Chapter 7

62 4 1
                                    

Ashley

Lumipas ang tatlong buwan na maayos naman ang naging pagtira ko dito sa mansyon. Mabait talaga si madam hindi lang sakin pati na din sa mga kasama kong kasambahay dito sa mansyon. Pagkatapos ko sa mga gawain ay lagi akong kinukuwentuhan ni madam tungkol sa mga anak niya. Nalaman ko na din ang pangalan ng kanyang mga anak. Ang panganay ay si madam Bernice at ang bunso naman ay si sir Bryan.

Si madam Bernice nakita ko na nang minsang pumunta siya dito sa mansyon. Kasama niya ang kanyang anak na si Xyra, ang cute niya at ang bibo at madaldal. Nakipaglaro pa nga sakin yung batang 'yun nang minsang nakita niya ako nagdidilig ng mga halaman at dinaldal ako ng dinaldal. Natuwa naman ako kaya ng matapos ako sa ginagawa ko naglaro kami ng habulan. At pumitas kami ng mga bulaklak, inayos namin iyon at binigay niya sa mommy nya at kay madam. Tuwang tuwa naman sila madam.

Si sir Bryan naman ayun hindi ko parin nakikita. Nung araw na may narinig akong kalabog sa may kusina si sir  Bryan pala iyon. Nasabi sakin kasi ni tita Imelda na nandito si sir Bryan nung araw na iyon. Naikwento sakin ni madam na may nangyaring masama kay sir Bryan buti nalang may tumulong sakanya at hindi natuloy ang pangingidnap. Hindi na din siya nakauwe dito kasi daw nandito na daw si sir Romualdo ang daddy niya. Kagagalitan siya nito dahil biglang umalis nalang siya dito sa mansyon at tumira sa condo.

Si kuya Anton naman maayos naman ang kalagayan sa Canada. Mabait daw ang may ari ng restaurant na pinapasukan niya. Katunayan niyan Filipina ang asawa nito kaya naman palagay ang loob ni kuya na magtrabaho doon. Nakakapagpadala siya sakin kahit papaano pati na rin kina nanay at tatay. Iniipon ko ang natatanggap ko kay kuya para may pang paupa ako, nahihiya na talaga ako kay madam at kay tita Imelda. After two years pa makakauwe si kuya ang tagal pa mis na mis ko na siya. Minsan ko nalang kasi siya nakakausap sa skype,kahit sa facebook minsan lang siya nakaonline. Paguwe niya kasi galing trabaho nakakatulog na siya sa sobrang pagod. Pero naiintindihan ko naman siya kahit ako ang nasa katayuan ni kuya ganon din mangyayari sakin.

Mapunta naman tayo sa bestfriend kong beky..si Greggy..wala parin pinagbago baklita parin. Lagi ko parin siya kasama at minsan sinusundo ako sa mansyon para sabay kami pumasok sa school.  May dala naman siyang sasakyan kaya ayos sakin para hindi na ko mamasahe. Kasalukuyang papunta ako kina Greg,pero hindi na ako nagpasundo kasi may lakad daw sila ni ate Georgina kahiya naman ng sobra sakanya. Napagusapan kasi namin ni Greg na pupunta kami sa bar nila para makapagliwaliw lang, wala naman pasok bukas dahil sabado ngayon at wala akong duty sa cafe'. Ipapahinga muna namin mga utak namin sa school. Two weeks nalang kasi exams na,kaya malamang next week busy na kami. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Greg.

'Beks malapit na ako sa inyo. Nandito na ko sa may papasok sa may subdivision.

Sumagot naman agad ang baklita.

'Sige sige..nandito na ko sa bahay,nagaayos lang ng mukha :)) Pumasok ka nalang ha.

Natawa naman ako sa 'nagaayos ng mukha'. Siguro kung ano-ano pinaglalagay niya sa mukha niya. Mga ilang kilong foundation nanaman ang ilalagay niya.

'Ok :)

Pagpunta ko sa bahay nila nakita ko agad ang baklita na nakaupo sa may sala at may kausap sa cellphone. Umupo naman ako sa tabi niya. Nagulat naman ito at sumenyas na sandali lang gamit ang kanyang kamay. Tumango naman ako. Ilang sigundo ay natapos na siya makipagusap sa phone at hinarap na niya ako.

"Si kuya George iyon. Sinabi ko na papunta na tayo sa bar ngayon."

"Ahhh..."napatingin naman ako sa relos ko. "Tamang tama mag seven na. Ano alis na ba tayo?" tanong ko kay Greg.

"Wait lang hintay ko lang si mommy makababa para makapagpaalam na tayo"

"Sige sige"

Nagkuwentuhan muna kami habang hinihintay si tita Giselle. Mga ilang minuto ang lumipas bumaba na rin si tita.

" 'My alis na kami ni Ash"paalam ni Greg.

"Sige magingat kayo. Ashley nga pala baka pwede ikaw muna kumanta sa bar kasi kakatawag lang ni George na hindi makakapunta 'yung banda na nakaschedule ngayon may emergency lang daw."patay tao diyan hindi ako prepared. Alam ko na palusot ko nito...

"Nako tita makati po kasi lalamunan ko hindi po ako makakanta ng maayos tsaka diba po may banda po si kuya George sila nalang po ang magperform."tinignan ko agad si Greg. Baka magsalita ito.

"Hoy Beks anong makati ang lalamunan? Bakit hindi ko alam? Diba kapag may masakit sayo sinasabi mo sakin,kahit nga matusok ka lang ng tinik ng halaman nasasabi mo sakin e.Wag ka na magpalusot. Oo na siya mommy siya na kakanta, malamang kasama naman niya si Kuya George e. Tsaka ang alam ko nakatugtog na sila kuya kagabi kaya hindi na sila makakatugtog ngayon"  grabe talaga si Beks sakin gusto niya talaga ako mapahiya. Tumingin naman ako kay tita Giselle 'yung mukha niya,mukhang nagaalala baka mawalan sila ng customer. Sige na papayag na ako kasi kung walang tutugtog don baka magalisan mga tao doon. Kuwento pa naman ni Greg na madami na daw agad silang customer dahil magagaling daw ang bandang nakuha nila kaya naman aliw na aliw ang mga customer nila.

" Alam mo Beks ikaw nalang kaya kumanta nanguna ka pa e. Sige na nga po tita. Pagusapan nalang po namin ni kuya George kung ano ang mga kakantahin ko." nakita ko naman na parang nagliwanag ang mukha ni tita.

"Thank you Ash a..Hayaan mo sasabihin ko kay George na bigyan ka ng sahod sa pagkanta mo. "suggest ni tita.

"Nako tita wag na po ngayon lang naman po ito e."

"Kung ayaw mo tanggapin bigyan nalang kita ng araw na pwede kang magperform, ayun sigurado na tatanggapin mo na ang alok ko." saad ni tita

"Talaga po..pero pagisipan ko pa po, baka po masagasaan ang schedule ko sa cafe tsaka sa school." ngumiti naman ako ng malapad.

"Sige na mommy kailangan na naming umalis kasi po para makapaghanda na si Ash at si kuya."

"Ok sige. Pero Ash pagisipan mo maigi a, dagdag kita din iyon." tumango naman ako at nagpaalam na kami kay tita. Inakay na ako ni Greg at lumabas.

Agad naman kaming sumakay sa sasakyan nila Greg at umalis na. Habang nasa sasakyan kami nagiisip na ako ng mga pwede kong kantahin at dapat alam ni kuya George ang mga chords. Tinext ko si kuya George na igoogle na niya ang mga chords at lyrics ng mga posibleng kakantahin ko. Sana hindi ako kabahan mamaya,ngayon nalang kasi ako ulet kakanta sa harap ng maraming tao.

Love TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon