Chapter 16:
The Hold
SURPRISINGLY, the dinner with Jack and Blair's mother on one table went well. Wala din naman masyadong ginawa si Ninong Aalto para hindi sila magisa ng Mama niya. Mag-iisang linggo na ang nakalilipas mula niyon pero hanggang sa ngayon nahihiwagaan pa rin si Blair sa kung gaano ka-"behave" ng Mama niya nang gabing iyon. Bridgette was all nice and accommodating to Jack! It's fishy.
"Why did you get your own apartment?" tanong ni Summer na nakapagbalik ng pansin niya sa mga ito.
"Yes, why?" segunda ni Faye. "Ang liit nito kaysa sa room mo sa bahay ng Mom mo."
"Buti hindi mo dinala ang book collection mo?" sabi naman ni Chanel. "For sure, kulang pa 'tong buong space mo para magkasya ang mga 'yon!"
Naghagikgikan ang mga ito.
Nagkibit-balikat lang si Blair sa pag-usisa ng mga ito. Inaya niya lang ang mga kaibigan dahil magpapasukan na sa isang araw at hindi pa daw sila nakakapag-bonding kahit isang beses noong bakasyon.
She served them cold pineapple juice and some potato chips. Then, she turned on the TV and sat on the couch.
"You should thank me I invited you here! Tapos lalaitin niyo lang ang place ko?" Buti pa si Jack, very appreciative.
"Well, for a 'dorm', this is quite enough for one person. Nandito ka lang naman tuwing may pasok sa school, hindi ba?"
"Maybe."
"We just thought that for a Christeena Blair Delos Santos, this is too simple. Small."
"I love it here," totoong sabi niya. Komportable siya sa lahat. Kinilala na ni Blair ang ibang apartment tenants at ang security guards. So far, it's exactly the place where she can feel peace and security. Malayo sa Mama at Papa niya.
Umupo sa tabi niya sina Faye at Chanel, habang si Summer ay nag-cross sit sa carpet, malapit sa center table kung nasaan ang pagkain.
"Okay, fine. Enough talking about your place," ani Faye. "So, here's what you need to know before the class starts next week."
"Go on," aniya lang habang nanood ng TV.
"Remember the three bullies? Si Walter, Tyrone, at Raul?" si Summer ang nagsalita. "They are gone."
Nawala ang atensyon niya sa pinapanood at napatingin dito. "Gone?"
"Wala na sila sa school! Didn't you hear nagsara ang family business nila all the same time?" dagdag ni Faye.
"I heard about that. Pero hindi ang pag-alis nila ng school." Napangiti na si Blair. "So, wala na sila sa school natin? Hindi ko na makikita ang mga pagmumukha nila, like ever?"
Tumango-tango si Chanel habang umiinom ng juice. "As in, they are out."
Napapalakpak na si Blair sa sobrang tuwa. Yes! Hindi na talaga mabu-bully si Jack! Matatapos nila ang high school na walang mga kontrabida!
"Hindi lang sila sa school, out. Pati dito sa Pilipinas! Like, their families migrated na nga," imporma ni Summer. "Parang hindi kinaya ang kahihiyan. Ilang weeks din sila pinag-usapan sa business news."
"Ang stupid naman kasi nila para hindi ma-notice na unti-unti na palang nabebenta ang malaking shares nila sa iisang tao," ani Chanel. "I heard from my Dad that they didn't protect their majority of shares well, hanggang sa napunta na sa ibang tao."
BINABASA MO ANG
Good Riddance (DS #2)
General FictionThe two bastards of Delos Santos are coming your way. And they are no saints. Christeena Blair Delos Santos just wanted to come, to play, and... to crash every man's heart. No one can stop her. No one can tame her. Not even with love. Because she c...