nakakalimutan ko eh. Nasa kabila ko naman si Greg at nasa tapat ko si Marky.
Kuya George,Marky,Kuya Angelo,Ate Kareen.
Greg,Ako,Bakulaw
Ayan ang arrangement sa lamesa namin.
"Beks galing niyo kanina ah. More kanta more fun ang mga nagrerequest sayo" masayang saad ni Greg.
"Oo nga eh...yung iba buti alam ko tsaka sila kuya George buti alam din nila. Syempre salamat sa mga kopya kanina buti meron yung ibang kanta na nandon" buti talaga meron don kung hindi baka madismaya namin yung mga nagrerequest ng kanta.
"Pasalamat sila ang galing ng guitarist natin. Halos lahat ng kanta eh alam ni Marky" sabat ni kuya George.
"Ewan ko ba...inspired siguro ako" sabay tingin sakin ni Marky at nakangiti siya. Nailang naman tuloy ako. Ako ba yung inspirasyon niya?? Hoy Ashley bawal assuming. Tinungga ko nalang yung alak at hindi makatingin kay Marky.
"Syempre halos lahat ng kinanta niyo mga bagong kanta eh. Malamang alam ni Marky talaga yun. Tsaka yung iba don natugtog na natin diba" sabat naman ni baku. May inis sa tono ng pananalita niya. Nagkatinginan naman si kuya George,kuya Angelo and ate Kareen. Biglang natawa si kuya Angelo. Si Marky naman napangisi lang.
"Hay Bryan...ano bang natira mo ngayon at lagi kang galit? Nang maiwasan ko" si kuya Angelo. Nangaasar nanaman si kuya Angelo.
"Tss..."sabay inom ng alak ni baku.
Bigla naman dating ni Justine.
"Ashley what a nice performance. Ang daming nagtatanong sakin ng pangalan mo. Ngayon lang daw kasi nila ikaw nakita. Nagaaral ka ba sa HWU?"tanong ni Justine
"No..."sagot ni Baku. Sabay lagok ng alak.
"Sayang naman...diba naghahanap kayo ng vocalist niyo Bryan? Eh kung si Ashley nalang kaya ang kunin niyo?"suggestion ni Justine.
"Nyeh...hindi naman pwede yun. Sa ibang school ako eh" sabad ko.
"Sabagay..anyway...I have to go madami pa akong bisita na aasikasuhin. And kung gusto niyo pa ng alak madami tayo diyan. Sige.."nagpaalam naman sila kuya George kay Justine. Bigla naman na dumukwang si kuya George palapit sakin.
"Ashley samahan mo muna ako" sabi ni kuya George sakin. Eto na siguro yung gusto niya ako makausap na magisa. Tumayo na si kuya George, tumayo na din ako at nagpaalam sakanila. Nakita ko si baku na matalim ang titig sa akin. Problema nitong unggoy na to. Inarapan ko lang siya at sinundan ko na si kuya George.
Lumabas si kuya George sa likod nitong bar. Umupo siya sa may bench,tumabi naman ako.
"Alam ko may sasabihin ka kuya. Ano yon?" Napabuga ng hangin si kuya George bago siya magsalita.
"Ashley..hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Do not fall inlove to Bryan baka masaktan ka lang" nye? Akala ko naman kung ano. Natawa ako..
"Kuya George hinding hindi mangyayari yun. Tsaka malabo yang sinasabi mo kasi lagi kami nagbabangayan" totoo naman eh para kaming si tom and jerry.
BINABASA MO ANG
Love Trip
HumorPaano mo ba masasabi na aksidente kang na inlove sa lalaking sinakyan mo ang trip? Subaybayan ang trip ni Ashley Mae at Bryan Marcus sa kanilang kalokohan para tigilan na si Bryan ng kanyang ex girlfriend.. At paano kung matagal na pala hinahanap ni...